Not Letting Go

376 23 9
                                    

Chapter Nineteen

“Janus, bitawan mo ako! Ano ba? Nasasaktan ako!” galit kong sigaw kay Janus na noo’y patuloy pa rin akong hinahatak palabas ng bar kung nasaan kami.

I am also worried about the ruckus that we created inside earlier. Isa pa, naroon pa si Hades! Hindi ko siya maaaring iwan at ako pa ang nagdala sa kaniya rito ngayong gabi. Tsaka naroon din ang mga tropa at ang Ken niya, kaya bakit ginagawa niya ito? Why was he even here in the first place?

“Janus, nakikinig ka ba sa akin?” ulit ko nang hindi siya magsalita, nakalabas na kami noon sa bar. “Let me go! Nasa loob pa si Hades!”

“You’re not coming back there!” he barked that actually made me shocked. “I wouldn’t let you. I am taking you home.”

Tinignan ko ang nanlilisik niyang mga mata. Ang gumagalaw niyang panga. My heart skyrocketed with fear. At that moment, I couldn’t find the Janus I used to know. My Janus. Kaya buong pwersa kong hinaklit ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Natagumpayan kong makawala at natigil kami sa may bukana ng parking lot kung saan kaming dalawa lang ang tao. We stood not far with each other. Kapwa kami hapo, ngunit habang siya ay nagngangalit, ako nama’y maluha-luha.

“Bakit?” halos pabulong kong tinanong. “Why are you so mad? Hindi ba at sabi mo, what’s each other’s business, wala nang pakialaman? Hinayaan mo na ako, kaya gano’n din ang ginawa ko sa iyo. Then, why?”

Galit niyang pinadaanan ng kamay ang kaniyang buhok. A hand was on his hip. Ang paningin niya sa akin ay tila ba ubos na ang pasensiya niya sa akin. I flinched, but I faced him head on. It was not fair. I was hurt knowing and seeing him with someone else these past few days. Lalo na noong na-realize ko ang sarili kong damdamin. Pero wala akong ginawa, hinayaan ko siya dahil iyon ang nais niya. I was like an air to him during those days. Pero bakit ngayon, galit na galit siya? Dahil sa nakita niya kanina? It was not fair!

“I know I’ve said that. But god damn it, it was a fault in my part. I was not ready seeing you were being kissed like that.” Lumapit siya sa akin at nang halos tumingala na ako sa lapit niya ay tila tumigil ang puso ko sa pagtibok. “I maybe younger than you and you’ll always see me as that kid that sticks to you, but I always knew what I want. Binabawi ko na ang mga sinabi ko sa’yo. I wouldn’t leave you alone again. Fucking never.”

My breathing hitched when he looked down on my lips. Wala sa sariling nagparte ang mga iyon, lalo pa noong pinadaanan ng hinlalaki niya ang ibaba ng labi ko. In an instant, I felt so small in front of him. Noon, kasyang-kasya lang siya sa mga bisig ko. Siya pa ang nakatingala sa akin at ako pa ang nakayuko sa kaniya. But right now, without me noticing, he could easily tower me with his height. He was younger, but right now, he was manlier. In so many ways, and it was making my heart race like crazy.

“No…” halos pabulong kong saad. “Alam mo ba ang pinagsasabi mo, Janus? Naririnig mo ba ang sarili mo?”

Sa galit ko ay tinulak ko siya. He looked amused and pissed with that. I narrowed my eyes at him. Naiinis ako na tila ba natutuwa pa siya ngayon sa inis ko. Frustrated, napahilamos ako sa aking mukha. Gustong-gusto kong tawagan ngayon ang kuya niya.

“I am sure with what I am saying, Juno. Ikaw lang naman ang hindi nakikinig sa akin noon pa,” aniya.

God, he’s not a kid anymore, alright.

“What about that Ken?” Tumaas ang isa niyang kilay nang marinig ang sinabi ko. “Don’t lie to me, Janus. There’s something between you and him, right?”

Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

Pakiramdam ko ay maluluha akong tuluyan kapag tinagalan ko pang salubungin ang mga titig niya. It hurts. I endured it all this time. Lalo na noong harap-harapan kong makita na nasa tabi siya ng iba. Iyong gabi na marinig ko ang ginagawa nila sa loob ng silid niya. It crushed me. Alam kong mali rin ako sa pagiging denial ko at pinapamukha ko palagi sa kaniya na bata pa siya para lang makaiwas, but damn, the shit hurts so bad.

“Is it jealousy I am hearing?”

Handa na akong sumbatan siya ulit nang marinig ang mapang-asar niyang sinabi, but I was caught off guard when he putted his hand on my waist and slammed my body into his. Muntik ko nang makalimutang huminga nang agarang manuot sa pang-amoy ko ang panlalaki niyang amoy. He smelled like the forest. Iyong kagubatan na tila namamasa pa mula sa ulan. It was a refreshing scent at gusto ko na lang noon na ibaon ang ilong ko sa dibdib niya. Kaso masyadong masakit ang dibdib ko para gawin iyon.

“Bitawan mo ako,” garalgal ang boses kong ani at nang marahil ay makita niya ang nanunubig kong mga mata, lumamlam ang paningin niya sa akin. “Just… let me go.”

“No. Stop running away from me anymore,” he said with his husky voice. “He’s nothing. Everyone around me and I had with was nothing serious, dahil hindi sila ikaw. I was just pissed of you. So pissed, very much.”

Mahina ko siyang sinuntok sa dibdib niya. “Janus, that was just wrong. Nanggamit ka ng tao?”

“Nope,” he said, popping the ‘p’ from the word. “Ken understood kung ano lang kami, Juno. Bago namin sinimulan, nagkapaliwanagan at nagkasundo na kami sa mga bagay-bagay.”

Kumunot ang noo ko roon.

Bumuntonghininga siya bago ako tuluyang niyakap. Naramdaman ko ang pagpatong ng baba niya sa tuktok ng ulo ko. Nanatili lang akong nakatayo na parang tuod sa harap niya. But, I calmed down a bit.

“What about you? What’s your deal with Hades, huh? Sa lahat ng lalaki, Juno? Sa isa pang ‘yun?”

I rolled my eyes, pero pota, parang tanga akong nangiti. Parang hindi kami nagsasagutan kanina, ah? Parang hindi kami nagpansinan ng ilang araw, ah? Noong nagpaulan yata ng karupukan, nasa gitna ako ng kalsada at nagsasayaw.

“Is it jealousy I am hearing?” balik ko sa kantyaw niya kanina at narinig ko naman siyang natawa sabay higpit ng yakap sa akin.

“Fuck, I am really not letting you go. Not anymore.”

To. Be. Continue

🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon