Taegan
I immediately sat down after a long and tiring job. Nakakapagod dahil summer ngayon at dagsa ang tourists sa resort.
I work part time at the resort as a singer. Kapag walang gig, I work there for being a photographer for tourists. May kinabibilangan kasi ako na banda. We called ourselves, Silhoutte.
"Nakauwi ka na pala."
Tumayo ako at nagmano sa tiyahin ko.
"Magpapahinga lang po ako Tita. Babalik din ako mamaya sa resort."
"Kakanta ba kayo?"
Tumango ako bilang sagot.
"Oo nga pala Teagan, darating ang anak nila Sir Phillip. Magbabakasyon daw dito kasama ang mga kaibigan niya."
Natuwa naman ako sa narinig. "Talaga po? Kailan daw?"
Ngumiti naman si Tita sa naging turan ko. Alam niya kasing close kami ng anak ng amo namin. Doon din kasi nagtatrabaho si Tita sa resort. Isa siyang katiwala ng mga Acero at sa tagal ng paninilbihan niya sa kanila. Na appoint siyang tagapamahala ng resort. May manager naman pero kay Tita pa rin ang huling say.
"One of these days siguro?"
Tumango lang ako.
"Kapag dumating sila, ikaw ang aasahan kong mag accommodate sa kanila."
"Syempre naman. Lakas ni Yoj sa'kin eh."
"Ewan ko sa inyo. Basta h'wag kayong maging pasaway."
Tumango nalang ako.
Mabilis akong nagtungo sa kwarto ko. Pinalibot ko ang tingin dito. Color white ang walls. May poster din ng ilang banda, tulad ng Paramore at LANY. May Filipino bands din, like Parokya ni Edgar, Kamikazee, at Rivermaya.
Nalipat ang paningin ko sa kama na may black and white sheets. Patalon akong humiga doon. I giggled when I bounced back.
My eyes travelled sideways at nakita ang picture namin ni Papa.
"Malapit na po. Magiging sikat na rockstar din ako, tulad ng pangarap niyo."
My father died when I was young. He was a loving and caring man. A rockstar too, namana ko ang talento niya. While my mother, she has her own family. Hindi naman ako galit, kasi she was giving me my needs back when I was studying high school. Sa ngayon, I didn't pursue College kasi mas tinuonan ko ng pansin ang pagbabanda.
Nagkakapera naman kami dito. Dahil na din sa resort ng mga Acero. Minsan naiimbitahan din kaming tumugtog dito sa loob ng lugar namin. We also compete at sa awa ng Diyos nanalo naman kami. Talented talaga daw kami eh.
Sa kakaisip ng mga bagay bagay, bumibigat na ang mga talukap ng aking mga mata at nakatulog din.
Nagising nalang ako sa tunog ng phone ko. Mabilis kong kinuha ito sa back pocket ko. Hindi ko pala naalis.
"Hello?"
"Dude! Great news, someone heard us at the last competition. She asked if she could meet us, mukhang may offer."
Napabalikwas ako sa naging turan ni Devon. Bassist ng banda namin.
"Talaga?! Kailan daw?"
"She just checked in here sa resort. She approached me when she recognized me as a member of Silhouette. Baka mamaya manonood siya."
"Okay. I'm on my way there. Thanks for calling."
"Sige, ingat ka." Binaba na niya ang tawag at mabilis pa sa alas kwatro akong napatayo at nag head bang dahil sa saya.

BINABASA MO ANG
Xeah Rondall
Fiksi RemajaBarkada Series #2 Highest Rank in Tags: #1 squadgoals #2 lgbt #1 gl #3 wlw #9 band #5 barkada #3 lesbianstory