Nakatulala lang ako sa monitor ng computer kinaumagahan. Hindi ko makakalimutan ang resulta ng usapan namin ni Brisk. Napaisip ako kung bakit ganoon nalang siya makapagsabi na iwasan ko si Bal. Parang hindi lang simpleng pambobolang sinasabi nito ang dahilan kung bakit pinapalayo niya ako rito.
Matuling lumipas ang mga araw at hindi kami nagpapansinan ni Brisk. Tahimik lang ang dalawang kaibigan namin pero ang mga tingin na ipinupukol sa akin ni Feynn ay punong puno ng pagtatanong. Inignora ko nalang iyon pero alam kong hindi magtatagal ay kakausapin na niya ako.
"Ate, gising ka pa ba?"
Isang gabi tumawag ang aking kapatid. Inaagaw na sana ng antok ang aking sistema pero dahil sa malakas na ring ng aking celphone at boses ng kapatid ko sa kabilang linya na parang kinakabahan ay biglang nagising ang aking diwa. Nakaramdam na rin ako ng kaba dahil alam kong may hindi magandang nangyayari sa kanila.
"Oo. Bakit?"
"Ate, ..... si papa.... may nagbabanta sa buhay niya. May kakilala na nagsumbong sa kanya. 100 thousand daw ang patong para sa ulo ni papa." Mangiyak ngiyak na sabi ng aking kapatid. Tinupok ng kaba ang buong sistema ko.
"Anooooo?? Kailan lang yan? At sino ang gustong magpapatay kay papa? Ano na bang nangyayari diyan sa inyo. Bakit humantong na sa ganito. May hindi ba kayo sinasabi sa akin?"
"Kahit ako ate hindi ko rin alam. Normal lang naman ang mga nangyayari dito. Pero ang alam ko may hindi sinasabi sina papa at mama sa atin. Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila kanina. At yun nga ang narinig ko. Ate natatakot ako para kay papa. Ayaw kong mangyari ang araw na mawala siya sa atin. " humihikbing sabi ng kapatid ko.
"Ano ka ba!! Pwede ba? walang mangyayari kay papa okay? Wag kang magisip ng ganyan. Matapang ang papa natin. Lalaban yan. Alam natin pareho na pagdating sa labanan walang makakatalo sa ama natin. Magtiwala tayong walang masamang mangyayari sa kanya."
"Sana nga ate. Ilang araw na kasi akong parang hindi mapakali. Kinakabahan na iwan.
Napalunok ako. Dahil ganoon din ang pakiramdam ko ng nagdaang mga araw. Pilit ko lang pinapasigla ang araw ko sa trabaho para hindi mahalata ang nararamdaman ko. Ilang gabi na din na hindi ako makatulog ng maayos sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Na bigla akong magigising isang umaga na si papa ang unang una na pumapasok sa isipan ko.
"Wag kang mag isip ng kong ano ano okay? Tatawag ako bukas at kakausapin ko si mama. Sa ngayon kasi wala akong load at marami pa akong trabaho bukas. Kailangan ko munang magpahinga ng maaga.
"Sige ate. Matutulog na rin kami. Good night po."
"Good night.
Ng maibaba ko na ang aking celphone ay napahiga ako. Nakatitig lang ako sa kisami at tulala. Parang nablangko bigla ang aking isipan. Natutuyo ang aking lalamunan at nabigla pa ako ng biglang tumulo ang aking luha sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Dali dali akong bumangon at kumuha ng tubig para uminom upang mapakalma ang aking sarili.
Napailing ako. Ipinilig ko ang aking ulo. Ayaw kong mag isip ng kung ano ano. Walang mangyayaring masama sa pamilya ko. Wala. Marami pa akong plano para sa kanila. Lalong lalo na kay papa. Naibigay niya sa amin ang buhay na matiwasay salat man sa pera pero masaya kaming nagsasamasama. Gusto ko pang maipalasap sa kanya ang kasaganahan ng buhay.
Pilit kong ipinipikit ang aking mga mata at sa katagalan ay nakatulog din ako. Ngunit ang panaginip na dumalaw sa akin ng gabing iyon ang lalong nagpapatindi ng pagalala ko sa aking pamilya sa paglipas ng mga araw.
Nakausap ko na si mama pero wala talaga siyang sinasabi sa akin. Kinonfirm niya lang na totoo ang sinabi sa akin ni Larnae pero hanggang doon nalang iyon. Alam kong may itinatago sila ayaw lang nilang sabihin sa akin dahil ayaw nilang magalala ako. Gusto nilang magfocus ako sa trabaho ko upang magkaroon daw ako nga magandang posisyon sa huli.
YOU ARE READING
The Quest of Miss Loone
General FictionHow do you react when everything doesn't go according to your plan? How does it feel when everything you sacrifice for, is in vain? How does it feel when hardships always choose you? How does it feel when love turn your world up side down? Do you wa...