Kunot noo akong lumingon sa nagsalita. Napaisip ako kung bakit sa ganitong oras nandito pa si Brisk. Parang hinihintay talaga ang pagdating ko.Nakasandal ito sa pader ng tinutuluyan ko habang ang dalawang kamay ay nakalagay sa bulsa ng pantalon nito.
"Anong ginagawa mo dito sa dis oras ng gabi?"
Lumapit ito sa akin at tiningnan lamang ako.
"Brisk narinig mo ba ako? Tinatanong kita."
"Bakit ka nakipagdate sa kanya?"
"Bakit hindi?"
"Sumama ka ba dahil sa pabulaklak niya? Kinikilig ka sa pahalik halik niya? Yan lang pala ang hanap mo eh."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagiinit ang tainga ko at parang gustong gusto ko na siyang bigyan ng mag-asawang sampal pero pinigilan ko ang sarili ko. Pero naisip ko na nagseselos siguro ang mokong nato kaya palalampasin ko lang muna.
"Ano bang pinagpuputok ng butse mo Brisk." Galit galitan na sabi ko sa kanya. "Sumama ako dahil kaibigan ko si Bal. Hindi dahil sa mga binibigay niya o ginawa niya. At ano bang pakialam mo kong sumama man ako sa kanya ha? Boyfriend ba kita? Sabihin mo nga sa akin Brisk, ano ba ako sayo? Ano ba tayo?"
"Magkaibigan tayo Loone. Ayaw ko lang na darating ang araw na masasaktan ka. Hindi mo pa kilala ng lubusan ang lalaking iyon." Mahinahon nitong sabi.
Natigilan ako sa narinig ko. All this time... Kaibigan? Para akong nakalunok ng maraming asin. Maalat sa sikmura. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na magalit. Samo't saring emosyon na ang namayani sa akin.
"Masasaktan? At sa tingin mo hindi na ako nasasaktan ngayon? Na ipinapakita mo sa akin na higit pa sa kaibigan ang tingin mo sa akin. Hindi mo man sasabihin pero iyon ang ipinaparamdam mo sa akin. Tapos ngayon kaibigan lang pala?"
"Loone, walang ibig sabihin iyong mga ipinapakita ko sayo. I care for you just like my other girl friends. I'm sorry kung nabigyan kita ng false hope based sa mga actions ko."
"Hah! Yeah! Fucking shit ng mga action na yan. Parepareho lang kayong mga lalaki. Mga paasa!
"Hey! Loone, hindi kita pinaasa. I show you on how much I care for you. Gusto kitang alalayan sa mga problemang kinakaharap mo. Diba sinabi ko na sayo na ako ang magiging sandalan mo? Ganoon ka kaimportante bilang kaibigan ko."
"Pwes! Hindi ko kailangan ng sandalan dahil kaya ko ang problema ko! Brisk gusto kita! Gustong gusto kita. Hindi mo ba nararamdaman yon pag magkasama tayo? Akala ko gusto mo rin ako dahil palagi kang nagalala sa akin. Na andiyan ka palagi sa tabi ko. Na anumang oras handa mo akong sagipin sa pagkakadapa ko at handa akong protektahan sa mga gustong manakit sa akin."
Parang tutulo ang luha ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Alam mo yung feeling na umaasa ka na magtatapat na sayo ang lalaking gusto mo dahil akala mo nagseselos na siya dahil sa pakikipagdate mo sa iba? Na ang akala mong paninita niya sayo ay may kaakibat na selos at handa ng umamin sayo.
Na akala mo lang pala ang lahat ng iyon because reality slapped you so hard. Para kang ginising sa isang mahabang panaginip.
"I'm so sorry Loone. Please. I'm so sorry for giving you false hope. Sana magkaibigan pa rin tayo. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin ng dahil lang dito."
"Baliw ka ba Brisk? After this? We're still friends? Anong akala mo sa akin martir? Hell no!"
"Loone, please! Ayaw kong magbago ang samahan natin sa isa't isa dahil lang sa may gusto ka sa akin."
"Iwan ko Brisk." Napabuntong hininga ako. "Gusto ko ng magpahinga. Umuwi ka na."
Tinalikuran ko na siya dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pagluha. Ang sakit sakit! All this time, he sees me as one of his girl (space) friends? Watta fuck??
YOU ARE READING
The Quest of Miss Loone
Ficción GeneralHow do you react when everything doesn't go according to your plan? How does it feel when everything you sacrifice for, is in vain? How does it feel when hardships always choose you? How does it feel when love turn your world up side down? Do you wa...