Sumapit ang lunes at handa na akong pumasok sa opisina. Lakad takbo ang ginagawa ko dahil ilang minutes nalang talaga at malelate na ako.Hindi kasi ako bumalik kahapon sa boarding house ko ngayong umaga lang talaga kaya naghahabol ako ng oras ngayon. Ng makarating ako sa opisina agad agad akong dumiretso sa loob. Hindi ko na pinansin ang pagbati ng aming guard sa akin dahil nagmamadali talaga ako.
Swerte at umabot pa ako. Hindi ako na late. Siguro kung hindi ko binilisan sigurado talaga at malelate ako. Ayaw kong may late ako sa trabaho dahil may parinig na naman si Boss sigurado iyon.
Hindi naman niya minimention ang pangalan pero mahilig lang talaga magparinig. Ikaw nalang ang mahiya sa sarili mo.
Ng makarating ako sa aking pwesto ay nakita ko sina Feynn at Maurk na busy na sa trabaho habang si Brisk ay may lakad yata dahil nagliligpit ito ng kanyang bag.
"Loone maghanda ka. Mag iinspection tayo ngayon doon sa plantation ng kompanya. May paabono kasi ngayon at dapat nandoon tayo. Aside from that sa isang area maghaharvest sila. Kailangang masisiguro natin ang de kalidad na niyog na ginagamit sa processing ng virgin coconut oil. Kung matapos natin ng maaga yon, sa processing plant ang last destination natin. We have to make sure that the machine is well maintained and cannot affect the quality of the finished products."
"Sure. Just wait. Punta muna ako ng cr. Naiihi na talaga ako. Teka anong sasakyan natin?"
"Magmomotor tayo. Sige na. Marami tayong gagawin sa field. At baka abutin tayo ng gabi."
Nagmamadali na akong nag cr at pagkatapos sinuklay ko muna ang aking buhok at itinali. Kailangan iyon para hindi sagabal mamaya sa trabaho. At langya naman hindi manlang ako nakapagprepare ng jacket at sombrero.
Napakainit pa naman ng panahon ngayon. Nakalimutan ko kasi na schedule pala ng inspection namin ngayon. Every month kasi mayroon kaming monthly monitoring and evaluation na kinaconduct sa field.
Ang kompanya kasi namin ay mayroong tag 20 hectares na plantation ng niyugan dito sa Iloilo. At hindi lang sa Iloilo ang branch ng kompanya namin. Mayroon itong 10 branches nationwide at isa ang kompanya namin sa major exporter ng coconut products here in the Philippines and abroad. Ang plantation na iyon ang nagsisilbing supply ng mga niyog para gawing virgin coconut oil, coconut water, coconut oil and coconut milk.
Yan ang produkto ng kompanya namin na iniexport sa iba't ibang bansa lalong lalo na sa United States. Especially sa panahon ngayon, unti unting bumabalik sa organic food ang mga tao dahil sa sari saring kemikal na iniapply sa mga pananim.
It is also proven that virgin coconut oil is good for skin diseases, lowers cholesterol, treat Alzheimer's disease and many others. And as a whole, coconuts has many health benefits that are undiscovered by many people.
Ng dumating kami sa area naghahakot na ng mga abono ang mga tao. Mayroong nagbibitbit ng pala at balde. Ang balde ang sisidlan ng abono para hindi sila mahirapang magbuhat ng isang sakong abono mula sa isang puno patungo sa isang puno.
"Kumusta Mang Oscar? Saan si Mang Kanor?
"Andun Brisk sa kabilang area. Siya ang namumuno ng paghaharvest doon. At dito naman ako.
"Magsisimula na ba kayo Mang Oscar?
"Oo Maam Loone. Pero kailangan ko pang turuan ang mga bago nating hire na tao. Umalis kasi ang grupo nina Bitoy eh."
"Sila ba yong ininterview last week Mang Oscar?"
"Oo Brisk."
"Kami na bahala sa kanila Mang Oscar. Kami na ang mag iinstruct sa kanila. Gawin niyo nalang po kung ano pa ang kailangan niyong tapusin."
YOU ARE READING
The Quest of Miss Loone
Genel KurguHow do you react when everything doesn't go according to your plan? How does it feel when everything you sacrifice for, is in vain? How does it feel when hardships always choose you? How does it feel when love turn your world up side down? Do you wa...