Chapter 31

2.3K 102 9
                                    

Xeah 

I could not believe it. I mean I could, but kung panaginip man 'to, ayoko na yatang magising. Taegan said I am making her feel things. 

Alam kong hindi pa din siya sigurado, but hey? I'm not complaining. That's a start. 

I was so bold in kissing her while sober. Ang kupad niya eh. 

Pagkatapos 'nung moment na 'yun sa dalampasigan, mabilis niya akong inalis sa Aces at hindi ko alam kung saan kami papunta ngayon. Hindi namin gamit ang Jeep niya, kasi hiniram daw nila Devon. 

We're using a freaking bike. Nakaanggkas lang ako sa likod. Bike daw 'to ng isa sa mga staff, hiniram niya lang. 

"Where are we going?" Tanong ko. 

We were on the road, kung saan patungo din sa beach spot na pinagdalhan sa'kin ni Morgan noon. It was already dusk, at ang layo na namin. 

"May tiwala ka ba sa'kin?" 

Of course! Sasama ba ako kung wala?

"I trust you."

"That's all I want to hear." Sagot niya, sinilip ko siya ng konti at nakangiti lang siya. Napapangiti din ako at hinigpitan ko ang pagkapit sa bewang niya. I felt her stiffened for a bit, but relaxed after a while. 

Do I have that effect on you T? I'm glad, I am affecting you. 

Napansin ko na nadaanan na namin ang beach spot na pinagdalhan sa'kin ni Morgan. Madilim na dito, the only light we have is Taegan's phone. At 'yung reflective pavement markers. Ang gandang tingnan, kasi solar yata nagpapailaw nito. Tsaka napatingin din ako sa kalangitan, maraming mga bituin. Napangiti ako, somehow this ride is romantic. 

"T, are we there yet?"

I heard her chuckle. Napaka mabini naman 'non, hindi yata ako magsasawang pakinggan ang tawa niya. 

"Malapit na."

Wala namang magandang spot dito eh, ang alam ko lang this road leads to Oriental na. 'Yun ang sabi sa'kin ni Morgan noon. Walang masyadong nadaan ngayon ah. 

After a couple of minutes, we finally stopped. Humihingal si Taegan at bumaba na ako sa pagka angkas sa bike. She laid down the bike and breath in a lungful of air. "Sana pinag drive mo din ako, masyado kang hinihingal."

"Hindi, ayos lang."

Ngumiti siya, as if reassuring me that she's fine. Lumapit ako sa kanya at pinahid ang pawis na namumuo sa noo niya. Taegan blushed at the contact. 

"I should commend myself for making you blush, twice today."

She chuckled and held my hand. Napatitig siya sa mga mata ko. Kahit madilim, medyo naaaninag ko pa naman siya dahil sa flashlight ng phone niya. 

"Sino bang hindi mamumula kung napakagandang dilag ang nagpapahid ng pawis mo?" My smile dropped, at napalunok ako ng laway ng wala sa oras. I've been receiving compliments like this, but nothing beats it when it comes from Taegan. 

Oo na, gets na namin na crush mo siya! Ang landi! 

Shut up mind. 

Napatawa ng mahina si Taegan.

"Cat got your tongue, binibining Xeah?" 

Oh my freaking ghad! Why does taglish fits her and it sounds so sexy?! Ang unfair! 

"I'd prefer that you'd suck it." Bawi ko naman. Nabitawan niya ang kamay ko at nanlaki ang mata niya. And that sentence made her blush, for the third time.

Xeah RondallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon