Its been a tiring day for the last five days. The demand for coconut products is high in the international market kaya puspusan ang trabaho sa linya ng production. May target kami na kailangang habulin kaya parang walang pahinga ang limang araw namin.Para maibsan ang stress at fatigue na nararamdaman ko, nandito ako ngayon sa isang park at nagjojogging. At para na rin maramdaman ang kapayapaan dahil na rin sa tahimik ang paligid at sa lamig na dulot ng mga punongkahoy na nakapalibot sa park na ito.
Ang ginhawa sa pakiramdam ang dulot sa akin ng mga naglalakihang puno dito sa parke. After what I've been through this past few days pakiramdam ko drained na drained ako.
Ilang beses akong nilapitan ni Brisk pero umiiwas na ako. Ayaw ko na. Bakit pa diba? Hindi ako ipokrita para umastang okay lang ang lahat.
Napabuntong hininga ako dahil sa mga naisip ko. Ayaw ko ng isipin yon dahil masasaktan lang ako sa kinahihinatnan naming dalawa. Afterall I wasn't regreted the days that we were together instead I'm so thankful that I know him. That I befriend with him. But then, iba ng usapan yong feelings issues.
I'm not a martir. I can't give what he wanted after that night. Siguro its better nalang if we separate ways. Ayaw kong pahirapan ang sarili ko.
May nakita akong nagtitinda ng street foods kaya doon ako dumiretso upang bumili.
"Manong magkano po ito?"
"Tres pesos lang isa, Ganda."
"Pabili ngang tatlong piraso, Kuya."
Ng abutin ko na kay manong kuya ang binili ko ay dumulas ito sa aking kamay at natapon. Natigilan ako. Tama naman ang pagkakahawak ko ng abutin ko kay Kuyang tindero. Binundol ako ng kaba sa hindi ko maipaliwanag na dahilan kung bakit. Nabigla nalang ako ng tumunog bigla ang cellphone ko.
Dali dali ko itong sinagot ng makita ko kung sino ang tumatawag at nadagdagan ang kabang nararamdaman ko.
"Hello, Ma?"
"L-loone....."
"Ma? Bakit ka umiiyak?"
Lalong tumindi ang kaba ko ng umiiyak si mama sa kabilang linya.
"L-loone, wag kang mabibigla ha?"
"Bakit po? Ano bang nangyayari?" Napaiyak na rin ako ng lalong lumakas ang iyak ni mama sa kabilang linya.
"B-binaril ang papa mo, L-loone. Tinambangan siya sa daan habang pauwi ng bahay. At ngayon hindi na siya nakaligtas."
"A-ano??? Sinong bumaril sa kanya Ma? Sino???? At bakit nila ginawa yon?? Bakit??"
"Loone, kumalma ka. Umuwi ka muna dito. Walang tutulong sa Kuya mo sa pagasikaso sa Papa mo."
"S-sige Ma. Uuwi ako ngayon din. At sana sabihin niyo sa akin ang totoo kung bakit nangyayari ito."
"Sige na anak. Mag-ingat ka sa pag-uwi."
Ng maibaba ni mama ang telepono ay umiiyak akong bumalik ng boarding house. Ng makapasok na ako sa loob ay doon ko ibinuhos ang lahat ng galit ko sa pumatay sa ama ko.
Bakit ito nangyari? Bakit???? Bakit ang tatay ko pa?? Anong kasalanan niya!
Nagwala ako. Galit na galit ako kung sinuman ang gumawa niyan sa ama ko. Lungkot na lungkot ako dahil hindi ko alam kong makakaya namin ito.
Habang nagliligpit ako ng aking gamit ay bumubuhos ang masaganang luha sa aking mga mata. Parang ayaw ko pang tanggapin ang balita na galing kay mama.
Paano na kami ngayon? Makakaya ba naming pagaralin ang mga kapatid namin? Nasanay kami na andiyan lang palagi si papa sa tabi namin.
Pero ngayong wala na siya, ano na?
YOU ARE READING
The Quest of Miss Loone
General FictionHow do you react when everything doesn't go according to your plan? How does it feel when everything you sacrifice for, is in vain? How does it feel when hardships always choose you? How does it feel when love turn your world up side down? Do you wa...