Chapter Four
"Just ask his dog for his number! Malapit na ang graduation wala manlang tayong habol kay Zeus!"
Natigil ako sa pag-aayos ng gamit ko nang marinig ang bulungan ng mga babae kong kaklase sa aking likuran. Marahan akong napailing. Hindi na bago sa akin ang senariyo na ito. Kakailanganin ako ng mga babae para mapalapit kay Sir Zeus samantalang inuutos-utusan naman ako minsan ng mga lalaki. Hindi lingid kay Sir Zeus ang sa mga babae, pero sa mga lalaki ay hindi ko na sinasabi.
Naramdaman kong palapit na sa akin ang mga babae nang mangibabaw ang boses ni Sir Zeus sa labas.
"Juno, still not done yet? I'm fucking hungry," bugnot niyang sabi habang sunggo na naman ang mga kilay.
Lihim akong nangiti dahil kapag maraming tao ay suplado talaga siya. Pero kapag sa bahay ay matiwasay naman ang mukha niya. Katunayan nga ay ayos naman ang pakikitungo niya maging sa mga driver at maids nila. Aniya ay ganoon lang naman siya sa harap ng mga mapagkunwaring mga mukha lalo na ng mga gusto lamang siya dahil isa siyang Ivan.
"May kailangan ba kayo sa akin?" palakaibigan kong ngiti at tanong sa mga babae na noo'y natulala na sa pinto kong nasaan ang pantasiya nila.
Magkaiba kasi kami ng section ni Sir Zeus. Nasa star section siya samantalang ako ay nasa second section.
Napakislot sila at ang babae sa pinakaharap ay hindi na alam kung sa akin ba titingin o kay Sir Zeus na nakasimangot na sa may pinto. Nanliit ang mga mata ko sa babae. Si Andrea pala. Patay na patay 'to kay Sir Zeus, eh.
"A-Ah k-kasi..." hindi maideretso ni Andrea ang sasabihin. "N-Nakalimutan ko na..."
Yumuko siya at mariin na nakagat ang ibabang labi. Alam ko na kahit nais niyang ituloy na hingiin ang numero ng amo ko, takot na dahil narito ito. Ganiyan sila. Kapag nasa malapit o nariyan si Sir Zeus, nawawala ang mga tapang at plastic nilang pakikipagkaibigan sa akin. Hindi ko naman kinaiinis iyon. Hindi naman kasalanan ni Sir Zeus kung ganiyan ang ugali nila. Tanging gusto lang talaga nila siya.
Tumango ako sa kanila. "Sige. Mauuna na kami."
Naglakad ako patungo sa amo ko, kaso bago pa ako makarating sa pinto ay may marahan na humila sa laylayan ng uniform ko. Bahagya akong nagulat at tumingiin doon bago sa mukha ng taong nakahawak sa akin. Si Mia pala, ang pinakatahimik sa grupo nila Andrea. Namumula ang mukha niya at hindi makatingin sa akin.
"J-Juno... pwede ko ba mahingi ang numero mo?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi kay Sir Zeus ang hinihingi niya kung hindi ay sa akin. Hindi ko na pinapansin noon, pero ngayon ay sigurado na ako. Kapag nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin ay namumula ang mukha siyang umiiwas. Nahihiya rin siya palagi sa akin at nauutal kapag kinakausap.
Gusto ako ni Mia.
"Sige." Ngumiti ako sa kaniya at tila sasabog na yata ang mukha niya sa pagkapula.
Nilabas ko ang cellphone na binigay sa akin ng mga Ivan at binigay sa kaniya ang numero ko. Nang matapos ay kinawayan ko siya bago tuluyan nang lumapit kay Sir Zeus na nakanguso at taas ang dalawang kilay na nakatingin sa akin. Umiling siya nang makalapit na ako.
"Nice one," nakangisi niyang bati at nanunukso akong tinignan.
Ngumiti lang ako sa amo ko habang sumasabay na sa paglalakad niya. Okay na rin naman na ibigay ko, tutal patapos na rin naman ang schoolyear. Isang linggo na lamang ay magtatapos na kami sa gradeschool. Sobrang excited na ako.
Nakaplano na rin kung saan kami mag-ha-highschool ni Sir Zeus. Samantalang si Juno naman ay aapak na sa gradeschool. Sobrang saya ko at naraos ko na ang gradeschool. Hindi ko pa rin akalain na nakaapak na ako sa paaralan kahit hanggang ngayon.
"One of his classmate asked for his phone number earlier," panunukso ni Sir Zeus noong nasa hapag na kami at naghahapunan.
Nanlaki ang mga mata ko nang pumalakpak si Mrs. Ivan habang malakas namang tumawa si Mr. Ivan. Mabilis akong napatingin kay Sir Zeus! Bakit sinabi niya pa iyon?
"Young master!" paungot kong suway.
"What?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Akala ko kasi wala manlang makapapansin sa karisma mo. It's natural, Juno. Lalo na ngayon at papasok na tayo sa highschool."
Nahihiya akong yumuko sa kinakain ko at tila umuusok na ang magkabila kong pisngi dahil sa sobrang init. Ang pakikipagrelasiyon ay wala pa sa isip ko. Tanging pag-aaral lang ang naiisip ko ngayon. Hindi naman ako kagaya ni Sir Zeus na matinik na kaagad sa mga babae kahit gradeschool pa lang. Sabi niya dati ay Grade 5 raw siya unang nagkaroon ng girlfriend.
"That's not a bad thing, Juno. It's nice to experience crushes. But then again, I am with you sa pagseseryoso sa pag-aaral," kalmadong saad ni Mr. Ivan. "Hindi kagaya netong ni Zeus. Akala mo hindi ko nalalaman, young man."
Napailing ang ama sa anak nitong ngumisi lang. Si Mrs. Ivan nama'y pinagtanggol ang panganay niya kesyo it's natural daw sa lalaki at sigurado naman daw siyang alam naman ni Sir Zeus ang limitasiyon niya. Oo nga, eh. Minsan nga'y nakita kong may kahalikan na babae sa likod ng school last week lang. Kung alam lang ni Mrs. Ivan. Sinsisigurado ko na kapag aapak ng highschool ay mas titindi pa iyan. Goodluck sa pagbabantay ko.
Natigil ang masayang usapan at tuksuhan sa lamesa nang mag-beep ang cellphone kong nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Natigilan ako nang makita ko ang pangalan ni Mia. Actually, kanina pa siya text nang text. Sinabi ko nang kumakain pa ako.
"Oh? Si Mia na ba 'yan?" dinig ko na namang tukso ni Sir Zeus na tinaasan pa ako ng isang kilay.
"Oh! So Mia is the girl's name?" Mrs. Ivan giggled na tila isa siyang teenager muli.
Napailing na lamang ako at kinuha ang cellphone ko para itago iyon sa bulsa ko. Aksidenteng nahagip ng paningin ko si Janus na tinitigan ang cellphone ko bago ngumuso. Bumaling siya sa ina niyang katabi lang niya.
"Mommy, what is crush?" inosente niyang tanong sa ina.
Natigilan kaming lahat.
"Oh baby, you're still too young for that," si Mrs. Ivan sabay punas sa bibig ni Janus na puno ng pagkain.
"Look who's talking, honey. Kanina lang sinabi mo na ayos lang kila Zeus at Juno," nang-uuyam na sabi ni Mr. Ivan.
Kaagad naman itong sinamaan ng tingin ng asawa kung kaya lihim akong natawa.
"Siyempre wala pang muwang itong bunso mo! Sila Zeus at Juno alam na nila ang tama at mali," aniya.
"Protective ka lang talaga kay Janus, Mom," gatong naman ni Sir Zeus tapos nag-apir pa sila ng ama niya.
"Hmp!" Bumaling na lamang ulit si Mrs. Ivan sa bunsong anak. "Sweetie, you'll know crushes in time. For now, drink your milk para maka-sleep na kayo ni Kuya Juno sa room mo."
Hindi na sumagot si Janus at sinunod na lamang ang ina. Lihim akong nangiti sa kakyutan niya.
Alas-otso nang inakyat ko na si Juno sa kwarto niya. Ganitong oras kasi talaga ang tulog niya at kapag may mga projects o assignments pa ako ay hinihintay ko talagang makatulog muna siya bago gawin. Saka na tapos ako tatabi sa kaniya sa higaan at matutulog.
"Juno..." bigla niyang tawag sa akin sa mababaw na boses.
"Hm?"
Inayos ko ang kumot sa katawan niya habang nakita ko na kinukusot-kusot na niya ang kaniyang mga mata. Ngumiti ako bago hinintay ang sasabihin niya.
"Can crushes take you away from me? If it can... I don't want that."
Natigilan ako sa narinig na iyon. Pumikit na ang mga mata niya pagkatapos niyang sabihin iyon at kaagad nang nahimbing sa pagtulog. Napayuko ako at napasapo sa dibdib ko. Galing sa isang bata ang mga kataga na iyon, pero bakit ang lakas ng impact sa akin? Ganoon ba talaga niya kaayaw na malayo ako sa kaniya?
Parang gusto ko tuloy i-delete ang number ni Mia!
To. Be. Continue.
BINABASA MO ANG
🌈 AGS2: Prince of Wales (BL)
General FictionAphrodisiac Gentleman Series #2 Categories: Romance, Drama, BL Description: ━─━────༺༻────━─━ "You never know what my love is capable of Juno, it's stronger than you could imagine." Juno Mariano knew for sure that his love will never have a chance...