Nineteen

6 0 0
                                    


Pagkatapos mailibing ang aking ama ay balik sa normal ang buhay namin. Ako? Ito. Galit ang namumuo sa aking dibdib. Dahil wala pa rin kami o ako lang ba ang walang kamalay malay sa kung sinuman ang may gawa nito sa aking ama. Nanatiling tahimik sina mama at kuya at iyan ang isa sa ikinakasama ng loob ko. Parang may itinatago sila sa akin. Pero hindi ako titigil hangga't hindi ko malaman ang totoo.

"Loone, okay ka lang ba anak?"

Si mama. Kasalukuyan akong nakaupo sa bangko sa likod ng aming bahay.

"Pwede ko na bang malaman ang lahat lahat Ma?" Mahinang sabi ko.

"Siguro karapatan mo ng malaman ang lahat ng ito. Alam kong marami kang katanungan sa isip mo Loone."

"Napakarami Ma. Pero hindi ko na alam kung saan ako magsisimula sa pagtatanong."

Napabuntonghininga si Mama sa sinabi ko at nagumpisa na siyang magkwento.

"Ang papa mo ay miyembro ng isang organisasyong kahit kailan ay hindi ko alam ang pangalan dahil hindi binabanggit ng ama mo. Kahit ang Kuya mo ay hindi alam. Ayon sa Papa mo isa siya sa kanang kamay ng may pinakamataas na posisyon sa kanilang organisasyon. Isa siya sa pinagkakatiwalaan nito. Ngunit isang araw sa hindi sinasadyang pagkakataon narinig ng papa mo ang balak ng mga taong may maitim ang budhi sa taong hindi lang boss ang turing niya kundi isang kaibigan. Binantaan ang ama mo. Yun ang araw na nabaril siya. Warning iyon sa kanya. Pero matigas ang ulo ng Papa mo. Nagimbestiga pa ng palihim sa mga taong iyon. Kaya bilang ganti unti unti nilang pinahirapan ang ama mo. Siniraan nila ito sa loob ng kanilang organisasyon. pinagbibintangang nagnakaw ng pera at nagtraidor. At binigyan ng ultimatum ang buhay niya. Sa kasamaang palad ang isang taong inaasahan niyang hindi naniniwala sa paninirang iyon ang siyang unang taong namuhi sa kanya. Dinamdam ng ama mo yon Loone ngunit wala siyang magagawa. Kaya isang araw, ang araw na kinuhaan ng proteksyon sa sarili ang iyong ama ay yon din ang araw na tinambangan siya sa daan pauwi sa atin. Hindi na siya umabot ng bahay Loone. Tumawag lang siya nung nasa hideout pa siya nila. Ang saya pa naming naguusap. Yon na pala ang huling paguusap namin ng iyon ama Loone."

Napahagulhulhul si Mama. Naramdaman ko ang sakit na dinadamdam niya. Higit sa lahat siya ang mas apektado sa aming lahat.

"Alam mo ba Ma ang pangalan ng naging boss niya?" Mahinahon kong sabi.

"Alyas lang ang gamit nila Loone. Kaya wala akong pagkakilanlan sa mga pagkatao nila." Malungkot na sabi ni Mama.

"Anong alyas Ma?"

"Alyas 'Leon'. Yun ang alyas na binanggit ng Papa mo sa akin. Maliban doon wala na akong alam. Hindi ko rin alam kung nasaan ang hideout nila. Tanging sekreto ang organisasyong iyan Loone. Walang may nakakaalam. Tanging mga tao sa loob lang ang nakakaalam niyon. At kung may pagsabihan kang iba, bilang nalang ang oras mo sa mundo. Hindi lang ikaw kundi ang taong pinagsasabihan mo ng sekreto."

"Pero bakit ipinagpalit ng Alyas Leon na iyon ang samahan nila ni Papa sa isang iglap lang? Dahil ba maaapektuhan ang posisyon niya ganoon ba?" Nanggagalaiti kong sabi kay Mama.

"Hindi ko rin alam Loone. Wala na akong alam na iba." Mahinang sabi ni Mama.

"Hahanapin ko ang Alyas Leon na iyon Ma. At magbabayad siya. Alam kong may kinalaman siya sa lahat ng ito."

"Loone paano mo siya hahanapin? Hindi natin alam kong saan siya nakatira. Kahit ang sinasabing organisasyon ng iyong ama ay hindi natin alam kong saan matatagpuan. Para tayong sa gitna ng dilim na hindi maaninag ang tamang daan patungo gustong puntahan." Mahinahong sabi ni Mama.

"Mahahanap ko din siya Ma. Sa ngayon hindi ko pa alam kong paano ko uumpisahan. Pero hindi ako titigil hangga't hindi ko malaman ang lahat ng katotohanan sa likod ng lahat ng ito. Gusto kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking ama at uumpisahan ko iyon sa paghahanap sa Leon na iyon." Determinadong sabi ko.

"Kinakabahan ako sa iyo Loone. Delikado ang mga hakbang na naisip mo. Hindi mo kilala ang Leon na iyon at baka ikakapahamak mo lang ang gagawin mong ito. Marami siyang galamay Loone na hindi natin kilala. Baka nga andito pa sila sa ating paligid hindi lang natin alam. Isipin mong lahat ito. Wag mong hayaang galit ang mamumuo sa iyong puso Anak. May Diyos tayo."

"Diyos Ma? Sana kong totoo siya bakit niya hinayaan na mangyari yon kay Papa? Bakit ganito kaaga niya kinuha si Papa Ma!? Bakit hinayaan niya ang buhay ni Papa sa kamay ng mga mamamatay tao na iyon! Kaya kong tanggapin Ma kong nawala si Papa dahil sa isang malubhang karamdaman. Pero hindi eh. Binaboy nila ang Ama ko! At pagbabayarin ko sila!"

Tahimik lang na umiiyak si Mama habang hinihimas ang likod ko. Para akong mabaliw sa mga sandaling iyon. Hindi ko alam ang aking gagawin. Kahit anong isip ko hindi ko alam kung saan maguumpisa sa lahat ng mga nangyayari.

Kinaumagahan maaga pa akong gumising dahil kailangan ko ng bumalik sa trabaho. Mahirap mawalan ng trabaho ngayon lalo pa't wala na ang haligi ng aming tahanan. Walang trabaho si Kuya at kung magtrabaho man siya sino ang mangangalaga ng palayan at mga hayop namin. Kaya ako ang kailangang makipagsapalaran sa siyudad para may mapagkukunan kami ng panggastos sa pang araw-araw.

"Loooonneeee!!"

Nabigla ako ng bigla nalang tumakbo at lumambitin ai Feynn sa akin.

"Ano ba!! Ang bigat mo!" Nayayamot kong sabi.

"Aba! Nagrereklamo ka na! Anong klase kang kaibigan hah? Loone? Ha? Ha?" Nagdadramang sabi ni Feynn.

Tinalikuran ko siya at dumeretso sa aking table. Napakunot noo ako ng makita kong magulo ang table ko.

"Sinong lapastangan ang naghalukay ng table ko Feynn?" Galit na galit na saad ko.

"Hoy! Maghunos dili ka Loone. Naabutan ko lang naman si Sir Gareen na may hinahalungkat diyan sa table mo kanina. Kaso nung makita akong dumating umalis naman agad. Binati ko nga kaso sinusumpong yata at hindi ako pinansin." Nakangusong sabi ni Feynn.

Napakunot noo ako. Ano naman kaya ang hinahanap ni sir Gareen dito sa table ko.

"Sinabi ba kong anong hinahanap niya?" Tanong ko kay Feynn.

"Hindi nga ako pinansin Day diba?" Taas kilay na sagot nito.

Bigla akong napaisip. Pero iwinaksi ko iyon at sinimulan ng ligpitin ang mga nagkakalat na papel sa aking mesa. Tahimik ako buong maghapon kahit anong daldal ni Feynn. Wala akong ganang makipagusap kahit kanino. Maraming lumapit sa akin na katrabaho para makisimpatya sa nangyari sa pamilya ko. Lahat ng iyon tango lang ang naisasagot ko.

Habang sa daan naglalakad pauwi sa tinutuluyan ko ay parang wala ako sa sarili at muntik pa akong masagasaan. Doon ko napagtanto na malapit na pala ako sa aking tinutuluyan at konting konti nalang sa gitna na ako ng kalsada dumadaan.

Salamat sa busina ni kuya na napakalakas at bumalik ako sa aking katinuan. Matamlay akong pumasok sa gate at pumanhik ng hagdan. Ng buksan ko na ang pinto ng aking kwarto mas lalong tumuwid ang kulot kulot kong isip dahil sa sumalubong sa akin sa loob. Nagkakalat ang lahat ng aking gamit. Ang aking mga personal documents ay nakapatong na sa aking munting table at parang binasa lahat ang aking personal background. Bumundol ang kaba sa aking dibdib. Mula sa opisina hanggang sa tinutuluyan ko ito ba naman ang bubulaga sa akin? Parang sasakit bigla ang ulo ko sa mga pangyayari.

Sino ka? Anong kailangan mo sa akin? May kinalaman ba ito sa Ama ko?

Ito ang mga naisip ko sa ngayon. Imbis na mamayani ang kaba mas umusbong ang galit ko.

Hindi ko na pala kailangang magisip ng mga hakbang. Kusa na pala siyang lalapit sa akin. At ang kailangan ko nalang ay maghanda.





******************

Its long overdue guys! How are you? Sorry for a very tagal na update...!!😊😊😊😊 Busy lang kasi sa trabaho.

Love love love....
And Merry Christmas sa lahat.!

cutie_tigres

The Quest of Miss LooneWhere stories live. Discover now