Taegan
Sumisipol akong naglakad papuntang kusina, sa loob ng bahay namin.
"Aba ang saya ng pamangkin ko ah."
Napangiti ako dahil bumungad si Tita galing sa kwarto niya.
"Hindi naman po masyado."
"Weh? Ibang ngitian 'yan oh." Turo pa ni Tita sa'kin. She's giving me a teasing smile.
"Good morning everyone!" Nagulat kaming dalawa ni Tita sa pagsulpot ni Kendall. Kasama niya ang buong Silhouette, kabilang na din si Dan.
They were smiling. Pareho yata kaming mga nasa good mood ngayon ah?
"Kumatok naman kayo. Ginugulat niyo ako eh."
"Tita A, para ka namang others d'yan." Alexa said, napailing nalang ako.
"Wag na po kasi ihalo 'yung gatas at kape. Hindi niyo ba alam na pampatibay 'yun ng nerbyos?" Kendall said, dahilan para matawa ako.
Gaga talaga 'to.
"Anong sadya niyo? Ba't kayo napaaga?"
"Pinatawag tayo ni Noah. Luluwas tayo ng Oro City ngayon." Gulat akong napatingin kay Dan.
"Ha? Bakit biglaan?"
"Nabigla din ako eh. But I guess, the record label wants to see you guys."
Napatingin ako sa mga kaibigan ko. They were all excited. Kaya tumango nalang ako.
"Kain muna tayo?"
"Tapos na kami, ikaw nalang kumain." Devon said.
"Ilang araw tayo dun?"
"Not sure, but you have to pack some clothes na din. Baka mag stay tayo ng ilang araw doon."
Napalabi naman ako. Kakaumpisa ko palang manligaw kay Xeah, tapos hindi ko pa siya makikita ng ilang araw, kung mananatili nga kami sa Oro City.
"Okay."
Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Nagpaalam na din ako kay Tita Agnes. She said she's proud of us that we're really close to our dreams. Kahit kami din.
I packed four pairs of clothes na din.
"Punta muna ako ng Aces saglit." Sabi ko sa kanila.
"Manliligaw duties?" Asar ni Dev. Napailing nalang ako.
"Huh? Manliligaw? Sino?" Alexa asked.
"Si Taegan, nanliligaw kay Xeah."
"What?!" - Dan.
"Totoo?!" - Kendall.
"Sino ka at nasaan ang kaibigan namin?! Ilabas mo si Taegan!" - Alexa
Napairap nalang ako. Medyo OA sila maka react doon.
"Nakakagulat ba talaga?" Tanong ko.
"Wow, congrats dude!" Kendall said at niyakap ako. Natatawa ako eh.
"Para naman akong naka graduate d'yan sa congratulations mo, Ken."
"Aba malamang! Graduate ka na sa pagiging play girl!" Alexa said at nagtatalon pang napayakap sa'kin.
"Mukhang nagbabago na kayo ah. Silhouette members are stick to one na." Naiiyak pa na sabi ni Dan. He's teasing us.
"Gago." Sabay sabay naming sagot.
"Si Xeah lang pala magpapatino sa'yo? OMG akala ko talaga balik Taegan the play girl ka after Leah eh." Sabi pa ni Alexa. Nahihiya tuloy ako.
"Xeah is worth it, you know."

BINABASA MO ANG
Xeah Rondall
Teen FictionBarkada Series #2 Highest Rank in Tags: #1 squadgoals #2 lgbt #1 gl #3 wlw #9 band #5 barkada #3 lesbianstory