Chapter 42

1.8K 113 58
                                    

Taegan

I was staring at the sky. Sobrang ganda kasi papalubog na ang araw. May mga ibon na lumilipad, papauwi sa kani kanilang tahanan. Ah must be nice.

Habang papauwi sila, nandito kami, naghahanda sa mangyayari ngayong gabi.

Kasama ang mga kaibigan ko, nandito kami ngayon sa may cliff. Sa spot kung saan ang pinaka paborito hang out naming lahat. Noon, manonood lang kami ng sunset then sabay talon. Ngayon, nag-iisip lang.

Kasama din namin si Niko. May dala dala kaming thermos, kape, at mga baso. Ewan ko ba anong trip nila. Pero whatever it is, I'm down for it. Caffeine will be helpful for later.

Tapos na ang kaarawan ni Xeah. 22 na ngayon, bukas birthday ko na. 

After the day of Xeah's birthday, minabuti ko talagang aliwin siya sa buong araw na 'yun. So that I could have an excuse to rest kuno.

I reminded her friends too, sila Yoj, na kung pwede sila muna ang maglibang sa kanya. Or just distract her para maiwasan niyang puntahan ako sa bahay. Tita Agnes, well, Yoj said she got it covered. I trust my little dude.

"Ito oh, kape. Para mas dama mo 'yung pagkatulala mo, mas intense." Abot sa'kin ni Dan ng isang basong kape. Natawa sila.

Naupo kami sa hood ng Jeep ko. Sila Morgan naman, sa likod ng Hilux niya. Kasama namin si Sheira, we need her for later.

"May nakausap ako. Halos mga audience lang din noon ang manonood. Pero shit ni Peter ah, may inayang taga ibang bayan."

Tumango kami. Peter Baes. Sabi ko na nga ba, this is why I don't like him. Laging sangkot sa gulo, ngayon naman kami ginugulo niya.

"He seems to know I'm seeing Xeah. What does that mean?"

"Don't sweat it Tay. He's probably just whining about his ego being stepped by you, lalo na at may namamagitan sa inyo ni Leah noon." Sagot naman ni Morgan.

"Xeah will be fine. Kasama niya mga friends niya. Focus ka muna mamaya."
Tumango ako sa sinabi ni Devon.

"He's just probably envious of you." Alexa said which made more sense to me now.

"Actually noong mini reunion natin sa dryer, he said something about me. Mag dahan dahan daw ako."

"Come to think of it, bakit ikaw 'yung pinagpustahan niya? He's really envious of you."

"At bakit naman? He's the son of the previous Congressman. Mayaman siya. Sana inayos niya 'yung ugali niya, tiyak may maghahabol pa sa kanyang mga babae."

"That must be it. Ikaw hindi ka mayaman, anak ka ng tatay mo, pamangkin ka ng tita mo, friends mo kami, wala ka pang ginagawa pero agaw pansin ka agad. Huminga ka lang–"

"Ay hala ang OA mo. Tsaka anong connect ng friends ko kayo? " Putol ko sa sinasabi ni Devon.

Natawa naman sila. 

"Kasi we're pretty and hot." Mayabang na sagot niya. Nag high five pa sila ni Alexa. Malala nato. Nalasing naman sila noong birthday ni Xeah ah? Ah baka kasi gusto ng gin. Eh Alfonso sinerve 'non eh. Oo, iba sila mag-isip pag lasing, tumitino kinabukasan. Nag expire na siguro ang hang over.

"Pero baka tama si Dev. Anak ka ng tatay mo." Napailing nalang ako kay Kendall. Inulit pa eh.

"Gusto niya siguro ulitin. Ikaw Ken, anak ka ng ina mo." Nagtawanan naman kami. Mga siraulo talaga.

"Tsaka ano, isa si Taegan sa mga heads ng community. Peter could never go in, dahil sa bad records niya." Sambit ni Niko.

"Yeah, that must be it. He's really envious of you Tay." Sang-ayon pa ni Sheira.

Xeah RondallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon