Chapter Five
Everything went smoothly from then on. Parang sa isang pikitmata ay nakikita ko na lamang ang sarili ko na naghahanda sa entrance exam para sa college. If you're asking about my highschool life, wala namang masyadong nangyari. Ngunit sa amo kong si Sir Zeus, marami. Maraming babae.
Natawa ako sa aking naisip.
"What course do you want to take-up, Juno?" tanong sa akin ni Mrs. Ivan habang kami ay nasa gitna ng paghahapunan.
Naibaba ko ang hawak na mga kubiyertos at tinignan ang mag-asawa. Sir Zeus is taking-up Business Administration dahil nga siya ang magmamana ng business nila. He doesn't seem to mind lalo na at may kaalaman na rin siya sa larangan na iyon. Habang ako, ano nga ba ang gusto ko?
"Uh..." Nahihiya na napakamot ako sa aking pisngi. "Sa katunayan po ay hindi ko po talaga alam ang kukuhain, ngunit magmula nang maging PA ako ni Sir Zeus at tinatak ko na po sa utak ko na dapat marami rin akong alam sa business para maging mas maging kapakipakinabang sa kaniya kaya naisip ko na Business Administration na rin ang kuhain."
Nakita kong nagkatinginan ang mag-asawa habang si Sir Zeus nama'y nagtaas ng dalawang kilay sa akin.
"Well, that's perfect for me as long as you're sure with that. Kung may gusto ka talaga ijo ay huwag kang mahiya na magsabi," si Sir Ivan.
Marahan akong umiling. "Sigurado na po ako roon."
Masayang ngumiti sa akin ang mag-asawa at masaya ako dahil mukhang nagustuhan nila ang desisyon ko. As long as I can please them, iyon ang mahalaga sa akin.
"Our Janus is now going to highschool!" Masayang pumalakpak si Mrs. Ivan. "Oh, how time flies. Magtatapos na ang mga panganay natin habang ang bunso nati'y nagbibinata na."
Pakiramdam ko ay pinamulahan ako ng mukha nang sinabi ni Mrs. Ivan na 'mga' panganay. But speaking of Janus, tahimik lang siya na kumakain kanina pa. Wala pa rin namang nagbabago kay Janus, but lately, he's becoming somewhat cold and snob.
"Can me and Juno have seperate rooms now?" bigla niyang sabi na kinatigil naming lahat.
Napatingin sa akin si Sir Zeus ngunit ngumiti na lamang ako. I guess, natural at nagbibinata na. Heto ang ibig kong sabihin na bata pa talaga siya noon, ngayon na tumutuntong na siya sa puberty, may mga bagay na talagang kinakailangan niya ng privacy. Ngunit hindi ko alam kung bakit may kaunting kumirot sa aking puso. Ang kaisipan na unti-unti na niyang hindi ako kinakailangan...
"You're at that age now, I guess. Ayaw na ng nagbibinata rito na may katabi matulog dahil hindi na baby," Mr. Ivan jokingly said that made Janus frown. "Will that be fine with Juno, too?"
Mabilis akong sumenyas, tinaas ang dalawang mga kamay.
"Naku! Wala pong kaso. Kung iyan ang nais ni Janus ay nirerespeto ko."
"When did you not gave-in with this brat anyway. Lagi mo namang pinagbibigyan kahit noong maliit pa," si Sir Zeus.
Sinaamaan siya ng tingin ng kapatid kung kaya natawa lang siya. Nagtagpo naman pagkatapos ang paningin namin ni Janus. Hindi ko alam kung bakit hindi ko na matagalan ang titig niya. It's not those sparkly and cute eyes anymore. His stares became deep and heavy.
"I'm done eating. Aakyat na po ako," bigla niyang sabi.
Sinundan namin siyang lahat ng tingin pagkatayo niya mula sa lamesa hanggang sa makaalis na siya ng tuluyan. Tinignan ako ng mga Ivan at ngumiti na lamang ako sa kanila bago tinapos ang aking pagkain.
"Goodnight everyone!"
"Goodnight po."
"Goodnight Mom, Dad."
Kagaya ng nakasanayan ay nagkaniya-kaniya na kaming punta sa aming mga kwarto. Hindi na sa kwarto ni Janus ang diretso ko, kung hindi sa kwarto na matagal na rin namang nakalaan para sa akin. Katabi lang din naman iyon ng kay Janus sa second floor.
Pag-akyat ko ay natigilan ako dahil naroon si Janus sa pinto ng bago kong kwarto. Nakasandal sa pinto habang nakapamulsa. Nang mamataan ako ay tumayo siya nang tuwid. Kahit sa pisikal na anyo ay malaki na rin ang pinagbago niya. Malapit na niya akong mataasan at ang katawan niya ay tinutubuan na ng mga masel.
"Janus..." I softly called his name.
Lumapit ako sa kaniya, nagtataka kung bakit siya narito. Noong una ay mabigat pa ang mga titig niya, paglaon ay biglang lumambot. Hindi ako nakagalaw kaagad nang yumakap siya sa akin.
"It's not like I don't want you around me anymore, okay?" aniya sa malambing na boses.
Napangiti ako nang malapad at yumakap sa kaniya pabalik. Marahan kong hinaplos pababa at taas ang kaniyang likod. I guess, ang pagtatampo ng mabilis ay hindi na magbabago pa kay Janus.
"Janus, naiintindihan ko naman. You're growing up and there are things now that you needed privacy with."
Mas humigpit ang yakap niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit habang tumatagal na nakayakap siya sa akin at rinig ko ang bigat ng hininga niya sa aking tenga ay kinabahan ako bigla. I hope hindi niya marinig ang tambol sa aking dibdib.
"Ako pa rin dapat ang pinakamalapit sa iyo, okay?" he said with his usual baby voice.
Oh, this spoiled big baby.
"Oo naman. Hindi magbabago iyon, Janus."
I heard him groaned at tila mas bumigat na ang kaniyang paghinga. I felt him sniffed at my neck dahilan para tumaas ang mga balahibo ko! Nanuyo yata ang laway ko. Mabuti na lang at humiwalay rin siya sa yakap pagkatapos.
"Goodnight."
He sofly carresed my cheek bago siya tumalikod sa akin at dumiretso na sa kaniyang kwarto. Napasinghap ako at nagmadaling pumasok din sa aking kwarto. Napasandal ako sa nakasarang pinto habang dinarama ang aking dibdib.
When did Janus become like that? I mean, malambing naman talaga siya noong maliit pa and touchy, pero bakit nakakakaba na? Dahil ba nagbibinata na? Mas matanda ako sa kaniya for pete's sake! Pero heto at parang pinapaikot niya lang ako ng ganito kadali sa mga daliri niya.
Napahilamos ako sa aking mukha at kinalma ang aking sarili. He's about to enter highschool at masaya akong ganoon pa rin siya kadikit sa akin kahit na ayaw na niyang makipagtabi sa pagtulog. Ngunit sinisingit ko sa utak ko na once matikman ni Janus ang buhay highschool, may posibilidad na magbabago rin siya sa akin. He'll see that there's much more to life and there's more people he'll wanted more than me.
One day I'll see him with a girl besides him at sa babae nang iyon siya malambing. Sa babae na iyon na niya sasabihin ang mga katagang sinabi niya sa akin kanina. Sa gwapo niya, hindi magiging mahirap sa kaniya magkaroon ng girlfriend. Dinarasal ko lang na hindi siya maging babaero kagaya ng kuya niya.
"Para naman akong nanay na iiwanan na ng anak," natatawa kong sabi.
Will Janus be ready with those changes?
Will I be ready, too?
To. Be. Continue.
BINABASA MO ANG
🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)
Ficção GeralAphrodisiac Gentleman Series #2 Categories: Romance, Drama, BL Description: ━─━────༺༻────━─━ "You never know what my love is capable of Juno, it's stronger than you could imagine." Juno Mariano knew for sure that his love will never have a chance...