Twenty two

6 0 0
                                    

"Hmmn... ang sarap mo talagang magluto, Loone. Ahh! I missed this." Nakangiting sabi ni Brisk.

Kasalukuyan kaming naghahapunan dito sa aking tinutuluyan. Hindi ko akalain na totohanin niya ang sinabi na dito maghapunan. Kaya napabili tuloy ako sa palengke ng di oras ng magtext na papunta na siya dito.

"Are you sure? O baka binobola mo lang ako?" Taas kilay kong sagot.

"Of course not! Ikaw ang may pinakamasarap na luto after my Mom." Ng mabanggit niya ang salitang ina ay may dumaang lungkot sa mukha niya.

"Why?" Tanong ko.

"My Mom passed away when I was 15. Nabaril siya."

Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na magkwento ito sa akin. I didnt expect it. This is the first time na naglahad siya ng mga personal na bagay tungkol sa kanya.

"Sinong bumaril?"

"Ahm......" bigla siyang natigilan. "Gusto mo pa ng kanin? Hey! You should eat more. Ang payat payat mo na." Biglang sabi nito. Tumahimik nalang ako sa bigla niyang pag-iba ng usapan.

Tahimik kong tinanggap at kinain ang kaning inilagay niya sa aking plato. "Is it because of your father's enemies, Brisk?" Bulong ko sa aking isipan. Hindi ko isinatinig iyon dahil ayaw kong mangusisa sa buhay niya at baka mahalata pa ako.

"So saan ka nagpunta nitong mga nakaraang mga buwan?" Basag ko sa katahimikan.

"Well, pinauwi ako ng lola ko sa amin. Wala kasing mag aalaga sa kanya dahil nag-abroad ang pinsan kong nag-aalaga sa kanya sa bahay."

"Ah. Ngayong nandito ka sino nag-aalaga sa kanya?"

"Yung malayo naming kamag-anak. Mabuti nga at napakiusapan ko. Kailangan ko na ding magtrabaho at baka mapaalis ako ni Gareen. Ayaw ko namang etake advantage yung pagiging magkaibigan naming dalawa."

Sinungaling! Gusto ko sanang isigaw sa kanya pero pinigilan ko ang aking sarili. Hayaan ko muna siya ngayon dahil may kailangan pa ako sa kanya. Siya ang susi ko sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko at sa pamilya ko.

"Mabuti naman. Atleast hindi na nag-iisa ang Lola mo doon sa bahay niyo. Ang bait naman ng kamag-anak mong yon at napapayag mong bantayan muna ang Lola mo habang nagtatrabaho ka rito."

"Yeah. At laking pasasalamat ko at mayroon kaming kamag-anak na ganun. Wait! Bakit yun ang pinag-uusapan natin. Naparito ako upang kamustahin ka. After ng mga nangyayari, how are you Loone? Sina tita?"

"Okay naman kami. Kahit anong gawin namin hindi na namin maibabalik pa ang buhay ni papa. Life must go on daw." Napabuntung hininga ako. "Yun lang kung sino man ang pumatay sa kanya, sisiguraduhin kong may kalalagyan siya pagdating ng panahon. At sana may konsensiya pang natitira sa kanya." Pagkatapos kong sabihin iyon ay tinitigan ko siya ng diretso sa mga mata.

Bigla nalang siyang nagbaba ng paningin. Atnilang sandali'y hinawakan niya ang aking kamay.

"Kung anuman ang tumatakbo sa isipan mo Loone, sana pagisipan mong mabuti bago mo gawin. At sana wag mong ring kakalimutan na nandito ako para sayo handang tumulong anumang oras kung kinakailangan." Madamdaming wika nito.

"Handang tumulong? Sigurado ka Brisk?"sarkastikong sagot ko sa kanya.

Tinitigan niya muna ako ng mabuti bago binitawan ang aking kamay. "Its already 10, kailangan ko ng umuwi." Tumayo na ito at nag-ayos na ng gamit. "Mag-ingat ka Loone. At salamat sa masarap na hapunan. Sana sa susunod paglutuan mo ulit ako." Nakangiting wika nito.

Ngumiti na rin ako at sinabayan siyang maglakad hanggang sa labas ng gate.

"Sure. Mang-abiso kalang at ng makapaghanda naman ako. Di katulad kanina, papunta ka na at yun palang ang paginform mo sa akin na dito ka pala kakain."

"Nagsabi na ako sayo kanina ah."

"Akala ko kasi nagbibiro ka lang." Napalabi kong sagot.

Tumawa siya.

"Ang cute mo pa rin." At ginulo niya ang buhok ko.

"Ano ba! para naman akong bata diyan sa ginagawa mo." Mas lalong lumapad ang ngiti nito.

"Well,your my baby eh."

Bigla akong napatingin sa kanya.

"Aherm. Sige na uuwi na ako. See you tomorrow. Bye!" Kumaway pa ito bago tuluyang umalis.

"Bye bye!"

Habang inihahatid ko siya ng tanaw, may naramdaman akong kaluskos. Bigla akong nakaramdam ng kaba pero binalewala ko iyon at mas lalo pang pinakiramdaman ang paligid. Ng mapatingin ako sa bandang kanan ko ay may nakita akong tao at sigurado akong sa akin siya nakatingin. Hindi ko makita ang mukha dahil madilim sa bandang iyon at maliban doon balot na balot ng itim na kasuutan ang taong iyon. Bigla akong napakurap ng mabilis ng unti unti siyang lumalapit sa akin. Ng may tatlong dipa na lamang ang agwat niya sa akin bigla siyang tumigil at biglang may hinugot at itinutok iyon sa akin.

Baril..! Naghuhumiyaw ang isip kong sumigaw ng sumigaw pero hindi ko magawa. Nanginig ako sa kaba pero pilit kong pinatapang ang sarili ko.

"Anong kailangan mo?" Matapang kong sabi kahit na pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa nerbiyos.

"Kung ako sayo tigilan mo na ang mga plano mo. Dahil baka ikaw ang susunod sa ama mo."

Natulala ako at hindi makakilos. Sa isang kisap mata nawala na ito bigla sa aking paningin.

Dali dali akong pumasok sa aking kwarto at bigla nalang akong napaupo sa sahig. Abot langit ang kaba ko. Nanginginig ang mga tuhod ko. Sino ka? Bulong ko sa aking isipan. Hindi pa ako nangangalahati sa pagiimbestiga ko't heto at marami ng nagsusulputan sa harapan ko. Hindi pala madali itong gusto kong gawin. Pero alang alang sa namayapa kong ama gagawin ko ang lahat para sa hustisya. Dahil ito lang ang makapagpatahimik sa akin at sa pamilya ko. At deserve naming makamit iyon. Iyong hustisya na alam kong magiging mitsa ng buhay ko.

Ng maisaayos ko na ang aking sarili ay naghugas muna ako ng platong pinagkainan namin ni Brisk kanina. Pagkatapos niyon ay naghanda na ako para matulog.

Biling baliktad ako sa aking higaan dahil hindi ako makatulog dulot ng nangyari. Alam kong mapapasubo ako sa isang labanan at kailangan kong ihanda ang aking sarili. Naguumpisa na silang takutin ako. Pero hindi ako magpapatinag. Alam na siguro nilang nagiimbistiga ako. Kailangan kong maghanda. Lingid sa kaalaman ng lahat pati pamilya ko marunong akong makipaglaban dahil na rin tinuruan ako ng aking ama ng ito'y nabubuhay pa. Tinuruan niya akong makipag-away sa gitna ng gubat. Paggamit ng baril at pag-assemble nito. Kailangan ko ulit sanayin ang sarili ko dahil matagal na iyon. Kailangan ko sigurong umuwi muna this weekend para pumunta sa lugar kong saan pwede akong magensayo. Dahil hindi dito pwede. Ayaw kong malaman ng kalaban ang kaya kong gawin. Kailangan kong ipamukha sa kanila na mahina ako at walang alam sa labanan.

"Loone,pinapatawag ka ni Sir Gareen." Napaangat ako ng aking paningin ng marinig ko ang boses ng isa sa mga staff namin.

"Bakit daw?"napakunot ang noo ko dahil hindi pa ito ang oras ng pasahan ng reports sa operations.

"Hindi ko po alam. Puntahan niyo nalang Miss Loone ngayon at baka mas lalong magalit si Sir. Hindi maganda ang araw niya simula pa kaninang umaga eh."

"Eh?? Sige sige. Puntahan ko na. Mauna ka nalang. CR pa ako."

Ng tumalikod ang staff namin napaisip ako. Bakit kaya ako pinatawag ngayon? Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla. Bigla ko nalang naalala ang usapan ni Brisk at ng Papa nito ng aksidenteng marinig ko siya doon sa may bandang CR. Hindi kaya....? Ayaw kong isipin ang biglang pumasok sa isp ko. Sana lang hindi aabot sa puntong mawalan ako ng trabaho. Hindi pa ako handa sa ngayon. Masisira ang plano ko once na umalis ako sa lugar na ito.

Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili ay tumayo na ako at naglakad papuntang opisina ng Boss ko. Kung anuman ang paguusapan namin, sana maging positibo lang ang kalalabasan nito. Isang malaking sana ang ipinapanalangin ko.

**********************?

Hello!

Madali nalang matapos 'to sana subaybayan niyo hanggang dulo.🥰

- cutie_tigres

The Quest of Miss LooneWhere stories live. Discover now