Chapter 48

1.9K 90 8
                                    

Taegan

"Thank you for today, Silhouette!"

Sambit ng ilang staff na katrabaho namin.

"Thank you din po sa hardwork niyo." Tugon namin sa kanila at ngumiti.

Well, Dan said the higher ups want us to film our everyday life kuno for the fans. Para mas makilala daw kami ng fans namin.

That was actually a nice idea. Katatapos lang namin for the first video actually.

Binigyan din namin ang staff ng snacks before kami nag pack up.

Nagpasalamat naman sila.

Dumiretso na kami ng Silhouette kasama si Dan, pabalik sa kompanya. Ngayon na din ang release date ng bago naming single. We've promoted the song through a video greeting, which was done yesterday.

Naging busy na din talaga ang schedule namin.

Sakto naman na dumating kami sa kompanya, lahat kami pinatuloy sa conference room. Kasama namin si Noah tsaka si Dan, at ilang staff. Nag set up sila ng camera. We're going to watch the release of the song at sabi ni Dan, we'll be live right after to interact with fans and their comments.

The music video of the song, we shoot it during Monday hanggang Wednesday. Hindi naman masyadong complicated ang mga pinapagawa nila. Lahat kami nag enjoy while doing the MV.

"Oh, it's almost 12 noon. Malapit na." Noah said kaya tumango kami.

The staff handed turned on the laptop tsaka tiningnan namin ang mga comments habang hinihintay ang MV.

They gave us some balloons and party blower.

Act natural lang daw. Sana 'di nila sinabi 'yun. Baliw pa naman 'tong mga kaibigan ko.

"Grabe dami namang comments." Sambit ni Kendall.

"Hi Umbra." Alexa said. Natawa naman kami.

"Practice lang eh."

Napailing lang si Dan.

"The camera is ready, guys." Sabi ng isang staff kaya tumango kami.

Nag countdown na. Sabay naman kaming nag count down na apat.

"3, 2, 1! Ayan na!"

The MV started at natuwa nalang kami nang makita ang mga mukha namin. The camera was filming it.

"Hoy ang ganda ko d'yan sa part na 'yan." Tawang tawa kami kay Alexa sa sinabi niya sabay turo sa part kung saan naka focus sa kanya.

"Waah! Ang tanga mo Dev! Nadapa ka talaga 'dun oh. Umbra, talaga pong nadapa si Devon 'dun!" Nagtawanan ulit kami sa sinabi ni Kendall. Pinalo naman siya ng balloon ni Devon.

"Hoy, Kendall ba't ganyan mukha mo 'dun oh." Pinause ko muna ang video tsaka tinuro.

"Meme worthy!" Tawang tawa kami dahil pinutok ni Kendall ang balloon sa may ulo ni Devon.

Inawat ko na sila at nagpatuloy kaming nanood.

"Grabe, Taegan natural ka ba? Wala kang bad angle." Komento ni Devon.

"Camera shy kaya ako." Tinawanan naman nila ako.

"Ulol!" Napatakip pa si Devon ng bibig niya.

"Pwede ba 'yun?"

"Hala ka!" Umarte kami na parang mali ang ginawa niya. Kita namin dito sa kinauupuan namin ang pigil na tawa ng mga staff namin. Aliw sila sa amin eh.

"Meron bad angle oy! Tingnan mo last part." Sabi ni Alexa.

Xeah RondallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon