The Ivans

247 18 2
                                    

Chapter Two

"Kami na ang bahala sa iyo, ijo. If you're willing to come with us, we can take good care of you."

Iyon ang mga salita ni Jana Ivan na nagpabigay sa akin ng pag-asa. Akala ko, sobrang lupit na ng mundo sa akin. Akala ko kamalasan nang maituturing na hindi ako kaagad nakarating ng maaga kila Lolo at Lola. Kung hindi siguro sila ang nakapulot sa akin noon, tiyak walang-wala na ako.

Sila ang sumagot sa pagpapalibing kay Nanay samantalang ang lalaki na iyon, pinatapon na namin sa pamilya niya. Hindi ako pumayag na maging ang kriminal na iyon ay asikasuhin pa ng butihing mag-asawa. Nang sinabi nila na nais nila akong manuluyan sa kanila, wala akong pagtanggi. Malaki ang utang na loob ko sa kanila, kaya natural lamang na ibalik ko ang kanilang kabutihan.

Ang Lolo at Lola ko... wala na akong pakialam sa kanila. Galit ako sa kanila. Sinisisi ko sila. Wala silang karapatan na malaman kung ano ang nangyari kay Nanay o kung saan man ako ngayon. Total at hindi na rin naman nila kinikilala na may anak sila o may apo. Ang Diyos na lamang ang bahala sa kanila.

"Maraming salamat po ulit... sa lahat," nakayuko kong sambit sa maliit na boses.

Nasa daan na kami ngayon pabalik sa mansiyon nila matapos nila akong sunduin sa munti naming tahanan para kumuha ng iba ko pang gamit. Noong kamakailan lang din nang pinalibing namin si Nanay at ako maging ang mag-asawang Ivan lang ang naroon para na rin damayan ako.

"Ano ka ba, ijo. We told you don't mind it. Isa pa, masaya kaming matulungan ka. Eversince we found you that day, I immediately told Oliver that whatever happens, I want to help you."

Napahigpit ang hawak ko sa maliit kong bag kung saan ang aking mga damit nang marinig ang sinabi ni Mrs. Ivan. Hindi ko alam kung ano ang nakita nila sa kagaya ko, ngunit sa gaan ng loob ko para sa kanila, naisip ko na baka ganoon din ang naramdaman nila para sa akin. Nag-uumapaw ang pagpapasalamat ko sa mga Ivan.

Nang makarating kami sa kanila, hinanda ko rin ang aking sarili. Anila nais nila akong ampunin ngunit humindi ako. Ako pa rin si Juno Mariano. Hanggang sa mamatay ako ay dadalhin ko pa rin ang apelyido ni Nanay. Ang sinabi ko na lamang sa kanila ay pagsisilbihan ko sila kapalit nang pagpapatira nila sa akin sa kanilang tahanan. Mabuti na lamang at napapayag ko sila.

"Mom! Dad!"

Muli ko na namang nakita ang bata na iyon. Napag-alaman kong bunsong anak siya ng mag-asawa. Oo nga pala, naalala kong may kuya siya. Hindi ko pa nakikita ang matanda sa magkapatid na Ivan.

"Janus, be careful!" natatawang paalala ni Mrs. Ivan sa anak na halos lumipad pababa ng hagdan para salubungin sila.

"Oh! Why is big brother here again?" excited niyang sambit habang nagniningning ang mga mata na tumingala sa akin.

Napapangiwi na tumingin ako sa mag-asawa na noo'y natawa lamang.

"Janus," si Mr. Ivan at hinawakan ang anak sa magkabilang balikat. "Starting today, makakasama na natin si big brother sa bahay. Is that okay, baby? You want that, too, right?"

"Really?" he beamed. "That's exciting! A playmate! A playmate! Kuya Zeus is so boring, Janus don't like him!"

"Ano naman ang pinagsasabi mo riyan?"

Muli kaming napatingala lahat sa hagdan at nakita ko roon ang isang lalaki na halos isang taon lang siguro ang kinatanda sa akin. Unang tingin ko palang, alam ko nang siya ang nakatatandang kapatid ng batang Ivan. Iyon lang, ang nakatatandang Ivan na ito ay may awra na nakakatakot.

"Zeus, anak!" Pumalakpak si Mrs. Ivan at sinalubong ang nakatatandang Ivan.

Hindi inaalis ni Zeus Ivan ang kaniyang paningin sa akin dahilan para mapalunok ako. Kinakabahan naman ako sa kaseryosohan niya.

"Who's he, Mom?" tanong niya sa ina na nakaangkla ang braso sa kaniya.

"Siya ang kinukwento namin sa iyo na si Juno, baby. Ain't he adorable?" tuwang-tuwa na saad ni Mrs. Ivan na bahagya kong kinahiya. "We decided to let him live with us!"

Mas dumiin ang tingin ni Zeus Ivan sa akin. Matagal bago siya tumango, ngunit hindi ko alam kung sang-ayon ba talaga siya sa paririto ko o hindi.

"Big brother! Big brother will play with me! He will sleep with me, too!"

Nanlaki ang mga mata ko nang yumakap sa bewang ko si Janus Ivan. Tuwang-tuwa talaga siya at hindi ko alam kung ano ba ang nakikita niya sa akin kung kaya ganoon na lang siya kadikit kaagad sa akin. Hindi naman sa ayaw ko sa mga bata, ayaw ko lang ng makukulit. So far, hindi pa naman ako naaalibadbaran sa kaniya.

"Janus, big brother can play with you but he will have a seperate room," si Mr. Ivan.

"What? No way!"

Ngumuso si Janus sa mga magulang at mas kumapit sa akin. Nagkatinginan ang mag-asawa at napailing. Hindi ko naman alam kung ngingiti ba ako, lumalabas kasing ngiwi na iyon.

"Janus, big brother will also be your Kuya Zeus' personal asisstant from now on. Iyon ang isa sa mga kundisyon ng pagpapatira namin sa kaniya."

Oo, tama ang sinabi ni Mrs. Ivan. Napag-usapan namin kanina sa sasakyan ang kundisyon na iyon. Nais pa nga sana na i-adopt lang nila ako, pag-aaralin, wala nang kapalit, kaso hindi ako pumayag. Doon pumasok ang pagiging PA ko sa panganay nila. Zeus Ivan is their heir and he'll need someone who will be there for him to assist. At nakasunduan namin na ako na nga iyon. Hindi madali, ngunit kahit dito manlang mabayaran ko ang kabaitan ng pamilya nila.

Napabuntong-hininga ako at napatingin sa katabi kong nakatulugan ang pagod sa pakikipaglaro sa akin. Nakakapit pa rin siya sa laylayan ng damit ko na tila ba tatakasan ko siya kapag siya'y nahimbing. Tipid akong nangiti at hinaplos ang buhok ni Zeus Ivan. Dahil sa tantrums na ginawa niya ay wala nang nagawa ang lahat kaya dito na ako tatabi sa kaniya simula ngayon. Bata pa naman siya, kaya naiintindihan ko. Kapag lumaki siya, tiyak hindi na niya ako kakailanganin.

Tumingin ako sa labas ng kwarto niya kung saan makikita ang mabituin na kalangitan. Tila ay kumikislap din ang mga iyon sa aking mga mata.

"Magiging ayos lang po ako, Nanay. Mabubuhay ako nang maayos para sa iyo. Gabayan mo po sana ako mula riyan." Ngumiti ako. "Mahal na mahal po kita, Nay."

Sa pagtira ko sa puder ng mga Ivan, hindi ko aakalain na roon pa lang pala mag-uumpisa ang lahat para sa akin. Tumingin akong muli sa aking tabi bago marahang nahiga katabi niya. Pinakatitigan ko si Janus Ivan. Ang gwapong bata, I won't deny. Gwapo rin ang kuya, pero hindi ko alam kung bakit mas nagagwapuhan ako sa batang Ivan. Panigurado paglaki niya, maraming babaeng paiiyakin 'to. Medyo may kapilyuhan na rin, eh.

"Kapag lumaki ka, tiyak hindi mo na ako magugustuhan kagaya nito," bulong ko.

Kaya habang gusto pa ako ng bata mong puso, susulitin ko muna. Dahil sa totoo lang, sobrang saya ko na sa unang pagkakataon, may nagkagusto sa kagaya ko ng ganito. I'm used of other kids being disgusted of my existence. I wonder what made you so attached to me kahit ngayon lang tayo nagkakilala?

It made me happy, Janus. Thank you.

To. Be. Continue.

Happy Pride Month! 🌈

🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon