Wow! Yes! Yes! Yes!
Napatalon at napasigaw ako sa tuwa. Aha! May trabaho na ako!
"Ok ok Ma'am. I'll report next week and I'll process my requirements."
Pagtatapos ko ng aming usapan. Ng oras ding iyon masaya kong ibinalita kina mama at papa ang magandang balita na iyon. Masaya sila para sa akin. At sangkatutak na pangaral naman ang narinig ko ng oras ding iyon. Kesyo may trabaho na ako dapat tulungan ko muna mga kapatid ko at baka magasawa na raw ako. Baka waldasin ko daw ang pera ko. Naman! May paunang paalala na. Oh diba? Yan si parents eh. Wala tayong magagawa eh. Dulot ng kahirapan kaya maraming sinasaksak sa aking isipan. Okay lang naman. Para din sa ikabubuti ko iyon.
Nagimpaki na ako ng mga gamit ko kasi kailangan kong mangupahan sa syudad. Alangan namang uwian ako edi lahat ng sahod ko sa pamasahi nalang napunta. Oh diba? Agree nalang kayo hah? Heheh. Pasensya na may lagtok kasi sa utak ang nagsusulat nito eh. Hahhahah.
First day in work....
"Good morning mam. Im Loonery Barrios po."
"Miss Barrios please have a seat. I'll orient you about your work here at Coco Organic Inc. But first, in behalf of COI I welcome you to our company and were looking for your hand in hand cooperation for the success of our company. You will be in charge of inspection and evaluation of products process flow."
Pagkatapos niyang mag orient sa akin ay dinala na ako sa department kung saan ako nakaassign. Dinala niya ako sa aking magiging table sa opisina na iyon. Bali may nakita akong dalawang tao sa area kung saan nakapwesto ang magiging mesa ko.
"Hi" bati nila sa akin. Isang babae at isang lalaki na pawang nakaupo.
"Hi." Sabi ko rin. Ngumiti silang dalawa sa akin. Magaan yung loob ko sa kanila swerte at hindi ako mahirapang makisama sa mga ito. Mga mababait naman. Kinausap na ako ng babae.
"Bago ka ba? Halika. Dito ka maupo. Si Brisk ang nakapwesto diyan. Dito ka sa katabing table ko para tabi tayo. By the way ako nga pala si Feynn Salas at ito naman si Maurk Laundres.
"Nice meeting you Feynn, Maurk. Ako nga pala si Loonery Barrios but you can call me Loone."
"Nice meeting you too."
At nakipagkamay ako sa dalawa. Maya maya dumating na yung isa sa magiging kasama ko.
"Uy Brisk! May bago tayong kasama. Si Loonery pala. Loone siya si Brisk Adam Mariano" Si Feynn.
"Hi. Nice meeting you." At inilahad niya sa akin ang kanyang kamay.
Nakipagkamay naman ako sa kanya. In fairness ha, my itsura ang lolo nyo. Pang artista ang feslak. Pero sa nakikita ko tahimik tong tao na to. Oh diba parang walang ka taste taste ang first meeting nila? Di katulad yan sa wattpad na nababasa niyo uy! Heheh. Parang may sariling mundo na binubuo yata ang isang to. Haist. Sayang ka kuya. Ahmmp. Bakit sayang Loone? May alam ka na ba sa kanya? Baka nga may girlfriend na yan kaya bakit nasabi mong sayang? Makapagtrabaho na nga lang. Baka mamaya makita pa ako ng boss at malintikan pa ako. Kabago bago ko magkarecord agad. Wag naman sana.
Matiwasay ko namang natapos ang trabaho ko. Nauna ng umuwi si Brisk. Samantalang sabay sabay naman kaming tatlo nina Feynn at Maurk na umuwi. Nagmomotor silang dalawa samantalang ako nilalakad lang, walking distance lang naman ang inuupahan ko kaya walang problema.
Matuling lumipas ang mga araw at kada dating ko sa aking tinutuluyan ay agad agad akong nakatulog dahil sa pagod.
"Loone gala tayo sa weekend. Nakakastress din ang magtrabaho eh. Unwind naman tayo. Nakasahod ka na naman diba?"
YOU ARE READING
The Quest of Miss Loone
General FictionHow do you react when everything doesn't go according to your plan? How does it feel when everything you sacrifice for, is in vain? How does it feel when hardships always choose you? How does it feel when love turn your world up side down? Do you wa...