Pagod na pagod akong napaupo sa aking kama pagkarating ko sa aking tinutuluyan. Para akong lantang gulay dahil sa mga pangyayari.
Bakit ka pa bumalik?
Yan ang sinisigaw ng isip ko. Marami na akong problema para dagdagan pa ng bwesit na pag-ibig na'to.
Hindi na nga magkandauga sa problemang dala ko dumagdag pa ito.
Nabigla nalang ako ng biglang may tumulong luha sa aking mga mata. At kahit anong gawin ko hindi ito matigil. Kahit anong gawin ko isa lang ang ibig sabihin nito. I'm still into him. I still love him. Ramdam ko ang sakit. Sobrang sakit dahil sa panunumbalik ng mga pangyayari ng mga nakaraang buwan.
Why do people suddenly vanished and going back again like nothing happened? Why do people cared too much to other people and end up hurting them?
Iniyak ko nalang ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sinisisi ko ang sarili ko dahil naging kampante ako sa kanya at nagtiwala ng lubos. Sinisisi ko ang sarili ko dahil hinayaan kong mahulog ang loob ko sa kanya. Mali ako dahil sumubra ako sa boundary ng friendship na sana hanggang doon lang.
Pero hindi ko nga namalayan eh. Masisisi ko ba ang sarili ko nito? Kung sana nag inform manlang si feelings sa akin na 'hoy nahulog ka na sa kanya' edi okay sana. Napigilan ko ng mas maaga. Pero late na eh. Lubog na lubog na ako. Okay lang din sana kong walang epal. Pero wala eh. Sabi nga nila sa mundo ng pag-ibig may isang nagmamahalan, nagmamahal at hindi minamahal. At kong nagmamahalan man hindi maiwasan ang isang pangit na epal.
Napahinto ako sa pageemote ng biglang mag ring ang aking celphone. Si Feynn ang tumatawag.
"Oh?"
"Wow! Ang bait mo talagang friend. Pagkatapos mo akong iwanan bigla kanina tapos ngayon oh? lang ang pambungad mo sa akin?
"Hellooooo Feynnnnnn!!! Good evening! How's my beautiful friend? Naligaw ka ba? Saan ka? Magpatawag ako ng rescue team operation para puntahan ka."
Napahagikhik ito sa kabilang linya na akala mo nagbitae ako ng nakatatawang joke.
"Ang sweet ng friend ko! Oh sige. Forgive na kita. You know what? Nagdiner kami ng sabay kanina ni Brisk. Nilibre niya ako. Tatlo sana tayo kaso nang-iwan ka."
Shit! Kakatapos ko lang siyang isipin ito na naman! Lord! Parusa ba to sa akin? Kada dinig ko ng pangalan niya nangangasim sikmura ko oh! Naghuhumiyaw na sabi ng isip ko.
"Ah. Okay lang yan. Madami kasi akong labahan kaya nauna na ako."
"Ang kj mo talaga. O sadyang iniiwasan mo lang si Brisk?"
"Bakit ko naman siya iiwasan?"
Tumikhim muna ito bago nagsalita. "Well, my instinct told me na there is something between the two of you kaso simula nung naging okay sila ni Ms. Sephanie parang umiba ang lahat. But set aside na natin yan. He's asking Loone kung kumusta ka."
"Anong sabi mo?"
"Sabi ko okay ka naman. Tumatayo pa rin."
"Bakit pa siya tanong ng tanong sayo eh hindi ba niya nakikitang okay ako? My god! Hindi ako nalumpo o ano."
Matagal kaming nag-usap ni Feynn at tumagal ng iyon ng ilang oras. Parang gusto ko na ngang putulin ang tawag niya dahil naririndi ako sa kakaBrisk niya pero baka may mahalata na naman iyon at mangusisa na naman.
Pagkatapos naming magusap naghanda ako ng aking hapunan at pagkatapos ay naghahanda na rin akong matulog ngunit may bigla akong naalala. Yung mga nakuha kong impormasyon sa loob ng opisina ni Sir Gareen. Tiningnan ko ito sa aking celphone. At tinry na search sa internet ang black lions. Iba ang lumalabas. Literal na black lions. Kaya nag stop na rin ako.
Napaisip ako ng malalim ng sandaling iyon. Paano ko ito iimbistigahan gayong hamak na empleyado lamang ako. Paano ako makakalap ng maraming impormasyon gayong salat na salat ako sa resources. Kung sarili ko lang ang aasahan ko alam kong limited lang ang makukuha ko. At alam kong hindi basta basta ang organisasyong ito.
Madaling araw na akong nakatulog sa pagiisip ng plano at sa kasamaang palad nakatulugan ko nalang ang mga iyon ng walang planong nabubuo. Sumasakit na ang ulo ko kagabi sa kakaisip pero walang pumapasok na ideya sa utak ko. Kaya ito ngayon, ang bigat bigat ng ulo ko at para akong zombie.
"Loone! Good morning!!" Patakbo akong niyakap ni Feynn ng magkita kami sa labas ng building. Himala at ang aga nitong pumasok.
"Ang aga mo yata ngayon? Anong nakain mo?" Taas kilay kong tanong sa kanya.
"Ito naman. Hindi na ba pwedeng pumasok ng maaga ngayon?" Taas kilay din niyang sagot sa akin.
"Hindi naman." Yun lang at tinalikuran ko na siya upang pumasok na sa loob.
Ng dumating ako sa aking mesa bigla akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan. Kaya naman dali dali akong pumunta ng CR.
Ng matapos ko ng mailabas ang lahat ay nakahinga ako ng maluwag at ng lumabas ako ng CR ay napatigil ako.
"Dad! Wag na wag mo siyang galawin. Dahil oras na may mangyaring masama sa kanya, siguraduhin kong mawawalan ka ng nag-iisang anak."
Napakunot ang noo ko ng mabosesan ko ang lalaking nagsasalita sa loob ng CR ng mga lalaki.
"No, Dad! You can't fire her! Loone is the only one who supported her family. Please! Have conscience Dad!"
Bumundol ang malakas na kaba sa dibdib ko ng oras na iyon. Kaya nagpatuloy ako sa pakikinig.
"Dad I already know everything! At alam kong kayo rin. Wala kayong ginawa para sa kaibigan niyo, Haring Leon!"
Nabigla ako sa narinig. Ng tumahimik na ng ilang segundo sa loob dali dali na akong umalis at bumalik sa mesa ko.
Natulala ako.
It couldn't be?!! God! What should I do? Haring Leon or Alyas Leon is Brisk's father! My father's friend. The king of Black Lions organization. Ang taong hinahanap ko. Ang taong sagot sa lahat ng katanungan ko. At ang taong dahilan ng pagkamatay ng ama ko. At ngayon parang pinupuntirya niya naman ako. How dare you Leon! Nagngingitngit ang kalooban ko sa mga nalaman sa araw na ito. Ikaw ba mismo ang pumatay sa ama ko? Pagbabayaran mo lahat ng ito.
"Loone, good morning!" Nakangiting bati ni Brisk sa akin.
"Oh. Hi!" Pilit ang ngiting bati ko din sa kanya.
"Kumusta ka na?" Umupo ito sa upuan sa harap ng table ko.
"Ayos naman." Maikli kong sagot.
"Brisk, come to my office."
Nabigla pa ako ng biglang magsalita si Sir Gareen sa bandang likuran namin. Napatingin ako kay Sir at bumati. Pero hindi niya ako sinagot. Matiim lang niya akong tiningnan at binaling kay Brisk ang tingin.
"In my office." At tumalikod na siya. Si Brisk naman ay tumayo na at tumingin sa kanya.
"Pupunta ako mamaya sa dorm mo. Doon ako maghahapunan."
Magrereklamo pa sana ako pero tumalikod na siya.
Hindi ko kayang makipagusap sa kanya ng matagal dahil sa natuklasan.
Napabuntung hininga ako at napaisip. Pwede ko siyang magamit para malaman ko kung saan ang headquarters ng grupo ng Black Lions. At ito na ang pagkakataon para mabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng aking ama. Kailangan ko ulit makipaglapit kay Brisk. Kalimutan ko muna ang aking pansariling issue at pagtuunan ng pansin ang aking pangunahing layunin.
*******************
Hi! Im back dahil sa one month home quarantine, natingga lang ako dito sa place ko. Kaya nakapag update na rin.haist! Sana you like it guys.!😘😘😘
Love love love
YOU ARE READING
The Quest of Miss Loone
Ficción GeneralHow do you react when everything doesn't go according to your plan? How does it feel when everything you sacrifice for, is in vain? How does it feel when hardships always choose you? How does it feel when love turn your world up side down? Do you wa...