Chapter 25

2K 88 10
                                    

Xeah

"Bunsooo!"

I looked up from my phone to see Luci is skipping from outside towards me.

Nakataas ang kilay ko sa kanya.

"What?"

"Sungit." She giggled. Nandito na naman ang pagka isip bata niya.

"Stop bothering Xeah." Saway ni Yoj.

"Wow grabe bother agad? 'Di pwedeng sister muna?"

Pareho kaming napatingin kay Luci dahil sa sinabi niya.

"Was that supposed to be a joke?" Yoj asked. Hindi ko mapigilang matawa dahil sobrang corny 'non.

"Tumawa si Xeah, so it was a joke."

Umirap nalang si Yoj.

Kakatapos lang namin mag edit sa last video. Tinotoo nga ni Yoj. She edited Leah out.

"Damn, sayang 'yung scene. Ganda pa naman 'nung tumalon tayo lahat."

That was Luci's line 'nung ma review namin ang video.

"What do you want at ako 'yung ginagambala mo ngayon?"

Tanong ko naman.

"Samahan mo akong uminom."

I looked at her with disbelief.

"Hindi ka ba nadala noong nakaraan?! You were so wasted na akala mo naman parang pinagsakluban ng langit at lupa kung uminom!" Naiinis ako sa kanya.

Oo malakas kaming uminom pero hindi dapat na ganon nalang this whole summer.  She was pretty wasted and her video got uploaded. Hindi lang 'yung naka duct tape siya at binuhat siya patungo sa beach. Pati na din 'yung little escapade nila Alexa.

Pinag pyestahan tuloy siya ng mga juniors namin sa basketball team. Seiya was laughing hard at Luci.

"Pagsabihan mo 'yan Xeah." Lumabas naman si Rahi mula sa kwarto nila.

"Eh hindi naman ako magpapakalasing eh."

"No." Sagot ko.

"Oh chill ka muna, may bisita ka." Napatingin ako kay Marceline, papasok siya dito kasama si Morgan.

She smiled widely when she saw me.

"Uy wow, ligalig mo naman Morgan." Luci teased her, nakita kong namula si Morgan.

Tumayo ako at sinalubong siya.

"Hi." Bati niya.

"Ba't kaya kapag may gusto kang tao, halos 'di mo makita 'yung ibang kasama? Ano display lang kami dito?"

Narinig kong tumawa si Marceline at Rahi.

"Sorry." Morgan chuckled.

"Wag mo nalang pansinin." Sabi ko.

"Luci, tara na nga lang at maghunting sa labas. Ingay mo." I was surprised that Yoj insisted that idea. Napatingin tuloy ako sa kanya.

"Weh?! Totoo?!" Luci was excited kaya mabilis niyang hinawakan si Yoj at kinaladkad.

"We'll just stay here, movie date muna kami." Marceline said and clung to Rahi. Sweet.

"See you later." Sabi ni Yoj when she passed us.

"Hello ladies!" Rinig naming sigaw ni Luci sa labas. Napailing nalang ako.

"Sorry about that." Sabi ko kay Morgan.

Xeah RondallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon