Taegan
"Dude wake up!"
Nagising ako dahil sa sigaw at hampas ng unan sa mukha ko. Hindi ako palamura pero punyeta.
Nataranta pa akong bumangon only to find out na nandito si Dev at Daniel sa kwarto ko.
"Tangina good morning!" Sabi ko.
"Taegan! Language!" Rinig kong sigaw ni Tita sa labas.
Ganon ba kalakas 'yung mura ko?
Natawa pa si Dev at Daniel dahil napagalitan ako. I still shoot them my death glare. Ang sarap ng tulog ko dahil naging maayos kami ni Leah, tapos ito sila nambubulabog eh ang aga aga pa.
"What!?!" Inis na tanong ko. Nanggigising pero hindi naman sasabihin kung anong sadya ang bweset lang.
Napatingin tuloy ako sa orasan dito sa kwarto ko. It was only 6 AM. That means nag hahanda pa si Tita para magpunta sa resort.
Inayos ko muna ang higaan ko at nag punta sa banyo.
"Bilisan mo at lumabas ka. We'll wait for you sa sala." Sabi ni Dan.
Mabilis akong naligo at nagbihis, nawala bigla ang antok ko dahil sa maginaw na tubig. Bweset din 'yung mga nanggising sa'kin eh.
Kung 'di lang tropa, baka nabangasan ko na ang mga 'yun.
"Oh ano?" Tanong ko ng maka labas ako mula sa kwarto.
"Sama ng gising ah." Bungad ni Tita sa'kin, sabay abot ng kape.
"Ang pangit nila manggising eh." Sabi ko. Hinalikan ko naman sa pisngi si Tita.
"Pero, good morning sa'yo my beautiful Tita." Sabi ko at ngumiti. Napangiti din siya dahil 'dun.
"Aga aga pa, Tay." Natawa ang tropa dahil sa sinagot ni Tita.
Nandito nga pala ang buong Silhouette, kasama si boss manager.
Naupo nalang ako kaharap sila ngayon.
"Humigop ka muna." Sabi ni Kendall. Nawirwirduhan man, uminom na din ako ng kape.
"Okay, so good news. I started handling the social media of Silhouette. Sa IG at gumawa na din ako ng YT account. I uploaded some videos na song covers ninyo. Nanghingi ako ng copies kay Devon." Tumango naman ako sa pinagsasabi ni Dan, habang patuloy na humihigop sa kape ko.
Nagtaka ako ng ilabas ni Alexa ang phone niya. Baka may katext lang. Naks improving ang gaga.
"Tell her, Dan." Sabi ni Dev.
"The followers in the band's IG has reached 5.1K followers, at 'yung YT subs nag 1K agad."
Nagulat ako sa good news ni Dan, dahilan para maibuga ko ang kape na iniinom ko. Tumawa naman silang lahat sa naging reaksiyon ko.
"LT ka Tay! Upload ko na 'to." Sabi ni Alexa sabay taas sa phone niya. Pinanood pa nila ulit 'yung video habang ako nakatulala lang sa kanila.
"Hey, paano naging ganon?" Tukoy ko sa pag taas ng followers namin sa IG.
"Sabihin mo salamat boss manager!" Tukso ni Dan. Ngumiti ako at inilagay ang baso sa coffee table para puntahan si Dan.
Agad ko siyang inakbayan, at nilock 'yung braso ko sa leeg niya.
"A-ah Tay, ibang pasalamat yata 'to?" Natawa naman sila sa nasaksihan.
"Kasi gago ka, sana inayos niyo muna ako ng gising no kung good news naman sasabihin niyo!"
Pinakawalan ko na si Dan. Ngumiti naman siya. "Oh diba nawala badtrip mo."
Oo naman. Kaya ngumiti na din ako ng totoo.
BINABASA MO ANG
Xeah Rondall
Teen FictionBarkada Series #2 Highest Rank in Tags: #1 squadgoals #2 lgbt #1 gl #3 wlw #9 band #5 barkada #3 lesbianstory
