Eight

12 2 0
                                    

"Guys ganito ang tamang pagaabono ng niyog. Hindi yung basta basta nalang ninyong ilagay yan sa puno niya. Just measure one meter from the base of the plant and then gumawa kayo ng kanal paikot sa puno.

Then, doon sa kanal na ginawa ninyo ilagay ang abono at ibubud paikot. Every puno isang kilo na abono ang kailangan after that ibalik ninyo ang lupa mula sa paggawa niyo ng kanal kanina.

"Okay sir! Masusunod po. Gusto kasi nitong mga kasama ko kanina para madali daw matapos ang trabaho namin, ganito ang aming gagawin."

"Huwag masyadong magmadali na matapos ang trabaho. Kahit matagalan atleast maganda ang kalalabasan. At higit sa lahat yung unang ginawa niyo kanina ay nagsasayang lang tayo ng abono doon kasi hindi yon masyadong mautilize ng tanim. Mag eevaporized yong mga volatile substances na present sa abono which is needed ng tanim pa sana. Parang relasyon lang yan eh, kung tama ang pagaalaga siguradong magtatagal at yayabong ang samahan ninyo ni jowa. I am right?"

Pagkatapos niyon lumingon siya sa akin. Inabala ko naman ang aking sarili at umasta na parang walang pakialam sa sinabi niya. Ang mga tingin niya sa akin ay puno ng kahulugan. Hindi ko naman yon pinansin.

Pero actually, nakikinig talaga ako sa konting lecture ni Brisk sa mga bago naming tauhan. Siya lang mag-isa ang nag iinstruct doon kasi ayaw niya naman akong palalakarin pa. Pinaupo niya nalang ako sa isa sa mga upuan dito sa kamalig.

Hindi ko alam kung matatawa o ano. Naghuhugot kasi ang isang Brisk Mariano. Hahah. Langya ka naman Brisk! Ng di kalaunan, napatingin siya ulit sa akin. Dali dali ko namang ibinaling sa ibang parte ng niyugan ang aking paningin na may sinusupil na ngiti sa aking mga labi. Mamaya asarin ko ito pagnakauwi na kami. Hmmmnn. Parang may pinaghuhugutan ang isang to ah.

Pagkatapos namin doon pumunta naman kami sa stockan ng mga bagong harvest na niyog. Doon dinadala ang harvested coconut galing sa farm at tinatransfer iyon ng mga truck papunta sa planta. Kina classify muna iyon bago itransfer dahil nakadepende sa stages ng bunga ng niyog kung good for virgin coconut oil processing ba siya or for coconut oil production.

Yong para sa coconut oil hindi na tinatransfer kasi nasa gitna ng farm ang planta ng oil namin while yung iba andun na lahat sa compound kung saan makikita ang opisina namin.

Sunod naming pinuntahan ang oil processing plant.

"Okay ka lang ba Loone? Sabi ng ako
nalang ang magkoconduct ng inspection eh. Baka mapano yang sugat mo."

"Wag ka ng magalala Brisk. Okay lang ako. Sige ka. Iisipin kong concern ka talaga sa akin.

"Concern naman talaga ako sayo ah. Hindi mo ba nararamdaman yon?"
At tinitigan niya ako sa mga mata. Yung titig na parang tagos sa kaluluwa. Ganun. At nakaramdam ako ng pagkailang kaya naibaba ko ang aking paningin.

Napakislot nalang ako ng hawakan
niya ako sa aking mga balikat.

"Loone, I cared so much for you. Sagot kita dahil magkasama tayong pumunta dito. At ayaw kong may masamang mangyayari sayo habang ako ang kasama mo. Ano nalang sasabihin sa akin nina Tito. Na pinabayaan ko ang anak nila. Ayaw kong magkaroon sila ng negative na impression sa akin.

"At bakit naman?"

"Basta."

"Anong basta? May dahilan yan."

"Edi alamin mo ang dahilan!" Ngising aso na sabi nito. Napaikot nalang ako ng aking mga mata at paika ikang nagpatiuna na sa paglalakad.

Naku Brisk! Wag mo akong bigyan ng mga dahilan para magassume na may gusto ka sa akin. Naranasan ko ng maging assumera dati pa. At ayaw kong mauulit iyon.

The Quest of Miss LooneWhere stories live. Discover now