Nandito na ako sa loob ng sasakyan ni Bal ng abutan na naman niya ako ng isang tangkay ng rosas.
"Hey! Rose na naman? Anong trip to Bal?" Natatawa kong sabi sa kanya.
"I'm just being romantic here, Madame. Please appreciate naman oh." Nahihiyang sabi nito at napakamot pa sa batok. "First time ko tong gawin sa isang babae kaya di ko alam kong okay ba o ano?"
Napapangiti talaga ako ni Bal sa mga gestures nito. Ang cute ng lalaking ito.
"Naappreciate ko naman. And thank you talaga Bal. First time din na may gumawa sa akin nito." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Really? I feel so lucky na ako ang unang gumawa ng bagay na ito sayo Madame. Si Brisk ba, hindi ba nagbibigay sayo ng bulaklak? Hindi ka ba niyayang kumain sa labas?"
"Lumalabas naman kami ni Brisk pero walang bulaklak. Kasi magkaibigan lang naman kami."
"So wala pala akong karibal?"
"Karibal ka diyan. Bakit nanliligaw ka ba sa akin?"
"Hindi pa ba malinaw sayo ang intention ko?" Seryoso niya akong nilingon pagkatapos niyang sabihin iyon sa akin.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi ko alam kong ano ang isasagot ko doon. Iisang tao lang ang gusto kong magsasabi sa akin niyon pero alam kong malayong mangyari yon.
How I wish it was Brisk. I'm the happiest girl on earth if he does. But reality slap me. Iba ang gusto niya na akala ko ay ako. It hurt so bad pero ano bang magagawa ko? Nalulungkot ako sa naisip lalo pa't magkasama silang dalawa ngayon ni Miss Sephanie.
"A penny for your thought?"
Naibalik ko sa huwisyo ang aking isipan ng biglang magsalita si Bal.
"Ha? Ah naiisip ko lang kasi ang pamilya ko. Pasensya ka na. Ang boring kong kasama." Napapahiyang sabi ko sa kanya.
"No. Its okay. Kumusta pala ang papa mo? Okay na ba siya?"
"Huh? Alam mo ang nangyari sa papa ko? "
"Ahmm.... naikuwento sa akin ni Gareen kaya alam ko."
"Ah. Oo. Okay na siya. Tinulungan kami ni Brisk kaya nakasurvive si papa. Kaya malaki talaga ang utang na loob ko sa kanya dahil siya ang dahilan kong bakit nasa amin pa si Papa hanggang ngayon."
"Yeah. Matulungin talaga si Brisk. Kahit noong mga bata pa kami ipinagtatanggol niya yung mga batang binubully ng mga kaklase namin."
Napalingon ako sa kanya ng sabihin niya iyon.
"So totoo ngang magkababata kayo?"
"Oo. Sinabi na ni Sephanie sayo yon di ba?"
"So sinabi niya rin sayo na nagkausap kami ganoon ba?" Pabalik kong tanong sa kanya. Nakangiti niya akong nilingon.
"Yes of course. Were friends afterall."
"So, anong dahilan ng di ninyo pagkakaintindihan ngayon nina Brisk?"
"Oh! Its a long story Madame. Aabutin tayo ng isang araw para diyan. And to tell you nandito na tayo." Masiglang sabi nito. Parang ang saya nito at nakaiwas sa mga tanong ko.
Bumaba na siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Ng makababa na ako isang tangkay ng rosas na naman ang sumalubong sa mukha ko. Napatawa ako sa gimik niya.
"Hey! Hanggang dito pa rin ba?" Nakatawa kong sabi.
"Yeah! At hindi pa yan diyan nagtatapos ang lahat. May karugtong pa yan Mademoiselle." Nakangiti niyang turan sa akin at inilahad ang siko sa akin. Iniangkla ko naman ang kamay ko rito at naglalakad na kami papasok sa isang restaurant.
YOU ARE READING
The Quest of Miss Loone
General FictionHow do you react when everything doesn't go according to your plan? How does it feel when everything you sacrifice for, is in vain? How does it feel when hardships always choose you? How does it feel when love turn your world up side down? Do you wa...