Chapter 39

2.3K 106 22
                                        

Xeah

"Isn't she pretty?"

Kumunot ang noo ko sa naririnig. Nanaginip ba ako?

"Yeah, she is." May sumagot naman.

Teka parang pamilyar ang mga boses ah?

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, only to find out that two of the people whom I consider important and special in my life are in my room.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

"Good morning Ate Xeah!"

He giggled and climbed up on my bed. Gulat man ay masaya ko siyang sinalubong ng yakap.

"Shu! I missed you baby boy!"

He laughed as I showered him with kisses.

"Ako din, pasali."

Narinig ko pang komento 'nung isa. I don't mind showering her with kisses too, but Shu is here.

"Magandang umaga binibining Xeah."

She greeted, it's no other than my maligalig na manliligaw.

Nakaupo siya sa dulo ng bed.

Tiningnan ko lang si Shu, he pulled away from the hug already. "Kailan ka dumating? Who's with you? Pupunta ba sila Ate Rail? Si Tito Rohan? Si Lola Beatris?"

Shu shut me up by covering my mouth. He sighed. "Isa isa lang po." Napakamot naman siya sa ulo niya.

Natawa lang si Taegan sa nasaksihan. "Sorry." Sabi ko nang inalis niya na ang kamay niya.

"Kanina lang po kami dumating. Kasama ko si Papa, nasa labas po siya kausap si Kute. At opo, pupunta silang lahat dito." Tumango naman ako.

I pinched his cheeks dahil nanggigil ako.

"Kaya get up na po, they're excited to see you."

They?

Umalis naman si Shu sa kama. Hindi pa ako tapos panggigilan siya eh. Napalabi naman ako dahilan para matawa si Taegan.

"Susunod kami Shu." Tumango lang ang bunso namin at nagpaalam upang lumabas, he closed the door on his way out.

Ngayong wala na siya, nabaling ang atensiyon ko kay Taegan.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya.

"Gisingin ka raw namin. Si Shu lang sana pero 'nung nalaman niyang manliligaw mo ako, sinama niya ako dito."

Napakamot siya sa batok niya. I gestured her to come close, which she did. Buti naman at masunurin.

I immediately grabbed her and hugged her. Tila naman para siyang naestatwa sa ginawa ko. Hindi pa rin ba siya masasanay? I'm clingy if she hasn't notice yet.

"I miss you." Natawa siya ng mahina at naramdaman ko nalang ang mga braso niyang nakapulupot na din sa'kin. I smiled at the gesture.

"Nagkita tayo kahapon. I was the last person you saw before you went to sleep last night."

Oo tama siya. Pero masisisi niya ba ako, kung namimiss ko siya? Hindi! Ewan ko ba, hindi pa kami pero sobrang nakakagaan kasi ng pakiramdam kapag kasama ko siya. And I wanted to be with her every second.

"Wala kang pakialam." Mataray na sabi ko. She just chuckled. Sanay na siya sa pagiging ganito ko. Nagiging moody minsan.

Sinubsob ko ang sarili ko sa leeg niya para amoyin siya. She smells good. At dahil hindi pa nga ako tapos panggigilan si Shu, I took this chance to bite her neck.

Xeah RondallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon