Thirteen

11 1 0
                                    

Muling bumalik sa normal ang lahat. Bawat tanghalian ay magkasama kaming magkakaibigan. Tawanan, kulitan at asaran. Minsan hindi mawawala ang panunukso ni Maurk at Feynn sa amin ni Brisk pero sinawalang bahala ko iyon. At ganoon din ang ginagawa ni Brisk.

Naging maasikaso si Brisk sa akin ngayon. Sobrang sweet niya. Pakiramdam ko nga were officially girlfriend and boyfriend. Walang usapan pero alam kong mayroong nabago sa samahan naming dalawa. Ayaw kong pangunahan siya. Eenjoy ko lang ang kung ano ang mayroon sa amin ngayon. Ang importante masaya kami at wala kaming naaapakang ibang tao.

"Cute, may tanong ako."sabi niya ng minsang namamasyal kaming dalawa. Cute ang bagong tawag niya sa akin kasi ang cute daw ng height ko.

Oh diba? Maganda sana sa pakiramdam kaso pag sinambit yung height nakakadepress. Kaya para quits kami ang tawag ko rin sa kanya ay Gai where word gay is originated.

Nung una inis na inis siya ng malaman niya kung anong ibig sabihin nun. Pero nakumbinsi ko siya na hayaan nalang na iyon ang itawag ko sa kanya kasi unique at walang kapares. Umuo nalang siya dahil wala naman siyang magawa kahit anong reklamo niya.

"Ano yon, Gai?"

"Cute ka ba sa paningin mo?

"Huh? Aba syempre! Hindi lang cute, maganda pa!"

"Magbuhat naman ng sariling bangko yung isa diyan itinaas ng maigi talaga.

"Oo naman. Wala namang ibang pupuri sa atin kundi sarili lang din natin. Kasi minsan ang papuri ng ibang tao masyadong plastic kaya ako nalang pupuri sa sarili ko dahil alam kong nagsasabi ako ng totoo." Oh diba? Yung confidence level ko umangat ng 1000 times?.hmmm..

Napangiti nalang din si Brisk ng lingunin ko. Alam niyang may mga palusot talaga ako sa kung anuman ang sasabihin niya.

"Ako tanungin mo kong cute ka sa paningin ko." Maya't maya'y sabi nito.

"Tawag mo na nga sa akin cute eh.

"Haisst.. tanungin mo nalang kasi ako. Ang dami mo talagang sinasabi.

"Eh kasi naman....." tiningnan na ako ng masama kaya umayos na ako." Oh cute ba ako sa paningin mo Gai?" Nilandian ko ang tono ko with matching ngiti ng malapad. Ngunit ng tiningnan niya ako sa mga mata parang tatabingi na ang ngiti ko sa intensity ng mga titig niya.

"Oo. Kasi ang cuteness mo ang nagbibigay ng kapayapaan sa magulo kong mundo."

Natulala ako sa sinabi niya. Seryosong seryoso siya ng sabihin iyon. With matching hawak ng dalawang kamay pa yan hah? Ang intense grabee!! Hindi ko alam kong anong irereact ko ng oras na iyon. Ramdam na ramdam ko ang mga linyang binitiwan niya.

Ang tanging nagawa ko nalang ay ang ngumiti sa kanya at ipinagpatuloy ang paglalakad sa gitna ng damuhan. Sumunod naman siya sa akin. Nasa isang Farm Resort kami kasi pareho kaming mahilig sa nature. Mas gusto namin na sa ganito mamasyal kaysa sa mall na sobrang gulo. Dito ang payapa ng mundo. Pawang kakahuyan at malawak na lawn ang makikita mo. Pwede kang mag zipline, KTV Adventure at mag canopy walk na kung saan ay kasalukuyang ginagawa namin ngayon.

May hinihintay talaga akong sasabihin si Brisk sa akin. Pero alam kung hindi pa siya handa. Alam ko rin na malabo ang sitwasyon naming dalawa pero naramdaman kong gusto namin ang isat isa. Ipinaramdam niya sa akin na mahalaga ako sa kanya kahit wala naman siyang sinasabi sa akin.

If being hopeless in love is forbidden then bring me to court and gave judgement but the most important for me right now is the happiness I feel when I'm with him. Laugh with him. Eating with him. MU. magulong usapan o mutual understanding, be it negative or positive in meaning ang importante ang ngayon. Masaya walang problema at walang kontrabida.

The Quest of Miss LooneWhere stories live. Discover now