Chapter 8

2K 92 5
                                    

Taegan

Nang makarating kami sa bahay nila Mayora, sobrang daming tao. Kung busy kahapon, mas busy ngayon.

Grabe lang.

It was already 3 PM when we arrived at nag check kung ayos ba 'yung mga instruments namin at equipment. Tinulungan na din kami ni Dennis.

Binigyan niya din kami ng snacks.

"Thanks Dennis." Sabi ko.

"Kung magbibihis na kayo, doon lang kayo magbihis sa ikatlong pinto mula sa kusina." Tumango naman kami.

"Grabe dude, gaano ba kahalaga mga tao na inimbita ni Mayora? Tingnan mo oh, sobrang daming tao just to make this place look elegant." Kendall said, napatingin lang kami sa paligid. Sa backyard kasi naka set 'yung stage, at ang laki pa ng tent na nakaset up dito sa likod. Parang 'yung buong backyard yata eh.

Napatango naman ako. Nakakamangha din kasi, the place look elegant, pati din doon sa loob ng bahay eh, there were decorations, at may nakalatag pa na white carpet dito sa likod hanggang doon sa loob ng bahay at entrance eh. They even had to changed the chandelier.

"What do you expect? Mayor Lilianne Dela Cuesta 'yan." Sabat naman ni Alexa.

"Kilala mo naman siguro asawa niya diba? Kilalang negosyante si Sir Johan."

"Baka mga kapartido sa pulitika at mga kasosyo siguro?" Sabi ni Devon.

Nagkibit balikat nalang ako.

I don't want to pry on who are the people they invited. Nandito kami para tumugtog. Bonus pa dahil makikita ko ang girlfriend ko mamaya.

Sumapit ang alas cinco, nagbihis na din kaming apat. Formal attire raw ang theme ng party na 'to kaya nakasuot din kami ng suit.

Thanks to Kendall's aunt, pinahiram kami ng suits galing sa rental shop niya. Sakto pa sa size talaga namin eh.

"Wow, we actually look good." Natawa kami sa sinabi ni Kendall nang pagmasdan namin ang mga sarili sa harapan ng salamin.

We all wore the same black tuxedo. Naka loosen lang ang neck tie ko at binuksan ang coat. While Devon didn't wore any tie. Kendall wore it formally, and Alexa wore a bow tie.

"Holy shit, ang gwapo natin."

"Pucha, take a picture. Upload natin sa IG ng Silhouette." Devon said.

"Good idea." Sabi ko.

Kaya nag picture naman kami. As a group and din nag solo shots kami. Para kaming mga timang.

"We look like pros going in for our concert." Sabi ko.

"Manifest natin 'yan." Ngumiti kami.

After we were done, lumabas na kami sa kwarto na inookupa namin at dumiretso sa stage. May ilang bisita na din kaming nakita.

Tinawag kami ng host ng party.

"You'll perform at exactly 6, okay?" Tumango naman kami.

"Tawagin nalang namin kayo. Just don't wander around too much." Nag thumbs up nalang ako.

"Man, I think we need a manager." Suhestiyon ni Kendall.

"If we go big, then we'll definitely need one." Nag high five sila ni Alexa.

"Yeah, we'll do that. For now, magtiis muna kayo sa'kin." Sabi ko dahilan para matawa sila.

"You're definitely the best manager we have." Natawa ako sa sinabi ni Devon.

Xeah RondallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon