Taegan
Sobrang thankful ako ngayon. Hindi lang dahil ayos na kami ni Mama, kundi sa pagiging thoughtful din ni Xeah. Sa totoo lang, wala akong lakas ng loob na harapin si Mama after what I said to her at the hospital.
Thanked Xeah for that, siya mismo gumawa ng paraan. Which I'm really glad for. Nakita ko ulit kung paano sumilay ang ngiti ni Mama, kung paano tuwang tuwa si Morgan na we're back on track na. I also know how happy Xeah felt for me. Sobrang girlfriend material. And I am more grateful for the universe that she's mine. To the Lord who gave her to me.
As for Peter, he was banned to step in Pakan. So he went back to Manila. Kahit pa anak siya ng dating Congressman. He knows the rules. Kung hindi naman siya susunod, then walang choice ang heads ng community namin kundi ang takutin siya. Lahat din ng motor nila, nasa community na namin.
Nakalimutan ko yata idagdag ang information na 'yun, lahat ng talunan, sila mismo ang magbibigay ng mga motor nila sa heads, mostly ginagamit nila sa race kung maganda ang pagka customized, kung hindi naman, hinahabilin nila kay Devon upang gamitin sa rental shop nila. Syempre inaayos ulit namin, para hindi halata.
Of course, hindi na nagtaka ang Papa ni Devon kung bakit padami ng padami ang motor nila. Si Yoj ba naman pinain namin. Tawang tawa kami sa naging reaksiyon niya eh. Pinalabas namin siya nag donate 'non. Pero sabi ni Tito, 'yung partial na kitain daw, sa kanya ibibigay. Tinanggap ni Yoj 'yun, pero ibibigay niya din sa community.
Sabi niya pa, patayo na lang daw ng tambayan ng community. Which we all agreed on, sobrang saya nga ni Dennis. Baka sa susunod, ma approve na ang safe race, irerekomenda niya daw kay Mama para sa susunod na fiesta o foundation day ng Pakan.
All is well naman. Smooth sailing nga kami ni Xeah at ang iba naming kaibigan sa kanya kanyang relasyon.
"Masyadong creepy men." Pukaw ni Devon sa'kin. Nabaling ang atensiyon ko sakanya. She just saw me smile at nothing in particular. Natawa naman ako sa kanya. Ngayon, we're all preparing for the fan meet event ng Silhoutte dito sa Oro City. My wounds are healing and hindi na siya masyadong halata, naka jacket naman ako. 'Yung sugat ko sa noo, naka band aid nalang na may design na spongebob. Don't ask me why, Xeah put it on me ealier before we left Pakan.
Nasabi na din namin sa parents niya ang totoong nangyari. They were surprised, but they were worried. Kinausap nila kami ng masinsinan na dapat hindi na kami gagawa ng bagay na ikakasama sa amin. They were glad that I was fine at walang natamong major injuries. Nahiya pa nga ako nang ininspeksiyon pa ako ni Tita Roselei, kasi sobrang nag-alala. Pero natawa naman kami nang pinakwento ni Tita Reese ang racing, kung nanalo ba daw ako o kung ang bilis ko ba daw magpatako. Kaya nabatukan siya ng asawa niya.
At the end, pinaalala lang nila na it was okay and we should inform them if something major problems arise like the previous one. Sobrang bait ng mag-asawa, akala nga naming pagagalitan kami. But all we heard about HAEX Ent. really are true, that they are treating all of their employees well.
"Ready na. Magsismula na." Daniel reminded us. Tumango lang kami ng banda. Nasa isang mall kami ngayon dito sa Oro City. At sobrang nagulat kami dahil ang daming dumalo. We have to play one song which is the debut song. Pero mamaya pa.
Nagsimula na ang event. Kaya in-entertain namin ang lahat ng fans, ang Umbra. Sobrang saya namin dahil nakakatuwa ang mga pinagsasabi nila. Some of them dumayo pa talaga. Nakita pa namin 'yung ilang taga Oriental na minsanan naming nakikita pag may gig kami sa Oriental. Nandito din 'yung mga college students na nakita namin sa Davao.
Natuwa pa sila nang malaman nilang naalala namin sila. May ibang fans naman na nagpapa picture sa amin, tsaka humingi ng autograph. May iba naman na may ibinigay pa talaga. Sobrang nakakataba ng puso. We appreciate them for doing this for us. Kaya naman, we really need to work hard to give back, to share to them our music. At pagkatapos ng event na 'to, we'll be working hard.

BINABASA MO ANG
Xeah Rondall
Teen FictionBarkada Series #2 Highest Rank in Tags: #1 squadgoals #2 lgbt #1 gl #3 wlw #9 band #5 barkada #3 lesbianstory