Tantrums

167 18 0
                                    

Chapter Seven

"Janus!"

He started dragging me dahilan ng pagtayo ko. Nang makabawi sa gulat, malakas akong suminghap at nilingon muli si Ms. Arianna na nagugulat pa rin. Buong pwersa kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Janus. I couldn't leave here and leave this girl alone! Ano ba ang problema nitong si Janus? And how did he know I'm here?

"Ms. Arianna, I'm sorry about the commotion, pero mabuti pa siguro na umuwi ka na rin," hinihingal kong paliwanag sa kaniya.

I apolegitically looked at her at mukhang nakabawi naman na siya sa gulat. She smiled at me with assurance.

"Yes, mabuti pa nga. Don't worry, naiintindihan ko," nakangiti niyang sambit bago sumulyap nang mabilis sa likod ko. "He's Zeus' younger brother, right?"

I exhaled. Tumango ako nang marahan.

"I'm sorry."

"It's really fine. It's a pleasure meeting you, Juno. I had a great time."

Ngumiti pa siya sa akin pati sa nakatayo sa likod ko bago kumakaway na nagpaalam. Good thing naroon lang din ang driver niya at nakaantabay sa labas. Kung wala, iiwan ko talaga itong si Janus para samahan ang dalaga na hintayin ang kaniyang sundo. It was the right thing to do.

"Janus -"

Hindi na ako nakapagsalita pang muli nang sa pagharap ko ay muli lang niya akong hinigit para makalabas na sa café. Napayuko ako dahil nakatingin sa amin ang ibang costumers doon. Confusion was evident on their faces.

"Get in," aniya sa matigas na boses, minumwestra ang kotse na binigay sa kaniya nitong pasukan.

Wala na akong nagawa kung hindi sumunod. Kilalang-kilala ko si Janus, kung hindi ko siya susundin lalo na ngayong galit siya sa kung ano ay tiyak kong magwawala siya rito. He matured physically, but he was still the same child emotionally. Lihim akong nangiti. He's so cute.

Tahimik niyang pinaandar ang kaniyang kotse at nang sulyapan ko ay madilim pa rin ang kaniyang expresiyon. Nagsisilabasan ang mga ugat sa kamay niya dahil sa higpit ng hawak niya sa steering wheel. His jaw was still clenching at para bang may kalaban siya sa kalsada kung makatingin. First year highschool, but look at him. Malapit na akong magmukhang kuting katabi niya.

God, I am the one older here. Pero simula noon hanggang ngayon, I always gave-in to his whims.

"Janus, ano ba ang ginagawa mo roon sa café? Napadaan ka? Are you with your... friends?" Nakagat ko ang ibaba ng aking labi pagkatapos kong tanungin iyon.

Patagilid niya akong pinadaanan ng tingin pagkatapos bigla siyang umirap. Aba! Nagsusuplado na ang bata! Pinigilan ko ang matawa. Noon ko lang napansin ang puting-puti at walang kagusot-gusot niyang uniform. Bukas ang lahat ng butones at kitang-kita ko ang fitted na sandong puti niya sa loob. Kuminang ang dogtag niya sa leeg.

Uminit yata bigla.

"I should be the one asking you that. Bakit ka naroon? Nasaan si kuya? And who's that girl with you?" sunod-sunod niyang tanong dahilan para mapabuga ako ng hininga.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis. Kay Sir Zeus na matigas ang ulo. Sa pagpalit ko sa kaniya para makipagkita kay Ms. Arianna. O sa katabi ko ngayon na mainit din ang ulo sa hindi ko alam na dahilan.

Imbes na sagutin siya ay sumandal na lamang ako sa gilid ng sasakiyan at pinagmasdan ang mga building na aming dinaraanan. Too much for this day. Nakararamdam na ako ng pagod. Ramdam ko ang pagsulyap-sulyap sa akin ng katabi ko at alam kong nangangati siyang sagutin ko, ngunit nagpapasalamat ako na nanahimik na rin siya hanggang sa makarating kami sa kanila.

Hindi ko na hinintay si Janus na pagbuksan ako ng pinto. Nakita ko kasi sa labas ng bahay ang sasakiyan nila Mr. at Mrs. Ivan kung kaya nagmadali na ako sa pagpasok. Ramdam ko namang nakasunod si Janus sa akin. Mamaya ko na siya iintindihin, kailangan ko munang harapin ang ina niya.

"Juno!" masiglang bati ni Mrs. Ivan. "So napapayag mo si Zeus?"

Ayaw kong basagin ang kasiyahan niya, kaso kahit kailan hindi ako nagsinungaling sa kanila. I should tell the truth.

"Tita..." Nalukot ang mukha ni Tita sa nahimigan mula sa aking boses.

She frowned. "He didn't?"

Umiling ako. "Sorry po. Nag-date po sila noong nobya niya at ako po ang humarap kanina kay Ms. Arianna."

"Oh for god's sake, that kid! I'm sorry, Juno. Napapagod ka na rin siguro sa batang iyon," problemado niyang ani na tipid ko lang na nginitian.

"Wala po kayong dapat na iproblema sa akin, Tita. Nag-sorry na rin po ako kay Ms. Arianna, pero maigi pa rin siguro na kausapin niyo rin po."

Sapo ang noo ay tumango sa akin si Mrs. Ivan. Noon lang din siya napatingin sa likod ko na sigurado ay naroon pa rin ang kaniyang bunso.

"Oh, my youngest is home. Sorry, son. Naku, mapagsasabihan ko mamaya iyang kuya mo."

I heard Janus' footsteps. Lumapit siya sa ina at hinalikan ito sa pisngi.

"I'm home, Mom."

Masuyo ring hinagkan ng ina ang anak bago siya nagpaalam na tatawagan at kakausapin si Ms. Arianna. Ang damuho kong amo, nagpakasasa na naman yata. Lagot talaga iyon mamaya kapag nakauwi.

"Juno... "

Natigilan ako nang marinig ang pagtawag sa akin ni Janus. He was frowing nang hawakan ako sa braso. Sunggab na sunggab ang mga kilay at bahagyang nakanguso. Wala pa rin sa mood ang bata. Mahina akong natawa sabay haplos sa pisngi niya.

"Nasagot din naman na siguro ang mga katanungan mo sa mga narinig mo kanina, hindi ba? Stop frowning now, Janus," alo ko sa kaniya. "Ang tigas kasi ng ulo noong kuya mo, eh."

Pinilit kong pagaanin ang loob niya ngunit tila galit pa rin siya sa kung ano. Hay naku, ayaw na ayaw pa rin niya talaga na ginaganito ako ng kuya niya. Mula kasi noong kahit maliit pa siya, sinasabi niya na binu-bully raw ako ng Kuya Zeus niya. Which was partially true.

"Kung pagod ka na kay kuya, sasabihin ko kila Mommy na alisin ka nang PA niya," maktol niya.

Napailing ako, natatawa.

"No, don't do that. Kailangan kong gawin iyon, Janus. Trabaho ko ito sa pamilya niyo," pagpapaintindi ko sa kaniya.

"But I don't like it anymore! I was just a kid back then pero ngayong malaki na ako, kaya na kitang ipagtanggol, Juno." Mas rumiin ang titig niya sa akin at hindi ko alam kung bakit sunod-sunod akong napalunok. "I really want to steal you away now."

Napasinghap ako at umiwas ng tingin sa kaniya. Mariin akong napapikit sabay layo sa kaniya. Nakita ko ang nagdaang takot sa mga mata niya dahil panigurado akong nakita niya rin ang kaparehong takot sa akin.

Janus was just a kid back then ngunit ngayong malaki na siya ayaw kong isipin na...

Hindi, Juno. Malapit lang talaga sa iyo si Janus mula pa noon at hindi sa kuya niya. Nakikita ka lang niya bilang paborito niyang nakatatandang kapatid kaya ganoon. Spoiled kasi sa iyo kaya siya nagkakaganiyan. Ikalma mo 'yang puso mo, Juno!

"Janus, no one's stealing me away from you, okay? Naandito pa rin naman ako lagi para sa iyo. Pero ang paglingkuran ang kuya mo, iyon ang bagay na hindi mo maipapatigil sa akin kaya sinasabi ko sa iyo na huwag mo nang alalahanin, okay?"

"Nakakainis naman, eh!" He gritted his teeth at galit na tumingin sa kawalan.

"Stop na, okay? Stop na," alo ko ulit sa kaniya. "Sabihin mo na lang sa akin bakit naandoon ka kanina sa café. Baka may iniwan ka roong kaibigan, Janus?"

"Ewan ko sa'yo! Ang tigas ng ulo mo!"

Napanganga ako nang talikuran niya ako bigla at iwan na lamang ng basta roon sa sala. Ako pa matigas ang ulo? Great! Mukhang susuyo na naman ako ng batang may tantrums!

To. Be. Continue.

🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon