Isang umaga habang abala ako sa ginagawang monthly report ay naramdaman kong may nakatayo sa bandang likuran ko. Pamilyar ang amoy ng pabangong nalanghap ko mula sa taong nasa likod ko.Unti unti akong lumingon para malaman kung tama ang hinala ko. Si Brisk. Nakatingin lang sa akin habang ang mga kamay ay nakalagay sa bulsa ng pantalon nito. Kahit kupas at medyo haggard ang itsura nito kapansin pansin pa rin ang pagiging magandang lalaki nito.
"Oh bakit?" Yun lang ang tanong ko. Ilang araw kasi itong wala sa office dahil my one week seminar itong pinuntahan. Siya ang ipinadala ni Sir Gareen sa Manila para sa one week activity na iyon. Ang last na pagkikita namin ay yung nakita niya kami ni Bal sa isang restaurant na nag lalunch.
"Can we talk after work?" Mahinahon ang pagkasabi nito. Halata ang boses sa pagod nito.
"Uhmmm..sige. But you can rest muna. Parang pagod na pagod ka. Kailan ka ba bumalik?"
"Kaninang mga 6 am. Dumiretso na agad ako dito."
"Ano? Bakit hindi ka muna magpahinga sa apartment mo. Maiintindihan naman ni Sir yan."
"Its okay. I just wanna talk to you. Umalis kasi ako na hindi kita kinakausap manlang at ginulo ko pa yong date niyo ni Balmerk."
Bakit may diin yung pagkasabi niya ng date kunu namin ni Bal? Haist! Yung pandinig ko minsan may deperensya na. Nu ba yan!
"O-okay lang. So mamaya mag-usap tayo? Pasensya na kung parang tinataboy kita kasi ipinapapasa na kasi ito ni Sir. Kaya kailangan kong matapos to agad." Ngumiti ako sa kanya na medyo nahihiya.
"Oh! Sorry. Nadisturbo pa kita. Okay. Just go on with your work. See you later Loone."
Yon lang at umalis na si Brisk. May backpack pa itong dala. Dito nga dumiretso agad sa opisina. Hayy naku Brisk! Wag mo naman sana akong paasahin uh! Unti unti na akong nahuhulog sayo Brisk! Sana naman saluhin mo ako kung magkaganoon man.
Napabuntonghininga ako ng malalim dahil sa nabubuo ko sa aking isipan. Ipinilig ko ang aking ulo para iwaksi sa kung anuman iyon. Nasobrahan yata ang pagkapraning ko. Itinuon ko na ang aking pansin sa trabaho baka hindi ko to maisubmit mamaya pagalitan naman ako ni Sir. May PMS yun minsan eh. Minsan mabait minsan parang sinapian ni lucifer kaya nakakatakot pagmawala sa mood.
Sumapit ang hapon at nandito na ako sa meeting place namin ni Brisk. Sa isang mall lang namin napagpasyahang magkita. Gusto pa niya sana akong sunduin pero tumanggi na ako dahil ayaw ko namang dumagdag sa pagod niya.
Ng makita ko na siya sa isang cozy na kainan ay agad agad ko siyang nilapitan.
"Brisk bakit dito tayo? Mag-usap lang naman tayo. Masyadong mahal ang food dito. Alam mo namang nagtitipid ako eh."
With matching padyak na sabi ko. Alam na alam naman nito ang estado ko pagdating sa pera. Kaya hindi na ako nahihiya sa kanyang sabihin yun.
"Bakit? Ikaw ba magbabayad?" Nakataas ang kilay na tanong nito. Seryoso ang mukha nito pero parang may pinipigilang ngisi.
"Waaahh! So libre mo'ko?" Ang tamis tamis ng pagkangiti ko. Syempre sino ba ang hindi magsasaya sa libreng kain? Di ba?
"Umupo ka nalang kaya. Kanina ka pa nakatayo ah. Don't worry pagkain lang ang may bayad. No fees to be collected when you sit." Sabi pa nito na ginaya ang linya sa mga agency na no fee policy for document processing.
Umupo naman ako at tiningnan ang menu. Owkie? Wala akong alam sa mga nakalagay sa menu. Puru japanese food at ngayon ko lang napagtanto na japanese restaurant pala tong kakainan namin.
YOU ARE READING
The Quest of Miss Loone
General FictionHow do you react when everything doesn't go according to your plan? How does it feel when everything you sacrifice for, is in vain? How does it feel when hardships always choose you? How does it feel when love turn your world up side down? Do you wa...