Decision

67 4 2
                                    

Chapter Twenty-One

Hindi ko alam kung pang-ilang buntonghininga na ang napakawalan ko ngayong araw. Wala pa naman akong ginagawa ngunit tila ba pang-isang linggo na ang pagod ko.

Tinakip ko ang kamay sa aking bandang mga mata nang tumama ang sinag ng araw roon. Maingay ang paligid sa eskwelahan ngayon at ang mga estudyante ay parito at paroon sa kaniya-kaniyang ginagawa. Nangingibabaw ang tawanan at harutan sa paligid. Nasa malayong dako naman ako, nakaupo at tinatanaw ang mga kaklase kong nagugupit at sinisimulan nang gawin ang aming booth.

It's our foundation day.

"Taking a break?"

Pagod kong nilingon si Sir Zeus at tinanggap ang inaalok niyang isang baso ng styro na may lamang pineapple juice. Naupo siya sa tabi ko habang sinisimsiman ang sariling baso. He was the leader of our project pero sa katunayan ay ako naman ang bumuo ng halos lahat ng ideya sa aming booth.

"Nagpaalam naman ako sa kanila. Babalik ako after some minute," malamya kong sagot sa kaniya.

I heard him scoffed. "Not that. I mean, taking a break from my stubborn brother?"

Marahas ko siyang nilingon at nang makitang nakangisi siya sa akin ay mas lalo akong nairita. Tinaasan niya ako ng isang kilay bago siya napailing at umiwas ng tingin.

"That's what you get from spoiling him too much," dagdag pa niya. "Hindi lang ako nangingialam Juno, but I notice everything."

I tsked after hearing what he said. Alam ko namang napapansin niya. Hindi ko lang alam ngayon kung ano na ang gagawin ko sa sitwasyon naming dalawa. I mean, it's clear that both of our feelings are mutual. But gender and our ages aside, alam kong alam niya na ang mga magulang nila ang iniisip ko. Dagdag pa ang kaibigan niyang si Hades.

Pagkatapos noong pag-uusap namin noong isang araw na hindi naging maayos dahil nakabantay si Janus, tila ba nag-enjoy na rin ang isa na iyon na inisin ang kapatid ng kaibigan niya. Maybe he figured everything out, that's why he became more eager to tease him— us.

Napaisip tuloy ako kung paano kung ang mga magulang na nila ang makapansin sa amin. Paano na? Ano nang gagawin ko? Mahal ko si Janus at nasabi na rin niyang ganoon siya sa akin, pero napakaimportante rin ng pamilya na ito sa akin. Kung hindi dahil sa kanila, wala ako rito ngayon sa kinatatayuan ko. Baka naging palaboy na lang ako sa kalye o hindi kaya patay na sa depresyon kung hindi nila ako kinupkop at tinuring na parang sa kanila.

Napayuko ako. "Sa totoo lang, hindi ko rin alam ang gagawin ko, Master. Mahal ko ang kapatid mo, pero malaki rin ang utang na loob ko sa mga magulang mo."

There was a long silence between us after I confessed that. I heard him sigh like hearing those words coming from me was funny.

"Hindi ko alam kung ano man ang magiging reaction nina Mom and Dad kung sakali mang malaman nila, but one thing is for sure, they won't resent you, Juno. My parents was always affectionate, understanding, and kind. Kung hindi, kukupkopin ka ba nila?" Nagkatinginan kami. "They won't use that "utang na loob" card to you, believe me. Iyon lang, maybe they will be shocked. They won't judge, for sure. But they will be shocked and it is better if the both of you will honestly confess rather that hiding all of these from them."

Tama. Tama ang lahat ng sinabi ni Sir Zeus. Pero ang umamin sa kanila? Iyon ang hindi ko alam kung saan at paano ko uumpisahan. Kung sabagay, wala pa naman kaming label ni Janus. Pero gayunpaman, natatakot pa rin ako.

Anyone understanding could still misunderstood and anyone kind could still be unkind lalo na kapag mahal sa buhay ang pag-uusapan. Baliktarin man ang lahat, hindi pa rin ako tunay na kadugo at kapamilya. Nakikitira lamang ako sa mga Ivan.

"May problema ba?"

Muntik na akong masamid sa iniinom kong tubig nang may magsalita sa aking likuran. Marahan kong nilapag ang basong iniinuman at nilingon ang pinanggalingan ng boses. I saw Janus standing from the entrance of the kitchen. Naka-uniporme pa ito at halatang kararating lamang mula sa eskwelahan.

My gaze to him softened. He's still... young. He's already on legal age, entering college next year. But still... young.

"Wala." Nginitian ko siya samantalang nakalapit na siya sa akin. "May iniisip lang."

He eyed me seriously before he went closer for a hug. My mind and heart instantly went into tormoil. His heat, his smell, nang maramdaman at maamoy iyon mula sa kaniya, tila gumaan kaagad ang pakiramdam ko.

"You're not thinking of Hades, are you?" he cutely said that made me barked a laugh.

"Hindi ka pa rin nakaka-move-on, ano?" tukso ko sabay haplos sa kaniyang buhok. "Janus, kaibigan lang ang tingin ko kay Sir Hades. Iyong gabi na iyon, lasing lang talaga ako no'n. I'm sorry na nga, 'di ba?"

I heard him snort at mas humigpit ang yakap sa akin.

Parang kailan lang. Parang kahapon lang na maliit pa siya sa mga bisig ko, ngayon, parang ang liit-liit ko na kapag yakap niya ako. Hindi pa siya nakakatuntong ng college pero lalaking-lalaki na siya kahit sa katawan.

Suddenly, an image of him hugging a woman flashed in my mind.

"He likes you, Juno. I know he likes you."

Natawa ulit ako sa tinuran niya. Yumakap ako pabalik sa kaniya to assure him. Pumikit ako at ninamnam ang sandali. Habang wala pa ang mga magulang niya. Habang amin pa lamang ang ganitong sandali.

Suddenly, I thought of running away with him. Pero mas magiging magulo lamang lahat kapag sinabi ko iyon sa kaniya. I also still have an obligation to Sir Zeus, pero paano kung si Juno naman ang piliin ko ngayon? What if, siya naman at ako ang i-priority ko? Before, I've already decided to forget my feelings for him. But knowing he also felt the same for me, para bang nagkaroon ako ng lakas. Nandoon pa rin ang takot, oo, pero ang isiping magiging kasama ko siya sa laban na ito, tila ba kakayanin ko.

Kakayanin namin.

"Janus," I softly called his name. "Napag-isipan kong bumukod sa pamilya niyo."

To. Be. Continue.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon