Twenty four

0 0 0
                                    

"So, pumunta ka."

Bigla akong napalingon sa nagsalita. Hindi ko manlang namalayan na may lumapit sa akin. Ito yung taong nagbigay sa akin ng address kahapon.

Oo. Andito ako sa lugar na itinuro ng address na iyon. Hindi ko alam kung bakit sinunod ko ang taong ito na minsan man ay hindi ko nakita sa tanang buhay ko. May bumubulong sa akin na hindi dapat ako matakot sa kanya dahil isa siyang kakampi. Pero hindi ko maiwasang kabahan sa padalos dalos kong desisyon. Dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya pinapakita ang kanyang itsura. At parang gusto kong magsisi kung bakit pumunta pa ako dito.

Naputol ang pag iisip ko ng bigla itong maglakad patungo sa isang makipot na daanan.

"Sandali! Saan ka pupunta?" Bigla kong sigaw sa kanya.

Lumingon lang siya ng bahagya upang masigurong hindi makita ang kanyang mukha.

"Sumunod ka." Simpleng sabi niya at oinagpatuloy na ang paglalakad.

Halos tumakbo na ako dahil sa bilis niyang maglakad. Halos hindi ko siya maabutan. Makipot na daan ang aming dinaanan hanggang sa unti unting naging gubat na ang daraanan.

Maya maya tumigil siya sa paglalakad at nagpalabas ng isang tunog ng isang ibon. Nabigla ako ng biglang may bumukas na butas sa kanyang paanan.

Underground

Parang hindi ko alam kong susunod pa ba sa taong ito o babalik nalang. Pero medyo malayo ang nilakad namin at hindi ko alam kong alam ko pa pabalik ang daan.

Pero wala ng choice kaya sumunod na ako. Naisip ko kung patayin man ako ngayon palang tatanggapin ko na aking kapalaran.

Napatingin tingin ako sa  dinaraanan namin sa loob ng underground. Bawat dingding ay puno ng sari saring armas. Mapa baril man o patalim. Hanggang sa makarating kami sa malawak na area na parang training ground.

Tanging isang tao lang ang naroon. Abala pa sa pag ensayo gamit ang isang espada.

"Nandito ka na pala Remus." Sabi ng lalaki. Hindi manlang lumingon sa amin. Medyo malayo pa kami sa kanya pero ramdam na ang pagdating namin. Nakakabilib. "At dala mo na siya." Bigla itong huminto at lumingon sa gawi namin.

Nanginig bigla ang tuhod ko sa titig palang nitong lalaking ito. Parang isa itong leon na handang sagpangin ako anumang oras at sa isang pitik lang mamamatay ako sa mga kamay niya.

"Oo." Sagot ng kasama ko. At unti unti nitong hinubad ang hooded jacket at ang sombrerong suot nito habang unti unti ring humaharap sa direksyon ko.

Napatitig ako sa kanya. Ngayon tuluyan ko ng nakita ang kanyang itsura. Mestizo ito at sa tantiya ko medyo bata lang ng kaunti ito sa aking ama. Kung magkaedad kami nito sigurado akong nagkakacrush ako dito. Matangos ang ilong, light brown ang mata at ang tapang ng aura. At anumang oras para kang sagpangin sa isang tingin palang. Katulad din ito ng lalaking nasa likod nito.

"Welcome sa bago mong tahanan." Wika nito at tumalikod na. Pumunta ito sa isang gilid at may kinuha. Nabigla nalang ako ng isang kutsilyo ang humahagibis papuntaa sa akin. Umilag ako upang iwasan iyon. Tumama ito malapit lang sa aking mukha. Pagkabigla at pagkainis ang nararamdaman ko ng oras na iyon.

"Pinapunta mo ba ako dito para patayin?" Inis ko sabi dito. Napatawa ang isang kasama namin na hindi manlang naipakilala sa akin. Binalingan ko ito. "Sino ka ba? Hindi ka manlang ipinakilala sa akin ng kasama ko. Siya si Remus hindi ba? Eh ikaw, sino ka?" Magkasalubong ang kilay kong tanong.

"Ako si Argus." Lumapit ito sa akin ng nakangisi. Inilahad ang palad at tinggap ko iyon. "Know what? Matapang ka. Katulad ng ama mo." Nangunot ang noo ko.

"Kilala mo ang ama ko? Paano?" Magkasunod kong tanong.

Tumalikod ito sa akin habang pinulot ang baril sa ibabaw ng mesa sa isang gilid. Nakatalikod na silang dalawa sa akin.

"Oo. Kilalang kilala namin siya." Habang patuloy ito sa ginagawa. Si Remus naman ay nakatalikid lang habang nakapamulsa. Mahabang sandaling katahimikan ang lumipas bago nito dinugtungan ang sinabi. "Dahil kaibigan namin siya."

Nabigla ako. Pero nakarecover din agad. Napalapit ako sa pwesto nilang dalawa.

"Kung ganun may alam kayo sa nangyari sa ama ko?"

"Oo."

"Bakit wala kayong ginawa? Magkaibigan kayo hindi ba? O baka isa sa inyo ang pumatay sa ama ko? At dinala niyo ako dito para tanungin kong may nalalaman na ako sa organisasyon ninyo hindi ba?" Sunkd sunod kung tanong dahil sa halo haling emosyon.

Dalawang pares na mga mata ang napatitig sa akin.

"Hindi namin magagawa yan sa taong itinuring naming kapatid." Mariing saad ni Remus.

"Kung ganun bakit ako nandito? At kung alam niyo ang totoo bakit wala manlang kayong ginawa?" Galit kong saad. Nagkatinginan ang dalawa. Tinaguan ni Argus si Remus pagkatapos hinarap ako ng huli.

"Loone, alam namin ang mga ginagawa mo. Ang pagpasok mo sa opisina ng boss mo ng pasekreto. Ang pagkatuklas mo saa organisayong kinabilangan ng ama mo. Namin. At hindi mo alam na ang pagkatuklas mo sa organisasyong yon ay ang simula ng paglagay mo sa sarili mo sa panganib. At nag uumpisa na yun ng tinanggal ka sa trabaho." Mahabang paliwanag ni Remus.

"Bakit? Ano ba ang mayrun sa organisasyong yon?" Inis kong sabi.

"Hindi mo kailangang malaman. At nandito ka para sabihing tigilan mo na yan. Ipaubaya mo sa amin ang pagkamit ng hustisya para sa ama mo." Sumabat bigla si Argus.

"Hindi. Hindi ko pwedeng ipaubaya sa ibang tao ang suliraning ito. Naumpisahan ko na at sisiguraduhin kong tatapusin ko."determinadong saad ko.

"Loone kaligtasan mo at ng pamilya mo ang inaalala namin pareho. Sa oras na ito alam na nila na kasama ka namin. Hindi mo alam kung gaano ka delikado ang sitwasyon mo ngayon." Mahinahong sabi ni Remus.

"Wala akong pakialam. Sinabi mo na matulungan mo ako sa mga plano ko sa buhay hibdi ba? Pwes ngayong nandito na ako tulungaan niyo ako. May nalalaman na ako pero hindi sapat yun para maisakatupoaran ang paghihiganti ko."

Napailing iling nalang ang dalawa.

"Matigas ang ulo mo pareho kayo ng ama mo." May lungkot saa boses nito kapag nababanggit ang aking ama. Siguro malalim ang pagkakaibigan ng mga ito para malungkot ng husto ang mga ito.

"So tutulungan niyo na ako.?"

"May magagawa ba kami?"

"Wala. Dahil hindi ko kayo  tatantanan hanggat hindi kayo umu-oo."

"Ano na ba ang mga nalalaman mo?" Tanong ni Remus.

Inilahad ko ang aking mga nalaman. Nabigla siya ng sinabi kong nakasama ko ang anak ng lider nila at aksidente ko lang nalaman iyon. Dahil sa pagkakaalam nila nasa abroad ang anak nito. Tahimik lang nakikinig ang dalawa at pagkatapos kong magsalita ay kumuha ng patalim si Argus at inihagis sa akin at nasalo ko naman. Nangunot ang noo ko.

"Una, dapat maging maalam ka sa pakikipaglaban." Tanging sabi nito.

"May alam ako." Sabi ko.

"Hindi sapat." Sagot nito.

Pagkatapos sabihin iyon ay inatake niya ako. Yun ang simula ng aking training sa dalawang taong iyon. Kailangang maging handa daw ako dahil hindi basta basta ang gusto naming susuungin. Kailangang palakasin ko ang katawan at isip. Upang isakatuparan ang mga plano namin.







***********************************

I'm back guys!

Sorry kung ngayon laang ako nagparamdam. 😊
Ayaw ko na sanang tapusin to pero nakapanghihinayang naman ang nagumpisa ng magbasa nito. Salamat at pasensya na.

😊😊😊😊😊😊😊😊


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Quest of Miss LooneWhere stories live. Discover now