Chapter 1 - Beginning

68 6 0
                                    


Erin's POV


Nagmamadali akong nagbihis dahil male-late na ko sa school. Pagkatapos ko kasi sa trabaho ko sa isang convenience store dumiretso na ako sa apartment ko para magpalit.

Wala pa akong tulog mula pa kahapon, pero wala na akong oras para magpahinga dahil kailangan kong kumayod para sa pag-aaral ko.

Magisa lang kasi ako sa buhay. Hindi ko nakilala ang totoong tatay ko at ang nanay ko naman ay ayaw sa akin, kaya ayon. Lumayas ako sa amin, it's a long story that I don't want to talk about. My mother is still alive but she doesn't live with me, dahil palaging lasing ang nanay ko at sugal lang ang alam niyang gawin araw o gabi pa.

Nung tapos na kong magbihis agad akong tumakbo palabas sa apartment ko para makakuha ng tricycle. Agad naman akong nakakuha ng tricycle at nakarating sa school.

Naglalakad ako papasok ng school nung may pumatid sa akin! Nadapa ako at nakaramdam ng hapdi sa magkabilang tuhod at isang siko. Nang dahil sa nangyari nagtawanan ang lahat.

"Tss. Lampa kasi." Nag-angat ako ng tingin at agad na sumama ang mukha ko dahil nakita ko nanaman ang hari ng mga bully!

Hindi ko pinansin si Ryan at tumayo nalang tsaka pinagpagan ang damit. I just ignored him at naglakad na paalis dun.

Gustong-gusto kong gumanti kay Ryan kaso alam kong Ako rin naman ang mapapahamak sa huli at papalain ko lang ang sitwasyon namin. Kaya ang ginagawa ko nalang ay wag siya pansinin.

And besides, I can't do anything about him and I can't make him stop dahil ang ending ako ang mapapatalsik sa school at hindi si Ryan dahil siya ang anak ng may-ari ng pinag papasukan ko.

Nung una kong makita si Ryan, hindi ko talaga alam na siya pala ang anak ni Mr. and Mrs. Barrick. Kaya nagsisisi ako sa pakikialam noon sa away nila ng lalaking binubully niya. But I can't stand watching them hurt someone just for entertainment.

Napabuntong-hininga ako tsaka pumunta sa CR para hugasan ang sugat ko. May gasgas ako sa tuhod dahil nakapalda ako tsaka sa isang siko ko rin.

Hindi naman ako makapunta sa clinic at makahingi ng bandaid, dahil kahit ang nurse dun na may gusto kay Ryan ay hindi ako bibigyan ng bandaid. Galit din sakin ng nurse na yun eh.

Busy kong nililinis ang gasgas sa siko ko nung hindi niya napansin na may pumasok pala.

"Oh hi loser." Rinig kong sabi ng isang babae sa likuran ko.

Bahagya akong natigilan sa ginagawa at nag-angat ng tingin sa salamin. At hindi nga ako nagkakamali, si Izzy nga ang Queen Bee (QB) ng school na to na patay na patay kay Ryan. Kahit obvious naman na ayaw sa kanya ni Ryan, sinisiksik parin ang sarili niya sa kanya. Tingnan mo naman ang desperada.

Hindi ko pinansin ang QB at pinagpatuloy ang ginagawa. Nasa kalagitnaan ako ng pagdampi ang panyo kong basa sa sugat ko nung may sumabunot sa akin.

"Aray! Ano ba bitawan mo ko!" Sigaw ko at pilit na tinatanggal ang kaay niya sa buhok ko ngunit hindi ako binitawan ni Izzy at nagtawanan pa sila ng mga kaibigan niya.

"I don't want to bitch." Natatawang sabi ni QB. "Akala ko aalis ka na dahil sa ginawa ko kahapon sayo, pero ang tigas din ng ulo mo eh no?" Inis na sabi ni QB sa akin at binitawan ako.

Agad naman akong lumayo at masamang tumingin sa bruha. Yeah, she's pretty but she's still a bruha para sa akin!

"Kailan ka ba talaga aalis dito ha!? Hindi ba sinabi ko sayo na bawal ang basurang kagaya mo dito! Saan ka ba nakakuha ng pera para dito sa school!?" Sunod-sunod niyang sabi then she gasped. "Did you perhaps steal the money for your tuition here?" Aniya tsaka nagtawanan sila.

𝘜𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘞𝘦 𝘔𝘦𝘦𝘵 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon