Six

10 1 0
                                    

Ng lumabas kami ng ospital naroon na sina Brisk na naghihintay sa labas. Nakatayo sila sa isang gilid ng kotse na Ferrari 458 Italia.

Wow! Ferrari guys! Ferrari! Nakakahalaga lang naman yan ng mahigit 22 million pesos. At saan naman kumuha si Brisk ng ganito kamahal na sasakyan? May sugar mommy siguro siya. Charr lang! Heheh. At saan nga ba kumukuha ng pera ang isang to? Una nagpapautang siya sa amin ng pera, pangalawa ito? Misteryoso talaga ang bruhung to. Sino ka ba talaga Mr. Brisk Mariano? Malalaman ko rin kung sino ka.

Ako yata ang taong I'll do everything to find the secrets behind any objects. Pero hindi ko talaga maiwasang magtanong kay Feynn ng makalapit kami nina mama, papa at Lara Mae.

"Feynn kaninong sasakyan yan?"

"Si Brisk nalang tanungin mo."

"Kakahiya naman. Baka sabihin nun mausisa ako."

Tinulongan nila kaming ipasok sa sasakyan ang mga dala namin. Si mama at papa ang naunang pumasok sa loob kasunod niyon sina Maurk, Feynn at Lara Mae. Napatingin ako sa kaliwa ko ng hindi pa pumapasok si Brisk sa driver seat. Nagtaka naman ako sa kanya.

"Bakit hindi ka pa pumapasok?" Nagtataka kong tanong with matching kunot noo pa.

"Hinihintay kasi kitang pumasok."

"Ha? Wow! Gentleman tayo ameg ah."

"Hindi naman." Pahumble pa na sabi nito. "Nakita ko lang kasi na nagaalangan kang pumasok sa sasakyan. Wag kang mag alala pagpasok mo diyan makakalabas ka pa ng may hininga. Hindi naman nangangain ng tao ang kotseng yan. Hahahha.

"Aba't! Hoy Mr. Mariano, anong nagaalangan ang sinabi mo? Talagang  mahinhin lang talaga akong kumilos. And for your info hindi ako takot sa kotse mo kahit nangangain pa yan ng tao. Kailangan naming makauwi sa ngayon dahil wala na kaming pampamasahi. Ganoon yon!" Padabog akong pumasok sa loob at ang kamalas malasan pa nauntog pa ako sa ibabaw ng pintuan ng kotse. Ansaket ng ulo ko pakiramdam ko magkabukol pa ako. Kinamot kamot ko ito ng aking kamay dahil masakit at parang maiihi ako sa sobrang sakit. Nababadtrip ako dahil sa nangyari lalo pa't ng mapatingin ako sa side mirror may itinatagong ngiti si Brisk habang tinitingnan ako.

"Tsh.. " at inayos ko ang aking pagkakaupo.

"O, Loone, okay ka lang? Dahan dahan kasi. Ikaw na bata ka talaga."

"Ma, baka tinry lang ni Loone kung kaya ba niyang buhatin ang bubong ng kotse." Napatawa ang lahat sa sinabi ni papa.

Si papa yon. Oh diba? Okay na nga si papa. Bumalik na ang pagiging alaskador niya eh. Parang hindi na siya tinamaan ng bala at naoperahan.

Habang sa biyahe tahimik ang lahat. Walang nagsasalita. Alam niyo kung bakit? Tulog lang naman silang lahat maliban sa amin ni Brisk na pasulyap sulyap sa akin sa pamamagitan ng rearview mirror.

"Oh? Ano tinitingin tingin mo diyan?"

"Oh? Bakit parang galit ka? Hindi naman ikaw ang tinitingnan ko kundi sina tito at tita. "

"Huli ka na, mangatwiran ka pa. Kung maka Tito at Tita ka kina mama at papa parang totoong pamangkin ka ah."

"Loone yan ang gusto nilang itawag ko sa kanila. Siguro ang gusto mo mama at papa din itawag ko sa kanila noh? Sabihin mo lang at gagawin ko talaga." Napangisi pa si Brisk ng sabihin iyon.

"Hmp. Baliw! Matulog na nga!

"Hey wag mo naman akong tulugan. Baka mamaya aantukin ako habang nagdadrive. Matagal pa naman ang biyahe natin. Sige na magkwento ka naman."

"Ano namang ikukwento ko sayo? About sa tiktik, manananggal, aswang o mambabarang?"

"Alam mo wala ka talagang kwentang kausap minsan. Pilosopa."

The Quest of Miss LooneWhere stories live. Discover now