Oh my! Oh my! Kalamay!( it means sugar yun😁)Parang ayaw ko ng pumasok sa opisina. Naalala ko lahat ng kagagahan ko. Ano nalang ang mukhan ihaharap ko kay Brisk nito. Ahuhuh. Ayan kasi eh! Pahamak talaga ang alcohol na iyan. Sana hindi ko nalang naalala lahat eh. Eh kung magpanggap nalang kaya ako na walang maalala? Hmmmmnn. Pwede! Pwede. Ang galing mo talaga Loone.
Sadya yatang nakikiayon sa akin ang panahon kasi absent si Brisk. Hindi naman alam nina Feynn kung saan nagpunta. Hindi naman daw macontact ni Maurk at hindi nila alam kung saan ang posibleng pupuntahan nito. Hindi naman nila alam kung may mga magulang pa ito basta ang alam nila ay nag iisa itong naninirahan sa inuupahang apartment nito.
"Uy Loone! Ikaw ha! Parang may itinatago ka yata sa amin?"
"Oo nga Feynn. Makayakap wagas eh. Hahahhahah. Anong feeling natin habang kayakap si Mr. Brisk Mariano?
"Heh! Tumigil ka nga Maurk. Wala akong alam sa sinasabi mo."
"Pero Loone, hindi mo ba nahahalata ang palihim na sulyap sayo ni Brisk?"
"Palihim na sulyap? At kailan naman yon Feynn?"
" Naku! Ang manhid mo naman!"
"Eh kasi nga baka napapasulyap lang yong tao at kung ano na ang mga pumapasok sa isip ninyong dalawa."
"Eh paano nga kung ligawan ka ni Brisk?"
"Hayyy naku! Ayaw ko! Ayaw kong magboyfriend! Ayaw ko ng lalaki! Gusto ko ng pera guys! Pera!! Hehehhe."
"Timang!"
Lumipas ang nakakapagod na maghapon ng matiwasay. Ng dumating ako sa aking tinutuluyan ay latang lata ang pakiramdam ko.
Maya't maya ay nag ring ang celphone ko. Tumatawag pala ang mga tao sa bahay."Hello Ma!"
"Loonee,.. " humihikbi si mama.
"Anong nangyari ma?"
Kinakabahan ako. Ang tindi ng kabang nararamdaman ko ngayon.
"Si papa mo, nabaril kanina."
"Anooooooo??? Ma, okay lang ba si papa? May nangyari ba sa kanya? Sino ang gumawa sa kanya niyan ma? Sino?"
"Dinala si papa mo sa hospital. Kung pwede pumunta ka doon sa Iloilo Memorial Hospital doon siya dinala. Ikaw na muna magbantay sa kanya. Aasikasuhin pa namin ang mga hayop natin dito at hindi ko agad agad maiwanan ang mga kapatid mo."
"Sige ma. Pupunta na ako doon ngayon."
Nanginginig ang kalamnan ko sa galit. Galit sa taong gumawa nito kay papa. Ang bait ng papa ko para ganituhin nila. Siguraduhin lang nila na walang mangyayaring masama sa ama ko dahil hindi nila magugustuhan ang maaaring mangyari. Nag-alala ako sa ama ko pagod yon maghapon sa bukid sigurado ako. Tapos ito pa ang mangyayari. Udi putah!!
Habang bumibiyahi ako panay ang tulo ng luha ko. Wala akong pakialam habang pinagtitinginan ng ibang pasahero. Wala akong pakialam.
Ng makarating ako sa hospital, nakita ko ang nakahigang ama ko na may mga putik pa sa tuhod. May benda ang bandang baywang at sa bandang braso niya. Napaiyak ako sa sitwasyon ng ama ko. Hinaplos ko ang noo nito at hinalikan. Tinititigan ko siya at unti unting bumubuo ang kakaibang galit sa puso ko. Sana lang gagaling ang ama ko dahil kung hindi ay isasangla ko ang kaluluwa ko sa impyerno.
Kinaumagahan dumating si mama at ang kapatid kong si Lara Mae.
"Loonee, baka pwede kang mag advance sa opisina nyo. Wala kasi tayong kapera pera ngayon. Kababayad lang ng mga kapatid mo sa school nila kaya wala talagang natira sa atin."
Lumuluha na si mama.
"Wag kang magalala ma, hahanap ako ng paraan. Baka mapakiusapan ko si boss na mag advance ako."
"Oo anak. Pasensya na salat tayo sa pera. Ikaw lang ang maasahan ko sa ngayon."
Lumabas ako ng kwarto ng aking ama. Kailangan namin ngayon ang malaking halaga para sa operasyon ni papa. Hindi pa kasi nakuha ang bala sa bandang gilid niya. At kailangan na yon sa lalong madaling panahon.
Pumunta ako ng aming opisina at kinausap ang boss ko. Pero sa kasamaang palad ayaw akong pagbigyan ng Boss ko sa aking hinihiling. Nanlulumo ako. Napaupo nalang ako sa mesang nasa cafeteria ng dumating sina Feynn at Maurk kasama si Brisk.
"Uy Loone, anong nagyari sayo? Ba't ka umiiyak?"
"Feynn nasa ospital kasi si papa ngayon. Nabaril siya. Kailangang operahan."
"Sinong bumaril? At kailan pa?"
"Noong isang araw pa Maurk. Malaking halaga ang hinihingi para sa operasyon niya at wala kaming pera para doon. Nakikiusap sana ako kay Boss na mag advance pero di siya pumayag. Bago lang daw kasi akong empleyado kaya hindi pwede.
"Magkano ba kailangan sa operasyon?"
Tanong ni Brisk na kanina pa nakikinig. Napatingin ako sa kanya at napaiyak ulit.
"Fifty thousand pesos."
"Okay. Tumahan ka na. Wag ka ng umiyak diyan. Ako ng bahala. Saan bang hospital si papa mo?"
Matagal akong napatingin kay Brisk. Napatigil ang luha ko at napaisip. Saan ba kukuha ng pera ang isang to? Pero iwinaksi ko iyon sa aking isipan ang importante may mapagkukunan na ako ng perang pampaopera sa tatay ko.
"Sigurado ka Brisk? Sa iloilo Memorial Hospital si papa."
"Sasabihin ko ba sayo yon kung hindi ako sigurado?"
"O ayan may sagot na sa problema mo Loone, wag ka ng umiyak. Nandito lang kami para sayo."
Hinaplos haplos ni Feynn ang buhok ko. Pakiramdam ko mayroong nadagdag sa pamilya ko sa katauhan nilang tatlo. Napatayo ako at hinawakan ang kamay ni Brisk.
"Salamat talaga Brisk. Malaking tulong yon para sa amin. Wag kang magalala babayaran ka namin paunti unti. Salamat. Salamat."
Naudlot ang pagpatak ng luha ko ng bigla akong yakapin ni Brisk. Hindi ko inaasahan yon.
"Wag mo munang isipin yon. Importante maumpisahan na ang operasyon ng papa mo. Andito lang ako. Palaging nasa likod mo kung kailangan mo ng tulong ha. Wag kang mahiyang magsabi sa akin."
Ninamnam ko ang haplos ni Brisk sa buhok ko. Nung oras na ginawa niya yon napakalma niya ang kalooban ko. May kung anong haplos sa sistema ko ang sinabi niya at nagdulot iyon ng munting saya sa puso ko. Pakiramdam ko hindi na ako nagiisa sa problemang ito. Napakaswerte ko dahil nakilala ko siya at sa maikling panahong magkakilala kaming apat naramdaman ko na totoong kaibigan sila. Na handa nila akong sagipin sa oras ng kagipitang kinasasangkutan ko.
I'm not lucky enough to be born having a golden spoon in my mouth but lucky enough to have friends that is equivalent to gold itself.
Ng araw ding iyon si Brisk na ang nagaasikaso ng lahat at ng oras ding iyon mismo inumpisahan ang operasyon ng papa ko. Hindi matigil tigil ang pasasalamat ni mama kay Brisk. Dahil sa kanya nasagip ang buhay ni papa at natulungan kami sa problemang kinakaharap namin.
******************
YOU ARE READING
The Quest of Miss Loone
General FictionHow do you react when everything doesn't go according to your plan? How does it feel when everything you sacrifice for, is in vain? How does it feel when hardships always choose you? How does it feel when love turn your world up side down? Do you wa...