"Kumusta ka Loone? Ngayon lang kita nakakausap ng ganito. At ako'y nakikisimpatya sa nangyari sa pamilya mo." Panimula ni Sir Gareen. "Pasensya na kung hindi man ako nakapunta sa inyo ng araw na iyon. Alam mo naman ang trabaho ko. Ang trabaho natin. Nagkataon na may konting gusot dito sa opisina noon at kailangan kong ayusin agad agad kaya hindi na ako nakapunta.""Okay lang po Sir. Ang pagpapaabot po ninyo ng simpatya ay sapat na." Mahinahon kong sagot sa kanya. "Ipinatawag niyo daw po ako Sir? Bakit po?"
Nakita ko siyang biglang tumuwid sa pagkakaupo at parang hindi malaman kung paano uumpisahan ang sasabihin.
"Ahm. Alam ko Loone na masipag ka sa trabaho. Alam ko rin na kailangang kailangan mo ito lalo't pa dahil sa nangyari sa Papa mo. Ngunit mahirap man para sa akin eh wala akong magagawa dahil sa mga serkumstansya. At sana maintindihan mo rin ako at wag kang magalit sa akin." Malumanay niyang sabi. "This past few months,ang ating kompanya ay nagkaroon ng problema. Yun yung sinabi ko sayo kanina na gusot na kailangang ayusin and sadly up to this day parang hindi kayang gawan ng paraan. Our deal with famous american businessman was withdrawn due to some reasons na hindi ko masasabi sayo. Its very confidential kasi. And because we lost millions kasi hindi lang isang deal natin ang nagwithdraw kundi may dalawa pa. Added to that our company suffer from financial problem. So the board come up with a decision to lessen our workforce." Tumigil sandali si Sir Gareen at tumingin sa akin ng maigi. Tingin na humihingi ng pang-uunawa dahil ang susunod niyang sasabihin ay alam niyang ikakalungkot ko.
"I'm so sorry Loone. We need to do this. Kailangan nating magtanggal ng tao dahil hindi na kaya ng kompanya. Actually, marami pa kayo na kailangan kong kausapin. Bibigyan namin kayo ng karampatang benepisyo bago umalis sa kompanyang ito. We have to follow the protocols at ibibigay namin sa inyo ang dapat sa inyo."
"Kung iyon po ang maging desisyon ninyo Sir igagalang ko po. Masakit man sa akin mawalan ng trabaho sa oras na ito ay okay lang. Hahanap nalang po ako ng ibang mapapasukan. Ika nga when the one door closed, there's another door open." Malungkot kong pahayag.
Nakita kong ngumiti si Sir Gareen. "Thats right, Loone. Just keep moving. I admire for your strong mind and determination. Just bring that in finding a better path ahead."
"Thank you Sir."
Pagkatapos naming magusap ni Sir Gareen ay nagpaalam na rin ako sa kanya. Kailangan ko ng magligpit dahil three days nalng ang natitira kong araw sa opisinang ito. Kailangan ko pang ipasa lahat ng documents na sa pangangalaga ko kay Feynn. Oh yeah! Ang swerte ng kaibigan ko dahil isa siya sa mga maiiwan rito.
Tahimik lang akong bumalik sa aking mesa. Nalulungkot ako dahil sa maikling panahon naging tahanan ko na rin ang opisinang ito. Sa opisinang ito nakakita ako ng isang tunay na kaibigan.
"Loone,ano itong narinig ko?" Humahangos na lumapit sa akin si Feynn. "Sabihin mo sa aking hindi totoo."
"Its true. At ikaw ang sasalo sa trabahong iiwan ko." Malungkot kong sagot sa kanya.
"But why? Okay naman ang performances mo dito sa opisina ah. Kung may tatanggalin man hindi ikaw yon!"
"Eh ako na nga. Tss! Talagang ganun. Wala na tayong magagawa."
"Hindi ka manlang ba magrereklamo? Ipakita mo yung mga accomplishment mo. Wala ka namang bad record dito. Lahat nakakasundo mo."
"Hayaan mo na! Ano ka ba naman Feynn. Desisyon na yan ng management."
Nagulat ako ng bigla nalang itong umiyak at niyakap ako.
"Loone,kung aalis ka aalis na rin ako." Humihikbing sabi nito.
"Tanga! Wala akong pampasweldo sayo noh. At hindi porket aalis ako mawawalan na tayo ng komunikasyon sa isat isa. Anong silbi ng teknolohiya ngayon kung hindi mo gagamitin?" Asik ko sa kanya.
"Ay, oo nga pala ano! Sige umalis ka na." Natatawang sabi niya sa akin habang pinapahid ang mga luha.
"Baliw!" Nakangiti kong sagot.
Natapos ang maghapong iyon na puro orientation kay Feynn ang ginagawa ko. Kailangan ko ng umpisahan yon dahil konting araw lang ang ibinigay sa akin. At hindi lang mga paper works ang kailangan niyang malaman pati na rin sa field works.
Pakiramdam ko pagod na pagod ako buong maghapon. Pinipilit ko ang sarili ko na magconcentrate sa ginagawa dahil sa mga bagay-bagay na nagsusulputan sa aking isipan. At dahil na rin sa mga pangyayari kanina at jay Brisk.
"Ano yung narinig ko Feynn? Aalis ka Loone?" Nakakunot noong sabi ni Brisk.
"Hindi mo pa ba alam Brisk? Nagtanggal ng mga tauhan ang kompanyang ito at isa na si Loone doon!" Dirediretsong lahad ni Feynn.
"What?? No! It can't be!" At bigla nalang itong umalis.
Kalaunan narinig na naming nagsisigawan silang dalawa ni Sir Gareen sa office nito. Makalipas ang ilang minuto dirediretsong lumabas si Brisk na pulang pula ang mukha dahil sa galit. Natapos ang maghapon ng hindi ito bumalik at pinuntahan pa kami ni Sir kung alam ba namin kung saan posibleng pumunta si Brisk.
Naputol ang pagbabalik tanaw ko ng may bigla akong nabunggo.
"Ay!" Akala ko tatapon na ako sa lakas ng impact ng pagkabunggo ko ngunit may isang mabilis na kamay ang humawak sa braso ko. "Sorry po di ko sinasadya,manong." Hinging paumanhin ko.
Pilit kong sinisilip ang itsura ng taong kaharap ko ngunit nakayuko ito at nakasuot ng sombrerong itim. Aside sa sombrerong itim nakajacket ito na may hoodie na dumagdag pantakip sa mukha nito upang maitago.
"Kuya, wag po kayong mahiyang tumingin sa akin. Hindi naman po ako mapanghusga kung kayo po'y pangit. Charing! Joke lang po yon kuya hah! Wag po kayong magalit." Nagbibiro kong sabi.
Makalipas ang ilang segundo, tahimik pa rin ito kaya medyo kinakabahan na ako. At ngayon ko lang natutukan ang kasuutan niya. Purung itim.
Akmang magsasalita na sana ako ng biglang kinuha nito ang aking kanang kamay at may inilagay na kapirasong papel doon.
"Alam kong wala ka ng trabaho dahil tinanggal ka na niya. Maaari kang pumunta sa lugar na yan. Matutulungan ka sa mga plano mo sa buhay kahit ano pa yan." Bulong nito sa akin. Buong buo ang boses nito.
"S-sino ka ba?" Nauutal kong sagot.
"Makikilala mo ako oras na makapagpasya kang sundin ang mga sinasabi ko."
Sa isang iglap bigla itong nawala. Ganoon kabilis. Lumilinga linga pa ako upang hanapin at umaasang kahit likod lang ang makikita ko pero wala na ito.
Sino ka ba?
Yan ang malaking katanungan sa aking isipan habang mabilis na naglalakad pauwi sa aking tinutuluyan.
Ng makarating ako, dali dali kong tiningnan ang papel na ibinigay niya sa akin.
Isang address lang ang nakasulat doon. Hindi ko alam kong anong iisipin ko. Maraming katanungan sa isip ko.
Bakit niya ako pinapapunta sa address na ito. Hindi naman masyadong pamilyar sa akin. Pangalawa, bakit niya alam na natanggal ako sa trabaho? At pangatlo,bakit parang pinapahiwatig niyang alam niya ang plano ko base sa sinabi niya kanina sa akin.
Naguguluhan ako. Hindi ko alam. Maraming tao na ang nagsusulputan simula ng magumpisa akong hanapin ang katotohanan at katarungan. May kinalaman kaya ito sa pagkamatay ni Papa? Hindi pa naman ako sigurado pero malakas ang pakiramdam kong mayroon nga. At malalaman ko lang iyon kung pupuntahan ko ang lugar na ito.
***********************
Thank you for reading guys! Please follow me here on wattpad and magparamdam na rin po kayo.
Salamat!
_cutie tigres😘
YOU ARE READING
The Quest of Miss Loone
General FictionHow do you react when everything doesn't go according to your plan? How does it feel when everything you sacrifice for, is in vain? How does it feel when hardships always choose you? How does it feel when love turn your world up side down? Do you wa...