Tweenty

8 0 0
                                    

Alas dose na ng gabi pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Maraming bagay ang gumugulo sa aking isipan at hindi ko alam kung paano pagsunud sunurin lahat.

"Who are you?" Ito lang ang paulit ulit na bumabalik sa aking isip. Ngunit may biglang ideyang pumasok sa aking isipan.

Kinaumagahan, mas maaga akong pumasok. Sinisiguro kong ako ang mauuna sa opisina.

Ng makarating ako sa aking pinagtatrabahuhan ay pupungas pungas pa ang guard na naka duty ng iras na iyon. Hindi na ito nabigla ng makita ako dahil kadalasan ako ang naunang dumadating sa opisina. Yon nga lang mas maaga ako ngayon.

"Good morning Ma'am!" Nakangiting bati ni Kuyang guard.

"Good morning din po."

"Maagang maaga tayo ngayon ah. Tambak ba ang trabaho Maam at ng inagahan niyo po ngayon?" Palakaibigang sabi ng guard.

"Oo eh. Alam mo naman kakabalik ko lang din ng opisina dahil sa nangyari sa pamilya ko kaya talagang tambak ang trabaho ko."

"Ay Mam, condolence po pala. Kawawa naman ang tatay po ninyo."

"Okay lang kuya. Sige. Akyat na ako."

"Sige po."

Imbes na sa pwesto ko ako dumeretso ibang daan ang tinatahak ko. Yon ang opisina ni Sir Gareen.

Papasok muna ako sa office niyo Sir ng walang paalam. And I'm sorry for doing this to you. Nacurious lang din naman ako sa pagkatao mo gaya ng pagkacurious mo rin sa pagkatao ko. Maybe this will lead me into something.

Ng malapit na ako sa opisina niya ay inikot ko ang aking paningin para hanapin ang cctv camera. Ng mahagilap ko ito ay dumiretso muna ako sa comfort room upang ayusin ang aking gamit na kakailanganin at ang aking sarili.

Pagkalabas ko ay maingat akong pumasok sa office niya at tinantiya kong hindi ako mahahagip ng camera. Swerte kasi at nag iisa lang ang cctv camera sa labas ng office at nasira na ang ilan na suppose to be ay ngayon ipapaayos. Thankful ako at nakikiayon ang pagkakataon sa akin.

Pumasok ako ng dahan dahan at ayon nakaharap sa mismong pintuan ang camera pero ika nga pag may gagawing krimen kailangang handa ka. I already attached the infrared LED (light-emitting diode) sa aking damit to make the camera's blind at ng hindi ako makikilala. Habang ang isa ko namang dala na LED light ay idinikit ko sa dingding sentro sa camera mismo. Kaya kahit anong krimen man ang gagawin ko sa loob malabo nilang malalaman unless I'll leave some clues for them to find out.

Isang minuto na akong naghahalungkat pero wala pa rin akong nakikita. Ngunit bigla akong napatingin sa isang envelop na may nakasulat na confidential sa pinakailalim na drawer ng kanyang table.

Dahan dahan ko itong kinuha at binuksan. May isang folder na laman na kung saan nakaukit ang isang larawan ng isang leon at pinapalibutan ito ng pangalang "The Black Lions".

Bigla kong naalala ang alyas ng boss slash kaibigan ng aking ama. Pinicturan ko ito at binuklat ang laman. Mga bank accounts and huge amount of money ang nakasulat. Then and there, I saw a photo of charismatic yet a dangerous man. Napatitig ako dito. Hindi dahil sa itsura niya kundi dahil sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman habang hawak ko ang larawang iyon. Siguro nasa 50's palang ito. Ng tingnan ko ang likod ng picture ay may nakasulat na "Black Lions King".

Again, I took pictures of it. Lahat ng dokumento na nakapaloob doon. Inayos ko ng maigi iyon bago ibinalik sa dating pwesto nito.

Binilisan ko ang aking galaw ng mapatingin sa wall clock na nakasabit sa dingding. Ilang minuto nalang at darating na si Sir Gareen.

The Quest of Miss LooneWhere stories live. Discover now