Chapter Eight
Pagsapit ng hapunan ay sabay naming sinalubong si Sir Zeus na noon lang nakauwi. Galit na galit ang Mommy niya habang ang Daddy niya'y tahimik lang na nakamasid. Humalukipkip ako nang papasok na siya sa sala.
"Good evening... everyone?" Kumunot ang noo ni Sir Zeus nang makita kaming lahat sa sala.
"Saan ka galing?" bungad na tanong ng ina niyang galit na nakapamewang sa kaniyang harap.
"Hey, Mom. Why are you so serious?" Tumawa ito at lumapit sa ina para humalik sa pisngi, kaso kaagad na nag-iwas si Mrs. Ivan.
"You let Juno go and apologize to Arianna in your stead para makipag-date?" Hinilot ni Mrs. Ivan ang kaniyang sentido. "Son, hindi ko naman gagawin ito kung tumino ka lang! Hindi naman namin kayo pinagbabawalan na magsaya, pero hindi kasama roon ang makipaglaro sa apoy! For goodness sake! Paano kung aksidente kang makasakit o makapaiyak ng babaeng mula sa isang makapangyarihang angkan or business partner natin? Be responsible with your actions!"
I pursed my lips at nag-iwas ng tingin. Ngayon ko lang nakita na ganito kagalit si Mrs. Ivan. Nasagad na talaga siguro ng panganay niya. Nakita kong kalmado pa rin si Mr. Ivan, pero alam kong pagsasabihan niya rin mamaya ang anak.
"Mom, c'mon. Nag-iingat naman ako sa —"
"Nag-iingat!" putol ni Mrs. Ivan sa anak. "God, bakit ba ako nagkaroon bigla ng anak na playboy. Hindi naman ganito ang Daddy mo, ah?"
Natawa ako nang lumingon si Mrs. Ivan sa asawa at pinanliitan ang huli ng mga mata. Mr. Ivan raised both of his hands in defense.
"Oh, oh. Wala akong kinalaman diyan. You know how big of a nerd I am way back, Jana. I'm no playboy," depensa ni Mr. Ivan sa sarili.
I heard Sir Zeus chuckled ngunit nang magtagpo ang mga mata namin ay bigla siyang nasamid. I scoffed. Aba, may kasalanan pa siya sa akin.
"Zeus, anak. Tone down with playing with girls a bit. Nahihirapan na rin si Juno sa iyo. Listen to Mommy, please. Babae rin ako anak, masakit mapaglaruan."
Sir Zeus' expression softened upon hearing what his mother said. Tumango siya at lumapit sa ina para halikan ito sa noo. Ayan kasi, napakamahilig.
"Okay, Mom. Show me Arianna's picture again. You seemed to like her a lot so... I'll try."
"Really?"
Nakahinga ako nang maluwag nang umayos na ulit ang sitwasiyon. We prepared for dinner kaya nag-aalala na tumingin ako sa second floor dahil mula kanina, hindi pa rin bumababa si Janus. Ang hirap pa naman suyuin ng isang iyan kapag may sumpong! Paano pa kaya ngayong binata na?
"Let's eat dinner, everyone," pag-aaya ni Mrs. Ivan ngunit natigilan dahil may kulang.
"Ah, ako na po tatawag, Tita," presinta ko.
Nakita kong tinaasan ako ng kilay ni Sir Zeus kung kaya pinandilatan ko siya ng mga mata. Kasalanan mo 'to, eh!
Nang makaakyat ako sa second floor, huminga muna ako nang malalim sa harap ng pinto sa kwarto ni Janus. Kumatok ako ng tatlong beses.
"Janus, dinner na," I softly said.
Dinikit ko ang tenga ko sa pinto nang wala akong narinig na sagot. Dahil doon, kumatok ako ulit. This time, mas malakas na sa nauna.
"Janus," mariin kong tawag sa pangalan niya.
"I'm not hungry." I heard him groaned.
Minasahe ko ang bridge ng aking ilong. Kung hindi ko siya kasama pagbaba, tiyak ang Mommy niya aakyat dito at mas hindi niya magugustuhan iyon.
"Bumaba ka na habang ako pa ang narito."
Nakarinig ako ng mga kaluskos at yabag ng mga paa bago bumukas ang pinto niya. Base sa expression niya ay inis pa rin siya. So grumpy!
"Nakakainis," pabulong niyang saad bago ako nilagpasan at bumaba.
Ako na ang nagsara ng pinto niyang iniwan niya lang na bukas bago sumunod pababa. Nang makabalik sa kusina ay sinulyapan ko pa siya ulet bago naupo sa aking pwesto. Halatang wala pa rin siya sa hulog. Hindi naman napansin iyon ng iba naming kasamahan sa mesa kung kaya nagsimula na kaagad kaming kumain.
"Mukhang may galit yata sa akin ang isa rito, ah?"
Nagulat kami nang biglang nagsalita si Sir Zeus sa gitna ng pagkain. Nakataas ang dalawa niyang kilay at tila nanunukso na nakatingin sa iisang direksiyon. Sinundan namin ang tingin niya at nakita na kay Janus iyon. Nanlilisik ang mga matang nakatingin sa nakatatandang kapatid at mahigpit ang hawak sa kaniyang kutsara.
Napaayos ako nang upo. Ano ba naman 'tong si Janus!
"Janus, what's wrong sweetie?" mahinahon ngunit may alalang tanong ng ina niya sa kaniya.
Kita namin kung paano niya pabagsak na binaba ang mga kubyertos niya. Hindi niya pa rin inaalis ang mga paningin sa kuya niya na mukhang mas tinutukso siya. Kinabahan ako! Mabuti na lang medyo malayo ang pwesto nila sa hapag. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ni Janus sa kuya niya at alam kong hindi rin patatalo iyang kuya niya.
"Will you stop making everything hard for Juno," he growled.
Halos magtagis ang bagang niya nang sabihin ang bawat salita kay Sir Zeus. Nagsimulang magseryoso si Mrs. Ivan habang si Mr. Ivan na as usual ay kalmado pa rin.
Natawa si Sir Zeus sa kaniyang kapatid.
"You're the one who's making everything hard for him. Sa tingin mo hindi siya nahihirapan diyan sa pagiging immature mo? Grow-up kid!"
"Zeus!" sigaw ni Mrs. Ivan. "Ano ba kayong dalawa?"
Napatalon ako nang marahas na tumayo si Janus mula sa pagkakaupo. Kinabahan ako dahil akala ko ay susugod siya sa kuya niya, ngunit umalis lang siya sa hapag para yata bumalik sa taas. Napatayo rin ako.
"Pasensiya na po. Ako na po kakausap," paghingi ko ng pasensiya.
Halatang na-stress si Mrs. Ivan dahil napahilot siya sa sentido niya. Mukhang nawalan na rin ang lahat ng gana kumain.
"Let him be for now, ijo. He's really dependent on you that's why let him reflect for awhile," nakangiti na saad ni Mr. Ivan na kinatahimik ko.
"Dad's right. Hindi na siya bata kaya huwag mo nang masyadong i-spoiled," segunda naman ni Sir Zeus kaya lihim ko siyang sinamaan ng tingin.
Napabuntong-hininga na lamang ako at kahit nag-aalala, naupo na lamang ulit. Siguro nga tama sila. Mula noong maliit si Janus ay lagi ko nang sinusunod ang gusto niya. Kapag nagtatampo ay agaran kong sinusuyo. Lagi niyang gusto na nasa tabi niya ako at iyon ang kinaiinis niya nang maging PA ako ng kuya niya.
"Huwag mo na rin kasing masyadong patulan, alam mo na ngang ganoon," mahinahon ko ring sagot kay Sir Zeus.
"Sana all, kinakampihan."
Umirap na lang ako at tahimik na lamang namin ulit na pinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos, nagpresinta ako na dadalhan si Janus ng kaunting makakain dahil halos wala siyang kinain kanina. Hindi ko siya matiis, eh. Kapag hindi kami ayos ni Janus, hindi ako nakatutulog.
"Kakausapin ko rin siya bukas if what's wrong. Salamat talaga, Juno."
Mrs. Ivan gently squeezed my arm bago sila tumungo mag-asawa sa mga silid nila. Si Sir Zeus nama'y nasa garden at mukhang may katawagan na naman. Si Freya siguro. Hindi ko na siya pinansin at umakyat na patungo sa silid ni Janus bitbit ang tray ng pagkain.
Kakatok na sana ako ngunit nakita kong hindi ganoong nakasara ang pinto. Pumasok ako sa loob at nagtaka dahil wala siya roon.
"Janus?"
Luminga-linga ako sa may kalawakan niyang silid ngunit hindi ko siya nakita. Nasaan ba 'yun?
I was about to go at kakatok sa banyo niya roon nang bigla na lang iyong bumukas at niluwa ang bagong ligo na si Janus. Halos mabitawan ko ang tray na hawak sa pagkagulat.
"Shit, nakalimutan ko ang towel — fuck!" Nagulat din siya nang makita ako.
Wala siyang saplot!
To. Be. Continue.
BINABASA MO ANG
🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)
Ficción GeneralAphrodisiac Gentleman Series #2 Categories: Romance, Drama, BL Description: ━─━────༺༻────━─━ "You never know what my love is capable of Juno, it's stronger than you could imagine." Juno Mariano knew for sure that his love will never have a chance...