Unexpected Visitor

153 17 3
                                    

Chapter Seventeen

Kinaumagahan ay walang anino ng Ken na iyon akong nakita. Marahil para hindi mahuli, kaagad ring umuwi ang lalaki pagkatapos ng ginawa nila ni Janus. As for me, I was still in shock. Halos hindi ako nakatulog pagkatapos noon. Tumalukbong ako ng kumot at nakatakip ang dalawang kamay sa aking tenga, tila ba sa isip ko’y ayaw kong marinig ang narinig kong iyon. Iyon lang, halos hindi ako makatingin kay Janus kaninang umaga. I couldn’t even breathe properly when he was close. Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko.

“May problema ka ba?” biglang tanong ni Sir Zeus habang pabalik na kami sa floor namin mula sa cafeteria.

Katatapos lang ng lunch break namin noon. As usual, marami kababaihan na naman ang nagpapansin sa kaniya. Ang iba pa ay tinitigilan niya para batiin at lampungin. Napailing na lamang ako.

“Hay naku, kung alam lang ni Ms. Arianna,” pagpaparinig ko na sininghalan niya lang.

“You know the reason why I am being civil with her. Ikaw ang may gusto nito, ‘di ba? Good thing she was a nice lady though.”

Umismid ako sa kaniya na kinangisi niya lang.

“Mga lalaki talaga…”

“Wow, bakit, hindi ka ba lalaki?” taas ang isang kilay niyang ani. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Juno. Mukha kang pinagsakluban ng langit at lupa kanina pang umaga.”

Should I tell him? Alam ko na sa pamamahay na iyon, ako pa lamang ang aware sa pakikipagrelasiyon ni Janus sa kapwa lalaki. At iyong kagabi, kung malaman man ng isa sa kanila iyon, hindi ko na alam ang mangyayari kay Janus. I am very sure his parents wouldn’t take it lightly. Isa pa, ako lang siguro ang makaiintindi sa kaniya dahil kagaya ni Janus, mukhang sa lalaki rin ako nagkakaatraksiyon. O mainam sabihin na may atraksiyon ako kay Janus at iyon ang isa pa sa hindi nila dapat malaman, lalo na si Janus.

“Wala. Napuyat lang ako sa paggawa ng powerpoint kagabi,” palusot ko. Buti na lang mukhang naniwala naman.

Hindi lang naman iyon ang bumabagabag pa sa akin. Magmula kasi nang magpalitan kami ng numero ni Hades ay halos hindi na siya tumitigil sa pagpapadala ng mensahe sa akin. Tumawag pa nga siya kagabi bago ako matulog. Kinukulit kung kailan daw kami ulit mag-iinom. And now that things with Janus was bothering me lot, mukhang kailangan kong iinom ito. Kaya naman bago matapos ang last period namin noong araw na iyon ay nagpadala ako ng mensahe kay Hades na papayag akong makipag-inuman sa kaniya mamayang gabi.

Hindi ko lang inakala na sobra siyang excited at pagkatapos ng klase ay nagulat na lang kami ni Sir Zeus nang makita namin siya sa labas ng campus namin. Hindi ko siya makapaniwalang tinignan habang may kumakausap na sa kaniyang mga babae. Magkaibigan nga sila ni Sir Zeus.

“Hades?” takang tawag ni Sir Zeus dito. “What are you doing here?”

Mabilis na napabaling si Hades sa amin at kaagad namang sumilay sa mga labi niya ang malapad niyang ngiti. He said goodbye to those girls around him bago lumapit sa amin. Sa akin kaagad ang paningin niya.

“Oh, I’m not here for you if that’s what you’re thinking,” aniya sabay tapik sa balikat ni Sir Zeus. “I’m here for Juno.”

Kaagad na tumaas ang isang kilay ni Sir Zeus dahil doon at napatingin sa akin. Hindi ko naman siya tinignan pabalik at napatikhim na lamang. That sounded wrong, baka anong isipin ni Sir Zeus.

“Ang aga mo naman? Tsaka wala kang sinabi na rito ka didiretso,” pagbibigay pansin ko sa kaniya.

Hades shrugged. “Well, surprise.”

“Mukhang kung saan kayo pupunta ngayon, kayong dalawa lang ang maaari, ah?” nagdududang saad ni Sir Zeus. “I’m not in the mood to go out today anyways. Uuwi ka ba muna?”

Tumango ako kay Sir Zeus. Kailangan kong magpalit muna dahil naka-uniform pa ako. Tsaka kailangan na naming umalis sa lalong madaling panahon dahil nakakakuha na kami ng atensiyon ngayon. Nandito pa kami sa entrance ng campus.

“Let’s go then. Sa akin na sasabay si Juno.”

Kaagad akong napailing sa harap ni Hades nang sinabi niya iyon. Nagtataka niya naman akong tinitigan.

“Ako ang nagda-drive para sa amin ni Sir Zeus. Tsaka sasama ka sa mansiyon ng mga Ivan?”

“What? You can’t drive now, Zeus?” mapaglaro nitong saad sa amo ko. “And it’s been a long time since I saw Tito and Tita, might as well visit now.”

“Shut up. This guy is very dedicated to his work. Pinagbibigyan ko lang,” ani Sir Zeus sabay turo ng hintuturo niya sa akin.
Tumaas naman ang isa kong kilay sa huling narinig. Wala na ring nagawa si Hades dahil trabaho ko ang pagsilbihan si Sir Zeus. Siya naman ang nagda-drive ng sasakiyan niya kapag gumagala siya, eh. Pero kapag hatid at sundo sa paaralan, trabaho ko na iyon.

We arrived shortly at the Ivan residence at kaagad namang nag-ingay si Hades kung paanong matagal na panahon na siyang hindi nakabalik dito. He even complimented some changes at dahil sa ingay niya’y napalabas kaagad sa sala ang mag-asawang Ivan na nanggaling yata sa kusina. Mukhang kauuwi lang din nila galing trabaho at mukhang nagkakape sila roon bilang pampawala ng pagod.

“Oh, we have an unexpected visitor,” si Mr. Ivan.

“Hades, ijo! Oh, gosh, it’s been so long! Mabuti naman at nadalaw ka ulit. Kailan ka umuwi ng Pilipinas?”

Kaagad na binati at pinalibutan ng mag-asawa ang aming bisita. Si Sir Zeus ay kaagad na umakyat sa kwarto niya at sa malamang ayaw na namang magpaistorbo. Sa malamang manunuod na naman ng basketball ‘yan sa kwarto niya o kung ano man. Napangisi ako sa aking sarili.

“Magbibihis muna ako,” paalam ko kay Hades at tila robot namang sabay na napatingin sa akin ang mag-asawa.

“Oh, you guys are going out?” manghang tanong ni Mrs. Ivan.

“Ah, opo. Kung ayos lang sana.”

Mabilis na umiling ang ginang sa akin. Mukhang natutuwa siya at may kaibigan na ako bukod sa mga anak niya.

“Oh, no, Juno. That’s very fine. We’re happy that you’re starting to hang-out with people now. Tsaka tiwala naman kami rito kay Hades.”

Natawa ako dahil anak na anak ang turing niya sa akin. Sanay na ako roon, pero minsan, tila kinikiliti pa rin ang tiyan ko. Sobrang saya lang sa pakiramdam.

Mabilis akong umakyat para makapagbihis. Tila narinig ko pa nga ang sasakiyan ni Janus habang nasa gitna ako ng pagbibihis, ibig sabihin, nakauwi na siya. So I bet, he saw Hades by now. Napakagat ako sa ibaba ng labi ko at pagkatapos magpabango ay lumabas na. Sakto namang paglabas ko ay dumaan si Janus na patungo na rin yata sa silid niya. He saw me, pero isang mabilis na tingin lang ang ginawad niya sa akin bago niya ako nilagpasan. Nakita ko pang tumaas ang isa niyang kilay sa akin, pero wala naman siyang sinabi.

Wow, that hurts, huh? 

🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon