Taegan
After umalis ng lahat, kami nalang ni Tita Agnes ang nandito sa kwarto. Tahimik lang siya. She gave me an earful of sermon kanina. So that's why she's quiet already.
She was on her phone. At bored ako. Sana naman dalhin nila gitara ko. At hindi ko alam kung nasaan ang phone ko.
Kumusta kaya si Morgan? Is she okay now?
"Tita? How's Morgan po?"
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa 'yung taong hindi ko inaasahang magpunta dito sa loob ng kwarto ko.
"She's fine Taegan." Sagot nito. Napatingin ako kay Tita Agnes, she only gave me a soft smile.
"Kailangan niyong mag-usap." She said at hinalikan ako sa ulo ko bago siya lumabas. She even tapped Mayora's shoulder, leaving us both with an awkward silence.
I watched her walked towards me. May dala siyang basket na may laman ng prutas. She sat on the chair on the right side of the bed. Tahimik lang akong nakamasid sa kanya.
I don't want to do small talks with her tsaka hindi ako sanay na ganito. We're only talking when it comes to favors and performance, kapag may utos related sa mga tulong sa mga taga Pakan. Not like this. This is personal.
But what can I do? Sinabihan na din ako ni Xeah that I should talk to her.
"How are you feeling?" Basag niya sa katahimikan. I looked at her.
"A-ayos lang po."
Tumango siya, tsaka she's slicing me some apple. She gave me a piece, nagpasalamat naman ako.
"I'm sorry about what happened yesterday."
"Sorry din po. Hindi ko napigilan sarili ko na sagutin ang mga magulang niyo. I'm used to them badmouthing me, but not my father. I hope you understand."
Natigilan si Mayora sa sinabi ko. I can be straightforward when I want to.
"Taegan, kasalanan ko din naman. Naging pabaya akong ina sa'yo. I'm sorry sa lahat ng mga pagkukulang ko sa'yo."
I softened. Kahit papano, Mayora was nice to me ever since I knew her. The issue was her parents. They don't accept me as her child.
"May kasalanan po ba akong nagawa? May kasalanan po ba si Papa sa mga magulang ninyo? Ayos lang naman sa'kin na hindi nila ako tanggapin."
Mayora started tearing up. Did I say something wrong?
"I'm sorry Taegan. Sana mapatawad mo ako. Sana bigyan mo ako ng chance para maging ina sa'yo. Let me give you the care of a mother. I want to show you how much I love you,anak."
Napangiti ako sa sinabi niya. That word, that simple one word makes me soft. That means a lot to me. I know how sincere she is. Pero ayoko na ng gulo. I guess this is enough. Medyo nawala na sa isip ko na patunayan ang mga magulang ni Mayora about sa career na tinahak ko. Masaya na ako. Natutupad na mga pangarap namin ng mga kaibigan ko, masaya kami dito, may girlfriend akong sobrang mahal ko, may Tita Agnes akong para ng anak ang turing sa'kin.
Tama na 'yun. Ayoko na din mahirapan si Mayora sa pakikitungo sa'kin. Masaya na akong nakilala siya bilang babaeng nagluwal sa'kin at ang babaeng minahal ni Papa ng husto, hanggang kamatayan.
"Kausapin niyo muna mga magulang niyo. All your life, sila inuuna mo. Ayoko na pong makadagdag sa alalahanin ninyo. Mas mabuti po yatang kalimutan niyo nalang ako. I'm causing you trouble at hindi ko po gusto 'yun. Mr. Hernan seems like he's fixated on hating me as a continuation of hating my father."
BINABASA MO ANG
Xeah Rondall
Fiksi RemajaBarkada Series #2 Highest Rank in Tags: #1 squadgoals #2 lgbt #1 gl #3 wlw #9 band #5 barkada #3 lesbianstory