Friend

162 16 1
                                    

Chapter Ten

Isang linggo na wala ang mag-asawang Ivan dahil sa isang biglaang business trip. Pumayag na nga si Sir Zeus na makipagkita kay Ms. Arianna at sa tatlong araw na lumipas, mukhang magkaibigan na ang dalawa. It was a good start. Sabi ko na at magkakapalagayan sila ng loob. I hope they would go further. Nagtataka na nga ang mga babae sa university at wala na raw flavor of the month si Sir Zeus.

Siyempre ang ina niyang promotor ng lahat ang pinakatuwa nang maikuwento ko iyon. Lalo pa noong binalita kong medyo umaayos na sa unibersidad ang panganay niya. Sa third year namin sa college ay magsisimula na ang training namin ni Sir Zeus sa kumpaniya nila kaya mabuti na raw ang handa. As his assistant, I'm beyond proud seeing changes from him.

"Bakit ang ingay naman yata?" sambit ko sa aking sarili.

Pagkauwi ko sa mansiyon ay ang ingay kaagad mula sa pool area ang aking narinig. Nauna na akong umuwi kay Sir Zeus dahil lalabas ulit sila ngayon ni Ms. Arianna. Masaya akong napapadalas na iyon, Sir Zeus even said na tama nga kami at mabuting babae si Ms. Arianna.

"Ano pong mayroon, Ate?" tanong ko sa kasambahay pagkapasok ko sa mansiyon ng mga Ivan.

"Ay naku! Narito po ang mga barkada ni Sir Janus, sir Juno. Nasa pool area po sila at nagkakasiyahan," pagbabalita ng kasambahay sa akin.

Aba, ang bata porke't alam na wala ang mga magulang nagpakasasa kaagad. Well, wala namang kaso sa pagsasaya, mainam na rin at dito kaysa kung saan-saan. Ang problema lang, pagsilip ko sa kanila, may mga alak at ang iba nagsisigarilyo pa! Jusko, mga hayskul pa lang ang mga 'to! Ano ba 'tong si Janus, susunod sa yapak ng kuya niya?

Napabuntong-hininga ako sabay iling. Hanggang ngayon iniilagan pa rin ako ng batang 'to. Ang hirap na niyang amuhin! Natututo na! Barkador na! Wala naman akong nakikitang babae na kasama nila rito kaya nagpapasalamat ako at hindi kagaya ng kuya niya, hindi babaero itong si Janus. Kaso hindi pa rin ito tama.

Lumabas ako at nagpakita na sa kanila. Sinuyod ko ang pool at may tatlong lalaking barkada niya ang naliligo. Janus was at their gazeebo, nag-iinom kasama ang apat niya pang lalaking barkada. Topless na silang lahat at halatang galing din sa paliligo. Hapon pa lang, pero nakabibingi na ang ingay rito dala na rin ng musika nilang lumalabas sa speakers ng mansiyon.

"Janus!" kuha ko sa atensiyon niya.

Sabay silang lahat na napabaling sa akin. Kaagad na napaayos nang upo si Janus. Hindi nakalagpas ang paningin ko sa kamay na umalis sa bewang niya mula sa katabi niyang may kaliitan na lalaki. My eyes narrowed.

What was that?

"Oh? Sino siya, bro? Kuya mo? Ba't hindi mo kamukha?" nakangising saad noong isa na may kahabaan ang buhok.

Okay, hindi naman sila mukhang mga adik. To be precise, may mga itsura ang barkada ni Janus. Hindi lang maganda ang pakiramdam ko sa katabi niya na noo'y nakaiwas na ng tingin at inabala ang sarili sa inumin.

"He's not my brother. He's my brother's PA," may diin na sabi niya lalo na sa huling salita.

Bumuntong-hininga si Janus sabay tayo. Pinasadahan niya ng kamay ang kaniyang buhok. Napalunok ako nang masilayang muli ang kaniyang katawan. For a higshchool student, that body's forbidden! Ganiyan din naman kay Sir Zeus noon, pero bakit ako? May kaunting masel din naman, kaso pino pa rin hindi kagaya ng sa kanila na bakat at hulma?

"Maaga ka yata? Where's kuya?" seryoso niya muling sambit na noo'y nakatayo na sa harap ko.

Naiwan ang titig ko sa mga nakaupo sa likod niya, but Janus shifted his weight to block my view. Wala akong choice kung hindi tingalain siya. Pinagkrus ko ang aking mga braso.

🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon