Taegan
Pangalawang araw ng summer. Mukhang fully booked ang resort.
Sobrang busy ng mga staff. Hindi ko nga mahagilap si Tita, sobrang busy siguro talaga.
While I'm just here sa may bangka, naghihintay ng mga tourist na sasakay.
Why? I take their pictures. Nagiging hobby ko din ang pagkuha ng mga litrato.
Kasi nga magiging busy na ang mga tourists sa pag langoy so I'll take their pictures while they're enjoying the activity and the view.
"Taegan!"
Napalingon ako sa papalapit na si Kuya Kevin. He's one of the regular staff in the resort.
"Tawag ka ng Tita mo. Nandun siya sa lobby. Uutusan ka yata."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Pero sino kukuha ng pictures?"
Nilahad niya naman ang kamay niya. "Akin na, sabihan ko nalang si Darwin na siya ang kumuha. Importante yata kasi Tita mo nag utos eh."
Ibinigay ko naman ang DSLR kay Kuya Kevin at pinasalamatan siya bago ako umalis.
Dumiretso ako sa lobby kung saan si Tita Agnes. She just got off from a call when I arrive. She turned to me when she saw me.
"Pumunta ka sa terminal, sunduin mo daw sila Ma'am Yoj."
"Nandito na sila?" Gulat kong tanong.
"Oo, ewan ko ba sa batang 'yun. May kotse naman sila, pero mukhang gusto ma experience ang Jeep mo."
Ngumisi naman ako.
"Mag-ingat sa pagda-drive ha. Tsaka h'wag mong kulitin si Ma'am Yoj."
"Tita naman, siya po talaga 'yung nangungulit hindi ako."
"Oh siya, lumakad ka na. Baka nag hihintay na 'yun."
Tumango ako at mabilis na nag punta sa parking lot kung nasaan ang Jeep.
I wore my sun glasses and drove towards Pakan's terminal.
Nang marating ko ang terminal, hinahanap ko pa si Yoj. Matagal tagal na rin simula noong magkita kami. But I could still recognized her dahil sa gandang taglay ng batang 'yun.
Bumaba na ako ng Jeep nang maka park ako ng maayos.
Sana man lang kinuha ko number niya kay Tita. Tanga din Taegan!
Nag ring bigla ang phone ko, kaya mabilis kong kinuha mula sa bulsa ko.
"Taegan, nandito ka na ba sa terminal?"
I instantly recognized the voice.
"Yoj! Nasa kabilang kalsada ako, kaharap ng terminal. Dito ako nag park." Masayang turan ko.
"Oh, okay I see you. Tara na guys, she's here."
Rinig kong sabi niya sa kabilang linya. She ended the call, napapalingon pa ako sa paligid para makita sila.
Once I saw them, I smiled. Yoj grinned upon seeing me. Sinalubong ko siya ng yakap.
"What's up little dude?!" Yoj hugged me back with the same tightness.
"Namiss kita." She said.
"Same here, same here."
We broke the hug at she gave way just to let me see her friends.
"You're really stunning Tay. Look at them staring at you." Tukoy niya sa mga bystanders na napatingin sa amin.
"Loko ka. Malamang nakatingin 'yang mga 'yan dito kasi ang gaganda ng mga kaibigan mo." Natawa naman siya mahina.
BINABASA MO ANG
Xeah Rondall
Roman pour AdolescentsBarkada Series #2 Highest Rank in Tags: #1 squadgoals #2 lgbt #1 gl #3 wlw #9 band #5 barkada #3 lesbianstory
