"Ate! Ate! Gumising na si papa!"
Naalimpungatan ako sa sigaw ng kapatid ko. Dagli akong napatingin sa direksyon ni papa at nakita kong gising na nga siya.
"Pa kumusta ang pakiramdam mo? May gusto ka bang kainin? May masakit ba sa iyo?" Nagalala kong tanong sa kanya.
"Okay lang ako anak. Si mama mo? Sinong nagaalaga ng mga hayop natin doon? Saan kayo kumuha ng pambayad sa ospital?"
"Pa, magpagaling ka na muna. Wag mo munang isipin ang mga yon. Saka na natin pag-usapan ang mga bagay na yan pag okay ka na."
Hinahaplos haplos ko ang noo ni papa. At habang tinititigan ko siya nakatiim ang mga bagang niya.
"Pagbabayaran nila ang ginawa nila sa akin. Walang akong ginawang mali at ang tanging ginawa ko lang ay ang protektahan ang kung anong sa atin. "
"Pa wag kang magisip ng ganyan. Wag na nating dagdagan pa ang problema natin. Kung magagawa naman sa pakiusapan gawin natin."
"Loone, ang mga taong sakim ay mahirap daanin sa matinong usapan."
Napabuntong hininga nalang ako. Alam ko kung gaano katigas ang ulo ng papa ko. Sa kanya yata ako nagmana kung katigasan lang rin ng ulo ang pag-uusapan.
"Ano ba talaga ang nangyari pa? Bakit nangyari ang ganito?"
"Wag mo ng alamin anak. Ayaw ko na pati kayo madamay. Kaya kong harapin 'to mag-isa."
"Pa wag mong solohin yan. Baka dumating ang araw na may mangyayaring masama sa inyo at wala kaming kaalam alam. May karapatan din siguro kaming malaman yon para kahit paano matutulongan namin kayo.
"Anak pabayaan mo na at kayang solosyunan ng papa yan. Magtiwala ka sa akin. Ayaw kong maapektuhan ang trabaho mo at ang pag-aaral ng mga kapatid mo. Basta kong anuman ang mangyari sa akin huwag na huwag niyong pababayaan ng kuya mo ang mga kapatid niyo. Lalong lalo na si mama niyo. Sakitin yon."
"Pa ano bang pinagsasabi niyo. Magpahinga na nga lang kayo. Ang dami niyong joke na nalalaman eh."
"O sige sige matulog na muna ako."
Ipinikit nito ang mata at ako naman ay naupo sa silyang nasa gilid ng hospital bed ni papa. Tumatak sa isipan ko ang mga pinagsasabi niya at naiinis ako na kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang pakiramdam ko matapos naming mag-usap ni papa. Maya maya'y bumukas ang pintuan at pumasok si mama.
"Nagising na daw ang papa mo?"
"Opo ma, kanikanina lang. Ano ba talaga ang nangyari ma? Sino ba ang bumaril kay papa? Nung mag-usap kami ayaw niya namang sabihin."
"Pinoprotektahan lang kayo ng ama ninyo. Hindi pa ito ang oras para malaman niyo ang kasagutan sa mga tanong na namumuo sa inyong isipan. Darating din ang araw Loone. Sa ngayon aasikasuhin na muna natin ang papa mo. Yong mga papeles niya kailangang asikasuhin yon kasi lalabas na tayo sa biyernes."
"Okay ma. Sana hindi na to masundan pa. Kinakabahan ako eh. Habang dito ako sa syudad baka may mangyari na naman doon sa inyo. "
"Wag kang magalala anak. Malampasan din natin ito. O siya asikasuhin niyo na ni Lara Mae yung papeles ng papa niyo para wala na tayong problemahin sa biernes.
Ng akmang lalabas na kami ng kapatid bumukas naman ang pintuan at nakita kong pumasok sina Feynn, Maurk at Brisk.
"O Loone, paupuin mo ang mga kaibigan mo. Hija, Hijo salamat sa pagdalaw at sa tulong. Lalong lalo na sayo Brisk." Lumuluha na si mama pero mabilis niya itong pinahid at ngumiti ng pilit. "Pasensya na kayo at emosyonal ako.
"Walang anuman tita. Naintindihan namin." Sabi ni Brisk at niyakap niya si mama. "Alam ko kung isa samin nina Feynn at Maurk ang magkaproblema hindi rin magdadalawang isip si Loone na tulongan kami. Sa maikling panahon na magkasama kami itinuring na namin na magkaibigan ang isa't isa.
"Napakabait niyong mga bata. Lalo ka na Hijo dahil sayo naoperahan ang asawa ko. Maswerte ang mga magulang mo sayo dahil napakamatulongin mong bata."
Ngumiti lang si Brisk sa sinabi ni mama. May kung anong lungkot akong naramdaman sa ngiti niyang iyon.
"Ikaw pala ang tumulong sa amin."
Nabigla kami ng marinig namin ang boses ni papa. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Pa gising ka na pala. Anong gusto mong kainin?"
"Loone bakit hindi mo ako ipakilala sa mga kaibigan mo?" Ngumiti si papa.
"Ahm.. pa siya po si Brisk. Yung dahilan kong bakit po natuloy yong operasyon ninyo. Siya naman si Feynn at si Maurk po. Katrabaho ko sila at naging kaibigan na rin. Sila ang tumulong sa atin pa."
"Salamat sa tulong ninyo. Salamat at itinuring niyong kaibigan ang anak ko. At kahit hindi niyo kami ka ano ano at di masyadong kilala tinulongan niyo pa rin kami. Tatanawin naming malaking utang na loob yan. At Brisk salamat ng marami. Babayaran ka namin ng paunti unti at sana okay lang sayo yon."
Nagtinginan ng matagal si papa at Brisk na sa pamamagitan nun parang naguusap na sila.
"Okay lang tito. Gusto kong tumulong dahil ayaw kung makikitang nahihirapan si Loone." Napaehem ng malakas si Feynn. Naman! Napatingin din ako kay Brisk at seryoso ito. "At magpagaling na po kayo."
Nagtagal sila ng ilang oras doon sa ospital. Tumabi sa akin si Brisk at kinausap ako.
"Okay ka lang ba Loone?"
"Oo Brisk. Salamat ha."
" Walang anuman. Sana makatulog ka na ng mabuti ngayon kasi okay na ang papa mo. Mukha ka na kasing nakahithit ng drugs."
"Whaaaat????? Really? Drugs talaga? Am I that ugly para magmukhang adik?
"Just kidding. Para naman maconvert yong isip mo sa ibang bagay. Ang lalim kasi ng iniisip mo eh kahit kausap mo ako."
"Pero sa lahat ng paghahambingan mo sa drug addict talaga? Naku naman! Hindi nakakatuwa."
"Sorry."at nagpeace sign siya. Napatitig ako sa kanya. Ngayon ko lang siya nakitang umakto na parang batang nagpapacute. Wow! Parang ngayon ko lang na appreciate ang kagwapuhan niya. Matangos ang ilong at mamulamula ang kanyang labi. Wait! Bakit ba kung ano ano ang tinitingnan ko. Parang ang manyak ko ah. Manyak na ba yun? Ai, iwans!
"Tito, tita aalis na po kami. Babalik nalang kami dito sa biernes para maihatid kayo."
"Nako Hija wag na. Sapat na ang dumalaw kayo rito sa amin. Marami na kayong naitulong."
"Tito, walang anuman yon. And I insist po na ihatid namin kayo pauwi sa biernes.
"Nako Brisk, hindi namin alam kung paano kami makabawi sayo at sa inyong dalawa."
"Tita kusa po namin yon. Wag po kayong mag alala."
"Ang swerte talaga ni Loone dahil natagpuan niya kayo Maurk. Panatag na ang loob ko at may mabuti siyang kaibigan dito sa syudad."
Hindi matapos tapos ang pasasalamat ko sa mga kaibigan ko bago sila umalis. Tinarayan pa ako ni Feynn dahil naririndi na daw siya sa pasasalamat ko. At si Brisk naman niyakap pa ako bago tuluyang umalis. Kaya ayon may parinig rinig na naman si Feynn at Maurk. At si ako? Ayon na shock ng konti. Heheh. Konti lang ha. Its just a hug lang hah. And it is a friendly hug. Walang masyadong malisya. Pero sarap lagyan ng malisya sana. Hahah. I know the real score naman na were friends at hanggang doon lang yon. Dalawa lang yan eh,it denote something or your just assuming. At isa pa marami pa akong plano sa buhay ko. Wag muna ang landi landi na yan.
*****************
Authors Note:
Sorry for the typographical error and a not so good grammar. I hope you enjoy reading my story guys.
Isang napakacute na pagmamahal,
*cutie_tigres 😊😊😊
YOU ARE READING
The Quest of Miss Loone
General FictionHow do you react when everything doesn't go according to your plan? How does it feel when everything you sacrifice for, is in vain? How does it feel when hardships always choose you? How does it feel when love turn your world up side down? Do you wa...