Fifteen

20 4 0
                                    

Andito ako ngayon sa mall upang maggroceries. Ubos na kasi ang stocks ko sa boarding house kaya napadpad ako dito ngayon.

Habang bitbit ang mga pinamili palabas ng supermarket ay napadaan ako sa isang restaurant na kinainan namin ni Brisk ng kausapin niya ako noon tungkol kay Balmerk.

Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay may nakita akong familiar na pigura ng dalawang taong napakasweet habang kumakain. May papunaspunas pa ng bibig ng babae si lalaki.

Parang pakiramdam ko nawalan ako ng lakas sa aking mga nakita. Si Brisk at Miss Sephanie. Masayang nag uusap at ang sweet pa ni Brisk sa kanya. Ibang iba si Brisk ngayon kumpara sa kung ako ang kasama niya. Iba ang kislap ng mga mata nito.

Masakit mang isipin pero napagtanto ko na mahal pa ni Brisk ang ex niya. Basi sa mga ikinikilos nito masasabi kong nandoon pa ang pagmamahal niya para kay Sephanie.

Napagpasyahan ko nalang na umalis na doon. Hindi ako martir para patuloy na panoorin ang mga tanawing magbibigay sa akin ng kalungkutan.

Pagdating ko sa boarding house ay agad akong humiga. Pakiramdam ko pagod na pagod na pagod ako samantala hindi naman karamihan ang mga pinamili ko.

Nakatulala lang ako sa kisame ng kwarto ko. Akala ko ba galit ang isang yon? Akala ko ba ayaw niya ng kausapin ang babaeng yon? Hindi niya matiis kasi mahal pa niya? Ganoon ba yon? At ako? Ano ba ako sayo Brisk? Haist.. puru ako tanong! Wala namang makakasagot sa akin dito eh.

Parang hindi pa ako handa sa posibleng mangyayari. Natatakot ako. Pero baka nag uusap lang talaga sila. Baka pinagbigyan nalang siya ni Brisk. Pero iba ang nakikita ko eh.

Samo't sari ang mga naiisip ko sa ngayon. Pero kalaunan ay napagpasyahan kong maglinis nalang ng kwarto ko upang makakalimutan sandali ang mga gumugulo sa isipan ko.

Pilit akong nagisip ng ibang bagay para kahit paano mawawala ang lungkot sa sistema ko. Pakantakanta pa ako habang naglilinis at nagtagumpay naman ako sa gusto ko.

Kinaumagahan masaya akong pumasok pero dagli ding nawala iyon ng namataan kong sabay na pumasok sa loob si Miss Sephanie at Brisk. Ang ganda ng ngiti ni Brisk habang nakikinig sa kung anuman ang sinasabi ni Miss Sephanie sa kanya.

Inignora ko ang hapdi na nararamdaman ko. Ipinilig ko ang aking ulo at ipinagpatuloy ang pagpasok sa loob. Ng makarating ako sa aking table ay nandoon na si Brisk sa table niya.

"Good morning Cute!" Masigla ang boses nito. Nakakapanibago kaya napahinto ako sa tapat niya.

"G-good morning din." At matamlay akong dumiretso sa table ko.

"Hey! Are you okay?" Nilapitan niya ako at dinama ang noo ko. "Wala ka namang lagnat. Hindi ka naman mainit. Okay ka lang ba? Ang tamlay tamlay mo ngayon." Nagalalang sabi nito.

Hindi lagnat Brisk. Lovenat!  Tss!

"Okay lang ako Brisk. Dumating kasi ang aking buwanang bisita kaya hindi maganda ang pakiramdam ko."

"Oh! Sinusumpong ka pa rin ba ng dismenorhia mo?"

"Yeah. Kaya wag ka ng magalala."

"Hep hep! Anong mayroon dito? At bakit biernes Santo ang mukha ni Miss Barrios?" Ayan na ang 'salak' (name of a bird) naming kaibigan kasama si Maurk.

"Sinusumpong ng dismenorhia niya kaya ganoon." Pahayag ni Brisk.

"Akala ko kung ano na." Sagot ni Feynn.

"Nagusap na ba kayo ni Sephanie Brisk?" Biglang tanong ni Maurk. Natigilan si Brisk at napatingin sa akin. Umiwas nalang ako ng tingin at nagkunwaring may nililigpit sa aking table.

The Quest of Miss LooneWhere stories live. Discover now