Wow! As in wow!
Yon lang ang nasabi ko sa tanawing nakikita ko. I love nature talaga. Nakakarelax. Refreshing.
Nandito kami ngayon sa Mariano Farm. Dito mo makikita ang lahat ng halaman sa kantang bahay kubo. Parang ang sarap pitasin ng mga bunga at lutuin! Huhuh. Namiss ko ang lutong gulay! Pinikit ko pa ang aking mga mata at sinamyo samyo ang fresh na fresh na hangin. Habang naglalakad kaming apat papasok inilibot ko ang aking paningin. Makikita mo ang mga dwarf coconut around the area. At aha! May nakita rin akong kabayo. Yes! May horse back riding siguro sila rito. Na eexcite tuloy ako. Habang papaakyat kami nakikita namin ang swimming pool sa right side then may zipline, my cable car at madami pa silang mga amenities. Then sa pinakagitnang bahagi mayroong isang mataas na bundok na kung saan mayroong hagdan papunta sa tuktuk niyon at mayroong napakalaking krus.
"Yan ay 840 steps papuntang tuktok Maam. Doon sa taas na may malaking Krus makikita ang man-made heaven pero bago ka makarating doon may dadaanan ka muna. Once na marating mo ang tuktok niyon you can see the city and nieghboring province like Antique. You can explore by yourself Maam. Enjoy. If there is any problem don't hesitate to tell us."
"Thanks Ameg. (Ameg is an ilonggo term for kaibigan)
Nagpatuloy na kami sa pag-akyat. Ang ganda talaga ng paligid. Mula sa first step ng hagdan. Makikita mo ang creation of the earth na nakasaad sa bible, sa Genesis. Parang kinukuwento sa mga namamasyal ang nilalaman ng bible sa pamamagitan ng mga rebulto ng tao at hayop. Kung hindi man ay sa pamamagitan ng mga larawang ipininta. Ng makarating na kami sa tuktok niyon talagang hingal na hingal kami. Its a good exercise though. Charrat! English yon ha!
"Kapagod naman. Wow! Ang ganda ng paligid guys. Kitang kita ang kabuuan ng city.
"Yeah Loone. Kaya nga dito ko kayo niyaya kasi madaming nagsasabi na maganda dito. Mamaya mag zipline tayo. Mura lang naman.
"Oo ba Feynn. Kayong dalawa, gusto niyo rin?
"Ayaw namin. Para naman kaming mga bata diyan. Diba Brisk?
"Ang sabihin mo Maurk takot ka lang sa hieght talaga.
"Hoy Feynn. Anong takot? May hieght ka naman bakit hindi ako takot sayo? Hahaha.
"Baliw! Masyadong mura ang joke mo di mabenta. Tara na nga.
Ng pumasok kami sa isang manmade na kweba para kaming pumasok sa kadiliman. Yung pakiramdam na ikaw lang ang nagiisa sa gitna na madilim at malawak na bulwagan at hindi mo alam kung ligtas ka pa nga bago makalabas o kung makakalabas ka pa nga ba ng buhay.
"Feynn? Asan ka?
"Andito ako sa gilid mo Loone. Diretsuhin lang natin tong madilim na hallway. Kapit ka sa akin.
Ng biglang...
"Aaaarrrrrrhhhhhh... aaaahhhhhhh.. napasigaw ako kasi may parang humaplos sa paa ko.
"Ahahahahhahahhahhah..ahaaahaha
Tawa ng dalawang unggoy sa may kabilang gilid ko.
"Ano ba naman Maurk! Nananakot ka eh. Akala ko kung ano na. Ikaw lang pala. Don't worry makakaganti rin ako sa inyo. Akala niyo kayo lang marunong ha. Pinakaba niyo ako dun.
"Mapaghiganti ka pala Loone.
Uy! Sa wakas, nagsalita si Mr. Gentleman slash tahimik slash may sariling mundo slash bading kumilos. Heheh. Joke lang! Kanina pa kasi kami magkakasama ngayon lang nagsalita. Daig pa ako sa pagiging tahimik ah. Pero paano nga kaya kung sinabi ko yon at marinig niya, hindi ko alam kung anong gagawin niya. Katulad din ba sa mga nabasa ko sa pocketbook o wattpad na pagsinabihan ni babae si lalaki na bakla, hahalikan niya ito? Isandal sa pader at ikorner gamit ang mga braso at halikan? Ganoon ba yon? Ayan Loone! Nagiimagine ka na naman. Ang utak mo, masyado ng brown. May kalawang ba! Hahah. Brown ba kulay ng kalawang? Hahha. Bahala na nga kayong bumabasa diyan.
YOU ARE READING
The Quest of Miss Loone
General FictionHow do you react when everything doesn't go according to your plan? How does it feel when everything you sacrifice for, is in vain? How does it feel when hardships always choose you? How does it feel when love turn your world up side down? Do you wa...