Isang umaga nadatnan ko si Miss Sephanie sa table ni Brisk.
Nagsalubong ang mga kilay ko sa nakita. I know I have no right to feel anything including jealousy but I can't help it. Magkaharap silang dalawa. Maraming sinasabi si Miss Sephanie but Brisk looks like he don't care anything of what she said.
Tahimik akong dumaan sa likod ni Miss Sephanie. Wala naman kasing ibang dadaanan papunta sa table ko.
"Brisk kailan ka ba babalik sa inyo?"
Tanong ni Miss Sephanie.
Huwaat??? Babalik? Saan babalik si Brisk? Saan ba ang 'kanila' na sinasabi ni Miss Sephanie?
"Sephanie, busy ako pasensya na kung pwede sana umalis ka na. Kapwa tayo nasa oras ng trabaho."
"Brisk, I'm so sorry okay. Sana naman napatawad mo na ako at maging magkaibigan ulit tayo."
"Please. Just leave."
Walang nagawa si Miss Sephanie kundi umalis dahil sa ipinapakitang coldness ni Brisk sa kanya.
Gusto ko man siyang lapitan ng umalis ang isang Boss namin ay nagalinlangan ako dahil nararamdaman kong hindi ito ang tamang oras para mang-usisa.
Itinuon ko nalang ang pansin ko sa trabaho at mabilis na namang lumipas ang maghapon.
Nagliligpit na ako ng mga gamit ko ng lumapit sa akin si Sir Bal. Nabigla ako dahil doon.
"S-sir good afternoon po."
"Uuwi ka na ba Loone?"
"Loone tara ihatid na kita." Biglang singit ni Brisk sa amin. Kinuha na niya ang bag ko at bigla nalang akong hinila. Nilingon ko si Sir Bal at humingi ng pasensya. Tinanguan lang niya ako at tumalikod na rin siya.
"Brisk! Bitawan mo nga ako!" Pumipiglas ako sa hawak niya dahil ang bilis ng paglalakad nito at madadapa na talaga ako kung hindi pa siya hihinto.
Ng makalabas kami ng building ay sinigawan ko na siya.
"Ano bang problema mo ha! Nakita mo namang kinakausap pa ako ng Boss natin bigla bigla ka nalang nanghihila. Muntik pa akong madapa."
"Diba sinabihan na kita dati na layuan mo siya? Dahil hindi maganda ang hangarin niya sayo Loone. Maniwala ka sa akin. Please!"
"Bakit ba Brisk? Sabihin mo sa akin ang totoo. Ano bang mayroon sa inyo ni Bal at Sephanie? Bakit mo ako pinapalayo kay Bal at lapit naman ng lapit sayo si Sephanie? Ha? Kailan lang ang babaeng yan dito pero kung umasta siya parang matagal na kayong magkakilala." Napatitig sa akin si Brisk. Maya maya ay nagsalita ito.
"Are you jealous?" Unti unting napapangiti si Brisk. At lalo pang lumapit sa akin. Uhuh?
"E-eerrrhh.. no. I'm not jealous. Im just asking." Nauutal kong sabi. Hindi ako makatingin sa kanya.
"Say that your jealous Cute. Please." Malambing na bulong nito sa tainga ko.
Itinulak ko siya at dali daling tumalikod dahil nag-iinit ang mukha ko sa hiya. Ayaw kong umamin na nagseselos ako dahil walang kami officially. Kahit MU kami ayaw kong totally na ipakita sa kanya ang nararamdaman ko.
Humabol nalang siya sa akin at umakbay. Hilig na niyang gawin iyon sa akin kaya hinahayaan ko na siya. Tahimik kaming dalawa hanggang makarating sa tinutuluyan ko.
"Cute gawin mo ang sinasabi ko ha. Para rin sayo yon."
At tumalikod na siya. Lumalim talaga ang kunot ng noo ko dahil ayaw niya talagang tigilan yang pagpalayo niya sa akin kay Bal. Bakit? May dala bang panganib si Bal? Ang bait kaya ng Boss namin. Praning yan lang si Brisk. O di kaya.?? Nagseselos? Hmmm..Napahagikhik ako sa naisip. Assuming Loone? Dagling nawala yong kilig na nararamdaman ko ng sumabat ang kontrabida kong isip.
YOU ARE READING
The Quest of Miss Loone
Fiksi UmumHow do you react when everything doesn't go according to your plan? How does it feel when everything you sacrifice for, is in vain? How does it feel when hardships always choose you? How does it feel when love turn your world up side down? Do you wa...