Taegan
Nag impake na kami ng damit for the gig sa Davao.
Sa ngayon nandito kami sa bahay kasi kinakarga na namin ang mga instruments na gagamitin namin, sa van nila Dan. Of course, it's the van that we always use noon.
Patapos na kami ng may na received akong text.
"Mamaya na 'yan, check mo muna ang lahat baka may nakaligtaan tayo." Paalala ni Devon.
"Eh kung ikaw nalang kaya?" Sabat ni Alexa. Binalik ko nalang ang phone ko sa bulsa ko.
"I'm handling the snacks." Sarcastic na sagot ni Devon.
"I'm handling the snacks nye nye nye! Drive thru tayo mamaya pag dating natin sa Del Norte ha." Sabi ni Alexa. Naiinis na nga siguro siya.
Natawa nalang ako.
"Oh ito tubig, para hindi na kayo mag stop over." Lumingon naman ako kay Tita Agnes, she gave us a small water jag.
Mabilis naman 'yun na inabot ni Dan at nilagay dito sa likod.
"Tita kaya na po namin. Kailangan ka po sa resort." Sabi ko.
"Mas importante ka, kayo. Who knows baka may nakalimutan kayo. Nag double check na ba kayo?" Tanong niya pa.
"Okay na po lahat Tita A." Sabi ni Kendall. Sinarado na namin ang likod ng van.
"Mag-ingat kayo ha." Naluluhang paalaala ni Tita.
"Tita hindi pa magpapakasal si Taegan." Tukso ni Devon dahilan para matawa kami.
"Kanino ba ikakasal?" Tukso ni Tita sa'kin.
Oh gosh ito na naman."Edi kay Leah." Alexa said.
"Kay Leah nga ba? Hmm?" Bulong ni Tita sa'kin, alam kong tinutukso niya ako simula nang makita niya kami ni Xeah na magkalapit.
And how I wish she didn't.
"Tita." Saway ko.
"Oh siya sige, lumakad na kayo baka gabihin kayo sa daan." Sabi ni Tita. Tumango naman kami.
"Ay teka picture muna dali."
Mabilis pa sa alas kuwatrong nagsilapitan ang mga kaibigan ko dito sa likod para magpicture. Gamit pa din ang mga phones namin, natatawa nalang si Tita sa dami ng hinawakan niya.
"Wait banda muna." Sabi ni Dan at nagpunta sa tabi ni Tita para kumuha na din ng litrato.
"Say Silhouette!"
Nag pose naman kami.
"Silhouette!"
"Ayan, we all look good." Komento ni Dan habang bina browse ang mga pictures.
"Wala pa ba si Leah? She's not seeing you off?" Tanong ni Kendall.
At the mention of her name, I can't help but to feel sad and angry at the same time.
It was last minute last night nang tumawag siya na hindi pala siya sasama dahil her Dad asked her to accompany Paolo.
Yep! Paolo again.
"Hindi na. Tumawag naman na 'yun kanina." Palusot ko nalang. Makahulugan akong tiningnan ni Tita Agnes at ni Devon.
"Oh siya, umalis na kayo. Mag-ingat sa pagda-drive ha." Paalala ulit ni Tita sa amin.
"Opo." Sabay sabay naming sagot. Isa isa naman kaming yumakap kay Tita bago sumakay sa van.
Si Dan muna ang nag drive, salisihan nalang kami mamaya. Lahat naman kami may driver's license na.

BINABASA MO ANG
Xeah Rondall
Teen FictionBarkada Series #2 Highest Rank in Tags: #1 squadgoals #2 lgbt #1 gl #3 wlw #9 band #5 barkada #3 lesbianstory