Chapter Thirteen
"Drink up, Juno!"
Napangiwi ako ngunit magalang na ring tinanggap ang inuming ibinigay sa akin ng kaibigan ni Sir Zeus na nagngangalang Hades Valentino. Sa totoo lang parang masusuka na ako dahil hindi naman ako sanay na uminom, ngunit ayaw ko namang bastusin ang kaibigan ng amo ko lalo na at bago lang kaming magkakilala. Hindi ko alam kung bakit ba ako dinala rito ni Sir Zeus tapos iiwan lang dito sa kaibigan niya, habang siya, ayun at naroon na, nakikipaglandian.
Pinakiramdaman at ninakawan ko ng tingin ang aking katabi na masaya lang na nag-iinom sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit hindi na lang niya ako iwan dito at maghanap na lang din ng kalandian niya kagaya ng magaling kong amo. Napag-alaman ko rin na matagal na pala silang magkaibigan, kauuwi lang daw kasi nitong si Hades galing America kaya ngayon lang naipakilala sa akin.
Hades Valentino or Hade sa mga kaibigan niya ay isang Fil-Am. May-ari sila ng isang winery roon at kapwa successful ang mga magulang niya. May isa siyang kapatid at siya ang nakatatanda. Sa kaunting oras na nakasama ko siya ay masasabi ko na kagaya rin siya ng amo ko, isang babaero.
Kaagad akong napaiwas ng tingin nang bigla siyang bumaling sa akin. Napaubo pa ako dahil sa gulat. Narinig ko naman siyang tumawa.
"You kept staring. Akala ko'y matutunaw na ako, Juno," malagkit niyang ani.
Umurong ako nang bahagya paalis sa tabi niya dahil ang lapit-lapit na niya sa akin.
"A-Ah... ngayon lang kasi ako nakakilala ng may lahi," walang kwenta kong palusot na tinawanan niya lang ulit.
"Really? You're so cute, Juno."
Umawang bahagya ang mga labi ko at nakaramdam na ng labis na pagkailang nang mas lumapit pa siya sa akin. Amoy na amoy ko na ang mamahalin niyang pabango. Taranta na tumingin ako sa gawi ni Sir Zeus, ngunit nalaglag ang puso ko nang hindi ko na siya makita sa paligid. Anak ng! Mukhang may nakama na ang mokong, ah!
"A-Ah..." Tumikhim ako. "Wala na bang space riyan sa iyo? Sa akin kasi wala na. Uso naman siguro umusog, ano?"
Pagak akong natawa at nakita ko kung paano siya natigilan sa sinabi ko. He looked so amuse from something. Tumawa siya ulit at hindi kagaya kanina, halos maluha na siya sa katatawa ngayon.
"Fuck! You're so amusing." Ngumisi siya. "I am liking you, Juno."
Hindi ko alam kung ano ang isasagot o iaakto sa sinabi niyang iyon. Napangiwi ako at nanahimik na lang. Tinanaw ko ang mga nagsasayawan sa harap at patuloy na minumura ang amo ko sa aking utak na hindi ko na alam kung nasaan. Iyon lang, habang pinagmamasdan ko sila ay tila ba nagiging blurred na sila sa paningin ko. I blinked my eyes. Lumilindol ba?
"Arghh..." I groaned at napahawak sa aking ulo.
"What's the matter?" Hades asked. "Nahihilo ka na ba? You should stop drinking now."
Sino ba bigay nang bigay ng alak sa akin dito? Boset, nakararamdam na ako ng kaunting sakit ng ulo. Inaantok na rin yata ako.
"N-Nasaan na ba si Sir Zeus?" I murmured.
"Oh, he must be fucking in one of the rooms here," natatawang saad ni Hades kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ikaw!" Napasikdo ako sabay nanliit ang mga mata sa kausap ko. "Saan mo dinala si Sir Zeus, ha? May balak ka, ano? Sadya mo yata akong nilasing."
Hindi na diretso ang paningin at pananalita ko. Natawa ako ng bahagya nang maaninag ko kung paano kumunot ang noo ni Hades. Marahan niyang nilapag ang basong hawak sabay lapit ng kaunti sa akin. He closed our gap again. Hinawakan niya ako sa mukha dahilan para mapapikit ako.
"You're so drunk," halos pabulong niyang ani. "You're red 'till your neck, Juno. So erotic."
I hummed hanggang sa naramdaman ko na lamang na tila may mainit na lumapat sa mga labi ko. Malambot, mainit, gumagalaw, lasang alak.
"A-Ah... ano 'yan?" tila nagdedeliryo kong saad dahil nakaramdama ako ng mainit na mga bagay na humahaplos sa aking likod.
"Hush, babe. I'm just going to have a taste, okay? Just a taste."
Napatingala ako at may lumabas na kakaibang ungol sa aking bibig nang dumapo ang mainit at malambot na bagay sa aking leeg. Nakakakiliti, tila ako sinisilaban. Tumaas lahat ng balahibo sa aking katawan dahil sa kakaibang sensasiyon na aking nadarama. Ano ba ito?
"A-Ah... t-teka."
Bumilis ang aking hininga at napahawak ako sa magkabilang braso ng nakayakap sa akin. Muling bumalik ang mainit na bagay sa aking mga labi at ngayon ay tila ba may mahaba at mabasang bagay na pilit kumakatok para pasukin ang aking bibig. Nang mapasinghap ako ay kaagad na sumalubong sa sarili kong dila ang bagay na iyon. Lasang alak pero medyo matamis.
"You taste so good, Juno. This is enough for now," bulong niya sa may tenga ko. "Next time, let me do you more na hindi ka na lasing."
Pagkatapos kong marinig iyon ay tila umikot na ang aking diwa. Kaagad akong sinalubong ng dilim at tuluyan nang nawala sa realidad. Muli lang akong nagkamalay nang maamoy ko ang isang mabango at medyo pamilyar na amoy. Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga nang bumalik na ang aking kamalayan. Kaagad akong napahawak sa aking ulo.
"Shit, sobrang sakit ng ulo ko," nakangiwi kong angil.
Dahan-dahan akong tumingin sa kinalalagyan ko at sa paligid. Bumundol ang kakaibang kaba sa aking dibdib nang makita na hindi pamilyar sa aking ang silid. Dagli kong tinignan ang aking katawan at nakahinga lang nang maluwag nang makita na balot pa naman ako ng damit.
"Nasaan ba ako?" bulong ko sa sarili sabay baba mula sa kama na hinigaan ko.
Medyo may kadiliman pa sa labas kaya natanto ko na gabi pa. Napahilot ako sa aking sentido. Kumikirot talaga ang ulo ko.
"Shit, si Sir Zeus! Nasaan ang cellphone ko?"
Taranta akong lumabas ng silid para hanapin ang may-ari ng kinasasadlakan ko. Naalala ko na! Nag-bar nga pala kami at... si Hades? Si Hades kaya ang may-ari nitong condo at nagdala sa akin dito? Ano bang nangyari? Ang sakit-sakit ng ulo ko!
"Yeah, he's fine, Zeus. He is sleeping now, no need to worry. Hindi naman ako ganoon kasama para pansamantalahan ang lasing. Fine, I'll take him home later. Okay, okay. Bye, bro."
Nakita ko ang bulto ni Hades sa kusina at tila may niluluto. Wala siyang pang-itaas at tanging jogging pants lang ang mayroon. May itim siyang apron. Si Sir Zeus ba iyong kausap niya kanina?
"Hades?"
To. Be. Continue.
BINABASA MO ANG
🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)
General FictionAphrodisiac Gentleman Series #2 Categories: Romance, Drama, BL Description: ━─━────༺༻────━─━ "You never know what my love is capable of Juno, it's stronger than you could imagine." Juno Mariano knew for sure that his love will never have a chance...