First Day

192 16 0
                                    

Chapter Three

Hindi naglaon ay tuluyan na akong nakapasok sa kaparehong paaralan kung saan pumapasok si Sir Zeus, ang panganay ng mga Ivan. Dahil bukod sa pag-aaral, may katungkulan din ako sa kaniya at iyon ay masiguro na magiging maayos na tagapagmana siya ng mga Ivan. Though, mukhang wala naman akong dapat ikabahala dahil kahit anong gawin niya, halos palagi namang perpekto ang resulta.

"Congratulations for passing your entrance exam, Juno!"

Napangiti at pumalakpak ako nang sabay na buksan ng mag-asawang Ivan ang mga wine na hawak nila. Gumawa sila ng selebrasiyon para sa akin kahit sabi ko ay hindi na kailangan.

"Salamat po," masaya kong pagpapasalamat.

"We are very proud! Ang talino mo, anak. You almost aced the entrance exam!" pumapalakpak at humahanga na papuri ni Mrs. Ivan.

Nahihiya naman akong napayuko. Napakamot ako sa batok ko dahil naalala ko ang sinabi ni Nanay noon na sayang daw ang talino ko dahil hindi niya manlang ako mapatuloy sa pag-aaral. Huwag po kayong mag-alala, Nay. Heto na po. Sigurado na pong makatatapos ako at dahil iyon sa mga taong narito ngayon.

"Wala na kaming pangamba. You're the best choice to assist our son, ijo. Naniniwala ako na with your intelligence, you can help him a lot in some ways," papuri rin ni Mr. Ivan sa akin.

Nakita kong bahagya ring ngumiti si Sir Zeus sa akin na noo'y kinukulit ng kapatid na huwag akong agawin. Natawa na lamang ako. Masaya ako dahil hindi ako nahirapang maging close sa dalawa, lalo na kay Janus. Masaya rin ako dahil isa si Sir Zeus sa nakiusap sa paaralan nila na i-accelerate kaagad ako sa same grade kagaya niya. Dapat sa last grade ko noon ako mapupunta dahil hanggang doon lang ang natapos ko noon.

"Mom! Dad! I want to study at their school, too!" pangungulit na ngayon ni Janus sa mga magulang niya.

Natawa si Mrs. Ivan sa bunso habang nailing naman ang asawa. Ako nama'y lihim na nangiti. This kid is so lovely, dikit na dikit talaga siya sa akin kahit hindi ko pa rin alam kung bakit.

"Dear, daycare ka pa lang. You're still not allowed at their school kasi nasa grade school na sila Kuya at Juno," pagpapaintindi ng ina niya na kaagad namang kinanguso ni Janus.

Iiyak iyan. Halata kaagad sa pamumula ng ilong niya at pagkibot ng mga labi niya. Hindi nga ako nagkamali dahil maya-maya lang ay humagulhol na siya sabay takbo at yakap sa akin. Natawa ang mag-asawa habang napailing na lang ako pati si Sir Zeus.

"This is unfair! I want to be with Juno! Kuya might steal him away!" malakas niyang maktol.

"Juno is not a toy, Janus. Why would I steal him? Tsk."

Nginitian ko na lang si Sir Zeus pinaparating na hayaan ang kapatid niya at bata pa. Natural sa mga ganitong edad na umiiyak kapag hindi nakukuha ang gusto.

Gusto, huh?

"Kasama mo naman ako kada gabi. Tabi pa tayo sa pagtulog kaya tahan na, Janus," pagpapatahan ko sa kaniya.

Hindi na siya sumagot at sumisinghot na lamang na humigpit ang yakap sa akin. I gently smiled and caressed his smooth, silky hair. Sa isip ko noon ay naisip ko na kung kasingtanda lang namin ni Sir Zeus si Janus, gusto ko rin siyang kasama sa iisang paaralan dahil siya lang ang nagpapakita ng ganitong kagustuhan sa akin. If he's around, I feel so comforted. Like I belong.

"Who is that new guy with Zeus?"

"Dinig ko ay alalay niya raw. He's a poor guy."

"Oh my, really? So he's the great Zeus Ivan's dog. How poor."

Napayuko ako habang sabay kaming naglalakad ni Sir Zeus sa paaralang pinapasukan namin. Unang araw na ngayon ng klase at sobra akong kinakabahan. Hindi nakatutulong ang mga bulong-bulungan at hagikhikan nila patungkol sa akin.

"Don't mind them. They're just envious losers," biglang salita ni Sir Zeus sa harap ko na nagtitipa sa cellphone niya habang ang isa ay nasa loob ng bulsa.

"S-Salamat po," pabulong kong tugon.

"Huwag ka lang lumayo sa akin para hindi ka mapahamak. For sure, they won't leave you alone lalo na iyong mga gustong mapalapit sa akin."

Matagal akong napatitig sa likod niya bago napangiti. Ang swerte ko sa mga Ivan. Akala ko noong una ay mahihirapan ako sa mga anak nila lalo na sa panganay nila, pero tinanggap nila ako ng walang panghuhusga. Oo at narito ako bilang alalay niya, pero hindi ganoon ang trato nila sa akin. Malaki pa nga ang tulong nila sa akin. If Janus is also here, nakikinita ko na ang galit niyang mukha habang nakanguso na pinagsasabihan ang mga nagsasalita ng masama sa akin.

That very thought comforted me a lot.

"Juno!"

Kaagad kong binuka ang aking mga braso para salubungin ng yakap si Janus dahil nagulat kami ni Sir Zeus nang tumawag ang ina niya sa kaniya at narito raw sila sa paaralan ngayong tanghalian. Kakain daw kami ng lunch ngayon sa labas. Ani Sir Zeus ay baka nag-aalala raw sila sa akin kaya gano'n. Nahiya naman ako bigla. Sobrang concern naman nila para sa akin.

"Half-day lang po ba ang pasok ni Janus?" tanong ko kay Mrs. Ivan habang papasok kami sa mall.

Hawak ko sa aking kamay ang bibo na si Janus at maraming tinuturo sa akin sa loob ng mall. Namamangha ako dahil first time ko lang makapasok dito. Dati halos sa malayo ko lang nakikita ang mga nagtatayugang building ng mall mula sa gilid ng riles kung nasaan ang bahay namin.

"Yes, pang-morning siya ngayon. Mabuti na lang at hindi gaano ka-busy si Oliver ngayon nang pumunta kami sa kumpaniya ni Janus at naaya namin siya," masayang sabi ni Mrs. Ivan. "I'm just really worried, ijo. Kumusta kanina? Maayos ka naman ba nilang tinanggap? May kakilala ka na ba bukod kay Zeus?"

Napatingin ako kay Sir Zeus sa harap na naglalakad katabi ni Mr. Ivan kung kaya malaya akong makapagsisinungaling sa ina niya. Ayaw ko lang na bigyan pa sila ng ikababahala pa nila.

"Maayos naman po. Tsaka nakaalalay naman po si Sir Zeus sa akin," nakangiti kong tugon na nakita kong kinahinga niya nang maluwag.

"I'm glad to hear that. Good thing Zeus is taking care of you."

"Ako nga po dapat ang umaalalay sa kaniya pero..."

"Ano ka ba, Juno," si Mrs. Ivan. "You're still young. Mag-enjoy ka rin muna. Mga bagay na hindi mo nagawa noon."

Kaagad akong umiwas ng tingin nang marinig iyon. Para akong maiiyak dahil humaplos sa puso ko ang sinabi ni Mrs. Ivan. Naaala ko si Nanay, para siyang si Nanay.

Napatango na lamang ako sa kaniya.

"Salamat po talaga sa inyo."

In the bottom of my heart, tinatak ko na pamilya sila. Hindi man kadugo, ngunit ang pagmamahal at mga naibigay nila sa akin ay walang kapantay. Kaya natural lang na magaganda rin ang ibalik ko sa kanila.

Hindi kasama roon ang sirain ko ang pamilya na iyon.

To. Be. Continue.

🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon