Chapter 19 - Truth

38 4 0
                                    


Erin's POV


3 days na ang nakakalipas. Next week na ang prom na magaganap dito sa school. I don't know if I'm going or not, pero everyday ng nangungulit si Ryan na pumunta ako. Kung hindi daw ay hindi rin siya pupunta dun at tatambay sa apartment ko.

Kaya ayun wala akong naging choice! Mukhang excited pa nga siyang pumunta sa prom at ayoko naman na ako ang dahilan kung bakit hindi siya makakapunta. Mukha kasing totohanin niyang hindi siya pupunta kung hindi din ako pupunta.

Nas CR ako ngayon ng school namin. I just finished washing my hands nung bumukas ang pinto. Nagtama ang tingin namin ni Izzy yun.

Oh no...

"I know I'll find you here." Nakangiti niyang sabi. Mag-isa lang siya at hindi niya kasama ang mga kaibigan niya.

Hindi ko siya pinansin at pinunasan ko ang mga kamay ko. Tinapon ko ang tissue sa basura at lalagpasan na sana siya pero humarang siya sa dinadaanan ko.

"Leaving so soon again? Sayang may good news pa naman ako sayo." Malungkot niyang sabi nguni nakita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata.

"Ano bang kailangan mo sakin Izzy?" Tanong ko sa kanya.

"Well I just want to show you something. No worries, this is my last approach to you." Nakangiti niyang sabi tsaka nilahad ang cellphone niya sa harapan ko. Nagbaba ako ng tingin dun at muling tumingin sa kanya. "Open it." Utos niya. "You'll love what you'll see Erin." Mas lalong lumaki ang ngiti niya.

Napakunot ang noo ko sa pagtataka. Tsaka ko kinuha ang cellphone niya at binuksan yun. No password kaya agad na bumukas yun. Bumungad sakin ang isang video. Nandun ang tatlo. Ryan, Jace, and Drew.

Muli akong tumingin sa kanya.

"Go on." aniya.

Nagbaba naman ako ng tingin dun sa cellphone niya tsaka ko in-play ang video.



"You want to get revenge with her right?" Sabi ni Jace na nakatingin kay Ryan.

"Yes." Tugon ni Ryan na nakaupo sa sofa.

"Why don't you make her fall in love with you and break her heart." Aniya ni Jace.

Napasinghal ako sa narinig ko. Are they talking to me?

"What the fuck! That's a bad idea!" Singit ni Drew.

"Sabi nga nila. Mas masasaktan ang babae kung sa puso mo siya titirain. Girl tend to fall in love easily and they heart is fragile as glass. Kaya wala kang magiging problema at hindi ka mahihirapan." si Jace.

"Jace that's enough. Ryan, don't tell me you're going to consider his idea!?" inis na sigaw ni Drew.

"How much?" Tanong ni Ryan kay Jace.

"Hmmm...25k." Tugon niya. "Pero may twist. You only have 30 days to make her fall in love with you." Tuloy niya.

"Tss. You both are childish." Aniya ni Drew tsaka siya tumayo at umalis dun, kaya si Ryan at Jace nalang ang nakikita sa video.

"Tsk. Tsk. Tsk. Minsan iniisip kong may gusto siya sa babaeng yun eh." naiiling na sabi ni Jace. "Ano deal?" Nakangiti niyang baling kay Ryan.

"Tsk. Easy, I don't even need 30 days to make her fall for me."



𝘜𝘯𝘵𝘪𝘭 𝘞𝘦 𝘔𝘦𝘦𝘵 𝘈𝘨𝘢𝘪𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon