Ten

8 2 0
                                    


Bulong bulungan na sa opisina ang nangyari noong nakaraang araw. Hindi ko alam kung bakit naging instant hot topic yon sa office samantala parang wala manlang tao sa hallway nun ng mangyari ang eksenang yon. O baka lang hindi ko napansin kasi hindi ko na magawang iabsorb ang mga pangyayari ng araw na iyon.

Tinutukso tukso talaga ako ni Feynn pagmakahanap talaga ng oras. Daladalawa pa sila ni Maurk. Ang dakila ko kasing kaibigan kesyo may karapatan si Maurk na malaman kasi kaibigan namin siya. Kaya ayon, ikinuwento ng walang labis at walang kulang.

Yung ibang inggitera naman sinasabing ambisyosa raw ako. Sinusubukan lang daw ako ni Mr. Vice Pres. Itutumba lang daw ang bandera ko at pagkatapos adios!

Hayy naku po!! Masyado talagang advance ang mga taong magisip ngayon. Wag nga nilang akong pangunahan. Hahha. Haist! Hanggang ngayon nga parang nagloloading pa rin ang ikot ng mundo ko sa mga nangyayari. Dagdagan pang hindi ako pinapansin ni Brisk ng ilang araw na. Tsk! What happened to the world Lord? Did I do something wrong? At parang ayaw na ng mga tao sa akin ngayon? Sabi ni Feynn hayaan ko na daw kasi naiinggit lang ang mga yon.

Biruin mo nga naman, sa dinami dami ng mga magaganda dito sa office bakit ako pa? Am I that beautiful? Charot! OA talaga ako pasensya na kayo. Pero sabi naman ni mama maganda ako lalo pa't napatunayan ko yon nung nakaraan. Kasi napansin ako ng isang hunk na si Mr. Vice Pres. Oh diba? Ala rapunzel na ako ngayon! Heheh. At si Brisk anong problema ng baklang yon? Humanda sa akin pagmatiempuhan ko siya. Busy pa ang lolo niyo ngayon eh. Kalbuhin ko talaga ang isang yon pati ang sa ilalim idadamay ko na. Di joke lang. Hahah.

Nandito ako ngayon sa boarding house nakahiga at nagmumunimuni. Day off ko kasi kaya ito nakatunganga lang. Gusto ko mang gumala wala pang sahuran kaya ito tulog kain, kain tulog ang ginagawa.

Naubos ko na yata kakabilang ang mga paniki, cockroaches at mga langgam. Gusto kong matulog ngayong tanghali pero ayaw makisama ng mga mata ko. Paano ba naman alas onse na ako nagising kanina tapos ngayon one oclock palang sino ang dadalawin ng antok nun. Biling baliktan ako sa aking higaan ng tumunog ang cellphone ko. Patamad ko itong kinuha at tiningnan ang nagtext.

Isang unknown number ang nakita ko.

From: 09xxxxxx

Hi! Hw are u Mademoiselle? Can i call you now? Need to talk to u. 😊

Napakunot noo ako sa text na aking natanggap ng biglang may nag pop up sa isipan ko at nanlalaki agad ang aking mga mata.

This cant be happening!? Oh my!

Napaupo ako sa aking higaan at parang hindi makapaniwala.

Ayaw kong mag assume lord please! Baka nagkamali lang ako pero siya lang talaga ang pumasok sa isip ko dahil sa isang word na nabasa ko. Mademoiselle. Siya lang ang naalala kong tumawag sa akin nun.

Ng tumagal ng ilang minuto wala pa rin akong plano kung anong gagawin ko. Sorry po wala naman kasi akong load kahit gustong gusto kong replyan wala rin. Nabadtrip ako na iwan. Itinapon ko ang cellphone ko sa aking higaan at nahiga ulit. Bahala ka diyan kung sino ka man wala akong load kasi wala akong pera. Heheh. Ayaw kong magaksaya ng pera dahil lang sa load noh. Hindi naman ako sigurado kong ikaw nga yan. Hmmmpp.

Maya maya pa biglang nagring ang celphone ko. Dinampot ko ulit ito at aking tiningnan kung sino ang aking mahiwagang caller. And tsaran!! Im surprised! Kasi ang tumawag lang naman ay yong nagtext sa akin kanina. Parang sagutin ko na hindi. Pero in the end I decided to answer the call.

"Hello?"

"Hi Ms. Barrios! Did you miss me?"

"And who -.."

The Quest of Miss LooneWhere stories live. Discover now