Chapter Twelve
Everything changed.
Ang Janus na pinakamalapit sa akin sa lahat sa tahanan ng mga Ivan, ngayon ay ang layo-layo na. Hindi ako magsisinungaling, masakit sa akin. Janus was the first one who got attached to me afterall.
"What did I hear the first thing we got home here, young man?" ang istriktong ani ng ama nina Sir Zeus sa harap ni Janus.
Kauuwi lang nila kaninang umaga na mag-asawa galing sa business trip at kaagad kaming pinatawag lahat dito sa library. Si Mrs. Ivan nama'y nagpapahinga sa kwarto nila dala ng jetlag. Nakaupo kami sa isahang sofa ni Sir Zeus habang si Janus nama'y bagot at nakapamulsa na nakatayo lang sa harap ng ama niya.
"Dad, we just had some fun. That's all," walang gana nitong sagot at kaagad akong napayuko.
"That's all? Nag-inuman kayo! Ayos lang sana kung simpleng kasiyahan lang, Juno. You're still in your first year in highschool for pete's sake!"
"Dad, hindi na ako bata."
Marahas na napabuntonghininga at kaagad na napahilot sa magkabilang sentido ang matandang Ivan nang marinig na sinagot siya ng kaniyang bunso. I bit my lower lip at sumulyap kay Sir Zeus na napailing din sa kapatid.
"But you're still a minor, ijo. 16 years old ka pa lang. Nais lang namin ng mommy niyo na mapabuti kayo habang nag-aaral. Your brother experienced this from us, too, before. In a hard way. Kaya wala ka ring free pass dito."
Bumuga nang hininga si Janus, halatang hindi nagustuhan ang narinig mula sa ama. As for me, I felt a bit responsible. Afterall, sa akin sila iniiwan at inaasa ng mag-asawa kapag wala sila.
"I'm sorry, Sir," kaagad kong sabat sa gitna ng initan nila. "Hindi ko po na-monitor nang maigi si Janus."
Nakita kong lumamlam ang mga mata ni Mr. Ivan sa akin habang si Janus nama'y sumama ang timpla ng mukha. Pagilid niya akong tinignan at alam kong matalim ang titig na iyon.
"No, Juno." Umiling si Mr. Ivan. "You're doing enough. Sadyang tumitigas na talaga ang ulo nitong si Janus. Alam kong nahihirapan ka na rin sa kaniya."
Mahina akong suminghap at kaagad na tinignan si Janus dahil sa sinabi ng ama. Kaagad na bumaling sa ibang direksiyon ang paningin niya at kitang-kita ko ang pagyamukos ng magkabila niyang kamay.
Oh no.
"H-Hindi naman po sa ganoon..." pagtatanggol ko, nagbabasakaling maibsan ang inis na nadama ni Janus.
Alam kong ayaw na niya sa lahat ang ituring o marinig na para pa ring bata. That's what I observed to him these past few days. Iyong tipo ba na parang nagmamadali siyang mag-mature dahil sa kung anong dahilan. Wala namang masama roon, but I wanted him to atleast enjoy his youth for awhile.
Umabot ng halos isang oras ang pag-uusap na naganap sa amin si library. Naunang lumabas si Janus habang nagpaiwan si Sir Zeus dahil mag pag-uusapan pa sila ng daddy niya. Ilang hakbang lang ay sumunod ako kay Janus. Nais ko sana siyang kausapin tungkol sa napag-usapan sa library, but I stopped in my track when I heard and saw him talking with someone on his phone.
"Nah, not that much. Yeah. Okay, I'll be there. See you in a bit then."
May tipid sa mga labi na binaba niya ang kaniyang cellphone pagkatapos ng tawag. My heart swell knowing who it was. Nang mamataan niya ako sa likod niya ay bahagya pa siyang natigilan, ngunit kalaunan ay nawalan din ng emosiyon ang mukha.
"Ah... s-sorry."
Yumuko ako at umatras ng ilang hakbang bago siya tinalikuran. Nilunok ko na lamang ang mga salitang nais sabihin sa kaniya kasama ng emosiyong nagbabara sa aking dibdib. Mabilis akong umakyat sa aking kwarto para roon na lamang iyon pakawalan ulit lahat. I tried so hard to calm myself down.
"Juno?"
I was interrupted by knocks followed by Sir Zeus' call for me. Kaagad kong inayos ang aking sarili bago siya pinagbuksan ng pinto at hinarap.
"Sir? May kailangan ka?"
Pinakatitigan niya ako bago siya nagbuntonghininga. Tumingin siya sa entrance ng bahay.
"Did that kid leave again?" tanong niya.
Tumango ako. "Sorry, hindi ko na napigilan."
Napailing-iling si Sir Zeus sa sinabi ko.
"Nevermind him for now. Mag-ayos ka, lalabas tayo."
Nagtaka man sa narinig, mabilis ko rin siyang sinunod. Bago 'to, ah? Si Sir Zeus nagyayayang lumabas kasama ako. Saan naman kaya kami pupunta?
"Saan tayo pupunta?" kyuryoso kong tanong noong palapit na kami sa kotse niya.
Si Sir Zeus ang magmamaneho habang naupo naman ako sa passenger's seat. Ako dapat ang magda-drive, pero ayaw niya kasi sa lahat na may ibang nagdadala ng pinakamamahal niyang sasakyan.
"Just going to chill." Ngumisi siya. "Alam kong stressed ka na nitong mga nakaraan so we need to freshen up your mind. Kalimutan mo muna ang batang 'yun."
Mababaw akong natawa sa narinig mula kay Sir Zeus. I relaxed a bit at sumandal sa kinauupuan.
"Hindi ko talaga alam kung bakit bigla na lamang siyang naging ganoon? He used to be... cuter. Ngayon sobrang tigas na ng ulo at tila nagmamdaling tumanda."
Narinig ko ang tawa ni Sir Zeus. Bina-backstab talaga namin ngayon ang kapatid niya. Well, eversince, hindi naman na sila masyadong close.
"Tinatanong mo talaga iyan?" Napatingin ako sa kaniya. "It was obvious as hell why, Juno."
Kinakabahan akong nag-iwas ng tingin. Ayaw kong makita ni Sir Zeus sa aking ang pagkatensiyunado lalo na at malakas ang pinparating niya sa akin. Lumunok ako at mahinang nailing.
"Hindi naman siguro..." halos pabulong kong ani.
Hindi na nakasagot si Sir Zeus sa akin hanggang sa naging tahimik na kami sa sasakyan. That was better dahil mas na-relax ako.
Ilang minuto pa ay nakikita ko na ang lugar na patutunguhan namin. It was a club. Nagulantang ako. I mean, hindi na rin naman kami minor at hindi naman kami naka-uniform ngayon, pero ngayon ang unang pagkakataon na makapapasok ako sa isang club. Si Sir Zeus pa ang kasama at nagdala sa akin dito.
"Get down, our companion's here already."
Companion?
Dagli naman akong bumaba sa sasakiyan. Napapikit ako ng bahagya nang sumalubong sa akin ang ingay ng club. Naglakad ako malapit kay Sir Zeus, natatakot na mahiwalay sa kaniya. Napangingiwi ako sa malalaswang sayaw, amoy ng alak sa paligid na may halong usok ng sigarilyo.
"Zeus! Here! Buti naman narito ka na — oh, you're with a cutie. Hi there!"
Naningkit ang mga mata ko sa lalaking naroon na sa isang table at may mga alak na rin. Nag-apir sila ni Sir Zeus. Kaibigan niya ito? How come ngayon ko lang nakita ang lalaki na ito? Mukhang hindi siya taga-school namin.
"Juno, I want you to meet Hades. Hades Valentino, a friend of mine."
To. Be. Continue.
BINABASA MO ANG
🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)
General FictionAphrodisiac Gentleman Series #2 Categories: Romance, Drama, BL Description: ━─━────༺༻────━─━ "You never know what my love is capable of Juno, it's stronger than you could imagine." Juno Mariano knew for sure that his love will never have a chance...