Lumipas ang mga araw at naging busy na kami sa trabaho. Kailangan kasing madoble ang production ng coconut oil at coconut milk kasi halos dumoble ang demand sa international market.Kaya ito halos araw arawin na namin ang field works. Kailangan kasing umalalay ang mga inspector para masigurado ang quality ng produkto. Kung minsan kasi pag walang nagbabantay pabaya yung mga ibang tauhan namin sa trabaho nila. Ini aim lang nila na matapos agad ang trabaho pero ang kalidad nito ay naitsapwera na.
Kasalukuyan kaming nagmemeeting at naghihintay sa aming vice president na galing maynila. Natraffic ito kaya medyo malate daw ng kaunti sa meeting. Halos buwan buwan daw ang pagbibisita nito sa mga branches ng kompanya nationwide para magconduct ng sariling evaluation sa processing and production.
Ng biglang bukas ang pintuan, iniluwa niyon ang isang lalaking nasa 5"8 ang height, maputi, red lips and that recognizable charm na kahit sino ay mapapalingon at mapanganga. Siguro nasa 29 years old palang ito. Napatitig talaga ako sa kanya dahil ang gwapo gwapo niya. Artistahin ang lolo niyo! How I wish maging boyfriend ko siya? Charot! Lagpas hanggang langit yata ang pangarap ko. Nahiya ako bigla sa aking sarili. Haler Loone! Langit siya lupa ka. Kaya nunka mapansin ka. Kapal fes ateng!
"Oh, pahiran mo laway mo."
Napalingon ako sa nagsalita. Si Brisk pala. Inaabutan niya ako ng panyo. Itinikom ko ang aking bibig. Hindi ko namalayan na napanganga pala ako. Kakahiya. Nilingon ko si Feynn. Shit! Akala ko ako lang ang napanganga si Feynn din pala.
Kinuha ko ang panyo kay Brisk at umaktong pinunasan kunu ang laway ko at kinalabit si Feyyn.
Tatlong kalabit ang ginawa ko sa kanya bago siya lumingon. Masyadong tinutukan ah.
"Ano yun?"
"Uh.." inabot ko sa kanya ang panyo.
"Aanhin ko yan?" Nagtataka niyang tanong.
" Napahiran ko na ang laway ko kaya ikaw naman. Mas madami ang tumulo sayo eh. Hahaha."
"Loko ka ah. Hahah. Hindi naman siya masyadong gwapo ah."
"Asus Feynn deny ka pa. Tingnan mo ang ilong mo pinagpawisan at maya maya hahaba na yan. Parang si Pinocchio."
"Ikaw din eh. Napanganga din diba? Kung makapang asar to akala mo di rin tumulo ang laway."
"Girls tumahimik na kayo diyan. Makinig na kayo kay Sir. Wag na kayong mag asaran diyan dahil ako lang ang gwapo dito. At alam kong tulo laway din kayo ng una niyo akong nakita."
"Wow Brisk! As in WOW!! Saan ka kumuha ng sandamakmak na confidence level? Nahiya ako lalo sayo. Mas gwapo sayo si Sir Vice President noh."
"Oo nga. Wala ngang epekto sa amin ni Feynn yang kagwapuhan mo Brisk. Doon lang yan umiepekto sa mga hipon hipon sa tabi tabi."
"Talaga lang Loone hah?" At unti unting niyang inilapit sa akin ang kanyang mukha. Hindi naman ako makagalaw sa kanyang ginawa.
Napatitig nalang ako sa kanya. Habang paunti ng paunti ang distansiya ng mga mukha namin ay may biglang tumikhim. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na yon. At nanlalaki talaga ang mga mata ko ng malingunan ko si Mr. Vice President na nakatutok ang paningin sa amin ni Brisk. Napayuko ako at pasimpleng nilingon si Brisk. Prenteng nakaupo lang ang loko at parang hindi tinablan ng titig ng bisita namin.
"Just wait to finish this meeting Mr. Mariano before kissing a lady. Do it outside later. Were discussing an important matter here but you two are busy doing some monkey business. And you Ms., what's your name?
"L-loonery Barrios Sir.
"And Ms. Barrios, never fall inlove with that man coz he will break your heart and will left you hanging. Trust me. He will ruin your future." Seryoso ang pagkasabi nito na akala mo kilalang kilala niya si Brisk.
YOU ARE READING
The Quest of Miss Loone
General FictionHow do you react when everything doesn't go according to your plan? How does it feel when everything you sacrifice for, is in vain? How does it feel when hardships always choose you? How does it feel when love turn your world up side down? Do you wa...